YKY: 12

5 4 0
                                    

Hindi kami nakauwi.

"Miss Yara, I'm so sorry to say this, pero hindi tayo makaka uwi ngayon."

Pilit akong ngumiti sa kaniya para ipakita na ayos lang sa akin.

Bumuntong hininga naman siya at napakamot ng ulo. Problemadong-problemado sa nangyayari ngayon.

"Fuck it." naiinis niyang bulong.

Nandito kami sa labas ng bahay ni Sir, pauwi na kami, papasok na sa gate niya nang bigla naming mapansin ang isang van na nakaparada sa labas ng mansyon. It turns out sila ang mga kasambahay na hinire ng mga magulang ni sir, in short, mga espiya nila.

Hindi kami maka uwi kasi isa lang pala akong sekreto.

Nasabi na nga ni Boss Jiro sa akin na if ever daw na dumating sila ay kailangan kong magtago sa kwarto ko, dahil ayaw niya raw ma-issue. Pero paano ako makakatago sa kwarto ko nito?! 

Una sa lahat, nasa labas ako! Pangalawa, kasama ko si Boss Jiro! At huli, bakit ba sila nandito ngayon eh Friday pa lang, sabi ni Boss Jiro ay tuwing Sabado sila pumupunta, may sira ba sa kalendaryo nila?!

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili.

Baka kasi mabulag na naman ako ng galit at inis at bigla na lang ako sumugod sa bahay ni Boss.

Isa sa mga namana ko kay Kuya, anger issues beh.

"Haaa... I'm so sorry Miss Yara." nakayukong pag-umanhin niya.

Tumango ako sa kaniya at pinat ang ulo niya. 

Parang sawing-sawi siya sa nangyari ngayon ay pagod na pagod. Yung para bang nabasag niya ang vase ng nanay niya at hindi niya alam kung hihingi ba siya ng tawad o hindi.

But sincerely, hes cute.

"I'm so sorry Miss Yara, hindi ko aakalain na aatake sila ngayong hapon! I should've been careful! Next time hindi na mauulit ito, please dont be mad..."

'Hindi na ito sir mauulit talaga, kasi wala na akong planong  sumama sayo, remember?' sabi ko sa isip ko. Parang ang harsh ko naman kasi kapag sasabihin ko ito sa harap niya.

Ito pa naman siya sa tabi ko, nakayuko, patuloy pa ring humihingi ng tawad samantalang taga-pat lang ako ng ulo niya.

Seriously, para siyang bata. 

"Tama na yan Jiro," mahinhin na saad ko bago inangat ang mukha niya para makaharap ako. "I'm alright."

His eyes were wide as he stared at my smiling face. 

The light showed down on his face, highlighting his thick eyebrows and brown eyes. His moreno self shined as if he's a divine being, he looks so handsome I can't breathe.

Dapat ako nga ang nakatulala sa kaniya, pero bakit ganito siya makatingin sa akin?

I... I feel loved.

"I'll never get angry at you," dagdag ko pa. "Never."

---

Punyeta, binabawi ko na ang sinasabi ko.

Nagagalit na ako ngayon sa kaniya.

"Yes, thank you. I'll take that." tumango si Boss Jiro sa kausap niya.

Ito kami ngayon, nagbo-book ng room. 

Nandito kami sa resort kung nasaan nagbabakasyon ang pamilyang Armstrong, sila Lianne, Tita Jeanne at Tito Miro. Ayos lang ito sa akin, nagpaalam na rin kasi ako kay Boss Jiro na magkikita nga kami ni Lianne-bestie ko, siya lang ang hindi pumayag at sinabing bawal daw ako makipagkita kay Liam.

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now