YKY: 9

3 3 0
                                    

Akiyara Wrighthand:
Salamat sa video na sinend mo sa akin.

Paki sabi na rin na ayos lang ako, masaya naman, komportable

Huwag niyo na rin pala akong hanapin pa, ako na lang ang pupunta sa inyo.

Facebook User:
Sure ka beh???

Akiyara Wrighthand:
Oo

Facebook User:
Pupunta ka bukas?

Akiyara Wrighthand:
Ewan. ano ba bukas?

Facebook User:
Friday Yars

Akiyara Wrighthand:
okay. pupunta ako bukas.

Make sure na bonggahan niyo ang pagwelcome sa akin ahhh

May surprise ako.

Facebook User:
Talaga?!

Isesend ko lang ang location ng resort na tinutuluyan namin ahh

Love you Akiyara Wright hindi mali!

Akiyara Wrighthand:
I love you too Lianne Armstrong di magiba!

Agad na nawala ang ngiti ko nang maisend ko ang reply ko.

Tumayo ako at lumapit sa salamin. Doon, inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at mahinang sinampal ang sarili.

"Kaya mo ito Yara! Kaya yan!" pagpapalakas ko ng loob at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko.

Kahit nandito na ako, at face to face kami ng pinto, I still cant bring my self to open it and go outside.

Parang Hindi ako makahinga tuwing iniisip ko na lalabas ako Ng kwarto ko ngayong Gabi at susuwayin ko Ang sinabi sa akin ni Boss Jiro.

Pero, Wala na Ang makakapigil sa akin!

I raised my chin and prepared myself to go out, and with a turn of the doorknob, nakalabas ako ng kwarto.

 Pero ang plano kong pag alis ng kwarto ko at bisitahin ang kwarto ni Boss Jiro ay hindi rin natuloy.

 Nakarinig kasi ako ng napakalakas na kalabog, natakot ako, kaya nagtalukbong na lang ng kumot. Pero, hindi ako nakatulog sa kakaisip ng kung ano-ano, kaya ito ako ngayon, nagpi-prito ng hotdog na iuulam ni Boss.

"Ayos na to! Hindi naman siya kumakain ng gulay!" nakangusong sabi ko habang naglalagay ng ketchup. "Carnivore ata siya eh... wait, diba kanin galing halaman? Plants? So... Omnivore si Boss?"

Nagkibit balikat na lamang ako at itinuloy ang ginagawa ko.

Paki alam ko ba kung anong kakainin niya, basta hindi siya nagrereklamo, ayos na yun!

Nang matapos ko na ang ang paghahanda ng pagkain ni Boss, ay agad na akong umakyat para ihatid ito.

Hindi ako nalate nagising ngayon, sadyang nalutang lang ako dahil sa puyat kaya nawala ako sa bahay niya. Nagtagal ako ng halos 2 oras sa loob ng storage room. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta na lang.

Saktong pagdating ko sa harap ng kwarto ni sir ay papalabas pa lamang siya, kaya pareho kaming natigilan nang makita ang isat isa.

"Miss Yara?" gulat na tanong niya saka tinignan ako at ang dala dala kong tray ng pagkain. He made a face when he saw his viand for today, hotdog.

Sige, kunwari di ko nakita yun.

Awkward naman akong ngumiti sa kaniya, pinipigilan ang sarili ko na tumingin sa hubad niyang dibdib na nakasilip sa kaniyang bathrobe.

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now