Nakahiga ako ngayon sa higaan ko, sa tinutuluyan kong kwarto rito sa bahay ni Boss Jiro habang nakanganga, nakatulala, at gulat pa rin sa mga nangyari kahapon ng hapon.
Matapos kasing masira ni Boss Jiro ang mga suitcase ko na naglalamang damit ay pinagsunog niya ito.
Oo, no joke.
Papalitan niya na lang daw yun pagdumating na ang inorder niya, idedeliver na lang daw dito. Hindi ko na raw kailangang bayaran yun, libre daw yun.
At ako naman itong ayaw gumastos, pumayag.
Masarap naman kasing mabuhay kapag libre halos lahat.
Hindi ko na nga pinansin kahit naging abo na ang mga damit ni mama. Alam ko naman kasi na hindi niya pa yun nasuot. May mga pricetag pa eh .Maliban na lamang syempre doon sa mga panty, yun kasi gamit na.
Wala naman akong naramdaman na lingering attachment sa panty na nagamit ni mama kaya naman ako pa mismo ang nagtapon doon sa sinusunugan ni Boss Jiro kahapon, tinawanan niya lang ako.
Then, for the rest of the day, nanood lang ako ng TV.
Nag Netflix and chill lang ako doon sa couch na tinulugan ko kahapon. Tapos umiyak din ako ng bongga doon sa pinapanood ko.
Walang hiyang stranger things yan, pinatay si Eddie!
Nakakagalit!
Wala sa sariling pinagsisipa ko tuloy ang mga unan sa couch dahil sa pinaghalong galit at lungkot. Tumigil lang ako nang nahuli ako ni Boss Jiro.
Ayun, niligpit ko ito agad at nagtago sa kwarto na ibinigay niya sa akin.
Yung kwarto na tinutulugan ko ay yung nag-iisang kwarto sa first floor. Maliban kasi sa napakalawak niyang sala, kusina, at kwarto na ito, wala nang ibang nakaano dito sa first floor.
Kahapon nung umakyat kami nang second floor ay nakita ko na maraming mga pinto doon. Malamang mga kwarto.
Ang hindi ko lamang alam ay kung bakit dito ako sa baba gayong marami namang bakante doon sa taas? Yun talaga ang hindi ko magets! tapos dumagdag pa yung rules ni Boss Jiro na nagpatigil sa balak kong paglabas ng kwarto ko kagabi.
"Number 2, bawal kang lumabas ng kwarto mo tuwing gabi. Bawal na bawal yun. Hindi kita papalagpasin kahit ano pang excuse ang ibigay mo sa akin. Basta pagsinabi kong bawal, bawal. Noted?"
Feeling ko kasi na may nangyayaring hindi maganda doon sa second floor! May narinig kasi akong mga kalabog! Hindi ito katulad ng pagkahulog ng suicase ko sa hagdanan, ang kalabog na narinig ko ay mas kakaiba at parang mas mabigat na bagay ang nahulog.
Ayaw ko naman isipin na baka haunted itong bahay ni Boss Jiro dahil lamang s amga naririnig kong ingay tuwing gabi.
Yung bahay kasi namin, kahit mukhang haunted house, ay walang multo. Tested and proven ko na yan. Asahan mo na kapag may ingay, si Josephine yun, yung daga na nagapang-ngatngat ng damit namin na kinaibigan ko!
Ayun, nagpamilya, dumami tuloy ang daga sa bahay. Buti na lang at hindi na sila
Hirap tuloy akong makatulog kagabi sa kakaisip ng mga sinabi ni Boss Jiro sa akin. Para kasing may ibang meaning sa words niya na hindi ko magets.
Ngayon hindi ko lang alam kong manhid lang ba ako o kulang pa ako sa talino para magets ang totoong meaning ng mga sinabi niya sa akin.
Atsaka... yung mukha niya!
"Fucking shit, gwapong mukha naman nun kahit malungkot!" mahinang bulong ko at nagpagulong gulong sa higaan ko.
Nakakatuwa kasi ngayon, dito sa bagong kwarto ko ay maaari ko itong gawin, hindi tulad doon sa bulok na haunted house ko. Hihinga ka pa lang, nagsisiliparan na ang mga alikabok. Ewan ba, araw araw naman akong naglilinis, sadyang hindi lang talaga maubos ubos ang mga alikabok sa bahay!
