YKY: 4

7 4 0
                                    

For the first time in history, nagising ako ng maaga kahit wala na akong pasok sa school!

Usually kasi kapag bakasyon ay mga 8 ako nagigising. Pagkatayo sa higaan, luto agad ng pagkain, tapos linis bahay. Yung ulam na niluluto ko para sa agahan ay umaabot ng hapunan.

Ganon ako katipid! Char lang.

Palagi kasi dibang wala si Kuya sa bahay? Tapos minsan, kapag nandito naman siya ay hindi siya kakain, saying na mas gagana raw ang utak niya kapag walang laman ang tiyan niya. Ayun, gutom gutom siya at palaging ako na lang ang kumakain. Paulit ulit na ganon lang ang set up naming dalawa ni kuya.

Magluluto ako ng pagkain, aayain si Kuya na kumain, hihindi si Kuya kaya ako na lang ang kakain. Ganon, halos araw araw na lang kaya naman, nakasanayan ko na na magluto ng pagkain para sa isang tao. Ako.

Alas singko pa lang ay mulat na ako ngayon, gising na gising atq handa nang kumilos.

Ang kaibahan lamang ng araw na ito sa mga nagdaang araw ay, nagising ako hindi para maglinis ng bahay, kundi para maghanda ng susuotin sa pupuntahan namin ni kuya.

Yup, you heard it right.

May pupuntahan kami ni kuya!

Hindi ko masasabi na siblings bonding ito dahil hindi naman kami close. Hindi ko rin masasabi na joyride kasi alam ko na hindi ako mage-enjoy sa gagawin namin. Baka nga habang nasa sasakyan kami ay mas gugustuhin ko pang maging upuan na lang.

Bumangon ako nang nakangiti bago dumeretso sa Cr. Dala dala ko cellphone ko ngayon papasok ng Cr. Wala kasi kaming ilaw dito. Mahirap kami remember? Tapos ayaw pa ni kuya gumastos ng pera para sa light bulb dahil cheap siya, remember?

Anyway, binuksan ko ang gripo at hinayaan itong punuin Ang timba namin. Kinuha ko naman ang mga kinakailangan kong gamitin sa pagligo at ang tuwalya na gagamitin ko.

Mabilis lang naman ako maligo pero kahit ganon, nakusko ko Ang mga dapat kuskusin at malinis akong lumabas ng banyo.
It only took me 3 minutes.

Diba, fast?

Hindi kasi ako katulad ng kuya ko na inaabot ng siyam-siyam, sa pagsha-shampoo pa lamang. Tapos another 15 minutes pa sa pagbabanlaw. I'm serious, ang tagal niya talagang kumilos kapag nasa loob ng Cr.

Napa iling iling ako sa sarili bago pumunta sa box nang damitan ko.

I asked my brother yesterday, kung ano ba ang dapat kong susuotin para sa pupuntahan namin. My brother just shrugged and said with an uncertainty, "formal wear?"

Fuck. Formal wear.

Wala akong formal wear!

Last time, sa school, Ang sinuot kong formal wear ay galing Kay tita Jeanne. Nanghiram lang ako sa kaniya, or, rather, bigla na lang siyang sumulpot sa school at binigay sa akin Ang mga damit. She then said, "Hindi bagay sa anak Kong walang hiya. Hubadera yun eh. Ito, ito Ang gamitin mo para sa program. Maganda yan, maganda ang quality niyan. Galing pa yang states. Ingatan mo ahh".

So yun. Yun ang ngayari.

Pero ano ang gagawin ko ngayon? Wala akong formal wear at wala akong pwedeng hiraman! I tried messaging Lianne last night, but the girl, she just left me on seen!

Turns out, may sour feeling sa pa rin pala siya sa pagblock ko sa kaniya nung nakaraang araw. Tapos nakita ko pa sa myday niya na nasa isa silang resort.

Nagbakasyon na ang nag-iisa kong kaibigan. Wala tuloy akong malapitang iba.

Ayan, nagpa-cold and mysterious new girl kasi sa school. Wala tuloy friends.

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now