Chapter 22
Iska’s POV
“Iska, tawag ka raw ni Ms. David, nasa office siya ni Ms. Fuente.”sambit sa akin ni Niel na siyang pabalik na sa may set.
“Bakit daw?”tanong ko.
“May iuutos ata, hindi ko rin alam.”aniya kaya napatango na lang ako.
Tahimik lang ako habang nagllakad sa tahimik na hall dito sa media star. Ang daming office dito at marami ring room para sa ilang talk show. Sobrang lawak kaya ng media star, idagdag mo pa na ang dami ring iba-ibang studio sa iba’t ibang lugar.
Habang naglalakad, natigil ako nang may marinig na sigawan sa isang room na madadaanan patungo sa office ni Ms. Fuente. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang si Ms. Eva ‘yon at si Ms. Mint. Nagtago ako sa pinakasulok para tignan ang ganap.
“Ayusin mo kasi, binabayaran ka ng maayos!”dinig kong sigaw ni Ms. Eva habang hinahagis ang ilang papel na hawak hawak niya. Napaawang naman ang mga labi ko nang makitang halos ihampas na niya kay Ms. Mint ang mga papel. Kita ko pang nagkasugat si Ms. Mint sa kaniyang pisngi dahil do’n.
“Sorry, Ms. Eva. Ulitin ko na lang po.”sambit ni Ms. Mint sa kaniya.
“Dapat lang! Hindi ako nagsasayang ng pera rito, I want to be the best writer, Mint. Umayos ka.”ani Ms. Eva at tinulak pa si Ms. Mint.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. I mean tinitingala ko siya sa loob ng ilang taon. Hindi ko inakala na ibang iba pala ang ugali niya sa ugaling inaasahan ko. I thought she’s sweet at hindi makabasag pinggan but now hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ‘yon sa assistant writer niya. I mean yes you should have a dream but it doesn’t mean na dapat mo ng tapakan pa ang mga taong nasa paligid mo. That’s not right.
Lalapitan ko na sana si Ms. Mint para tulungan siyang pulutin ang mga papel na nagkandahulog dahil kay Ms. Eva ngunit bago pa ako makalapit, tinulungan na siya no’ng isang kasama nilang assistant writer.
“Mint, bakit naman kasi nagtitiyaga ka pa riyan kay Eva? Gaga talaga ‘yang isang ‘yan, hindi niya kaya naiisip na wala naman talaga siyang mararating kung hindi dahil sa’yo?”sambit nito.
“Hayaan mo na, ayos lang ako.”sabi naman ni Ms. Mint.
“Sobrang talented mo, Girl, hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang maging ghost writer niyang Eva na ‘yan.”napaawang ang aking mga labi nang marinig ko ‘yon. Ghost writer? Huh? Paanong—ano? Bakit? I was lost for words. My respect for her went from so high to low.
“Kailangan ko ng pera, Sis, hindi pwedeng ngumanga lang ako habang buhay.”natatawang saad ni Ms. Mint at tumayo na. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago siya ngumiti.
“I need to go. Bangon ulit. I need to make more script to gain money.”aniya na nakangiti pa. Hindi ko naman maiwasang humanga sa kaniya. I didn’t know na siya dapat ang hinahangaan ko. Hindi ko alam na siya pala ang mga nasa likod ng mga magagandang istorya sa likod ng camera.
Hindi na rin ako nagtangka pang lumapit dahil baka hindi rin naman nito gustong malaman ng iba ‘yon. Sapat na sa akin na nalaman ko ang totoo, I won’t say a word but I think I will never look the same way as I look at them before. Medyo disappointed talaga ako kay Ms. Eva, hindi ko naman ‘yon itatanggi.
“Hoy, bakit tulala ka riyan?”tanong sa akin ni Niel nang makita niya ako. Napatikhim na lang ako at umiling. Hindi ko pa rin talaga gaanong maproseso ang nangyari. So things like this really happen in real life, huh?
Hindi ko naman tuloy maiwasang isipin ‘yon kahit na natapos na ang buong araw.
“Hey, what’s wrong?”tanong sa akin ni Silas. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kaniya. I mean gusto ko silang dalawa para sa isa’t isa dahil parehas silang successful but now na nalaman ko ‘yon, hindi ko na alam. Wait nga, Iska, sino ka ba? Sino ka ba para magdecide kung sino ang bagay kay Silas. Edi mas lalo ka naman.
“I don’t like that look in your face.”aniya sa akin.
“What’s bothering you? Is it about the party? Gusto mo bang umatras?”tanong niya sa akin. Mayroon kasi kaming party’ng dadaluhan. Birthday ng Mama niya and nandoon si Ms. Eva kaya sinasama niya ako. Noong una’y pumayag naman na ako ngunit hindi ko sigurado kung ano na bang dapat kong gawin.
Uulitin ko, Iska, who are you to decide? I mean he likes her. Hindi mo naman mababago pa ‘yon no matter what happen. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang nalaman ko dahil ayaw kong magmukhang naninira. Bahala na nga siyang makadiscover, bakit ba kasi masiyado akong nag-aalala rito kay Silas?
“Hindi na, ayos lang. Napagplanuhan naman na natin noon pa.”sambit ko na napakibit ng balikat.
“Just tell me kung ayaw mo, pupwede namang hindi tayo umattend.”aniya kaya umiling ako.
“Ayos lang. Ano ka ba?”natatawa kong saad.
“Then what’s your problem kung hindi ‘yon?”tanong niya.
“Wala naman.”sabi ko at ngumiti na lang. Kinulit niya pa ako ng gabing ‘yon ngunit hindi ko rin naman sinabi sa kaniya kung anong nasa isip ko. Ang ending ay kung ano ano lang pinagkwentuhan namin para mapreoccupied ang utak ko.
“I brought you dress and a pumps. Wear it if you can’t find anything to wear.”aniya sa akin nang pauwi na ako.
“Hala, bakit nagsasayang ka nanaman ba ng pera, Silvano?”tanong ko na pinaningkitan siya ng mga mata. Tinulak ko sa kaniya ang box. Nakakahiyang tanggapin, box pa lang halatang mamahalin na.
“Come on, wala ring magsusuot niyan, Iska.”aniya na iniabot pa ‘yon. Pinagpilitan niya rin ang gusto kaya napairap na lang ako. Desidido naman akong magsuot ng matino dahil nandoon ang Mama niya pero kasi naman. Nakakahiya talagang tumanggap ng galing sa kaniya. Sa huli’y kinuha ko rin naman.
“Good night, Iska,”aniya bago ako hinalikan sa noo. Naging maganda rin naman ang ending ng gabi ko no’ng araw na ‘yon dahil sa kaniya.
“Iska, nandiyan sa baba boyfriend mo.”ani Leo sa akin nang umakyat at may dalang ulam, mukhang binili niya kay Aking Nora. Tumango naman ako at lumabas na, sabi niya nga kanina’y dadaan siya rito. Ngayon kasi ang birthday ng kaniyang Mama kaya hindi na ako nag-eexpect pa na pupunta siya rito.
“Hey, I thought you are busy today?”tanong ko sa kaniya.
“Yeah, I brought something in the bakeshop then I saw mojacko so I decided to drop by.”aniya na pinakita pa ang mojacko na binili niya. Sobrang extra nito kaya nahuhulog ako e.
“Hindi ka na sana nag-abala, I know na busy ka.”sabi ko sa kaniya.
“It’s fine, it’s just my excuse to see you rin naman.”aniya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway, ang hilig hilig kasi ng isang ‘tong bumanat ng ganoon kaya madalas akong mabigla. Kainis.
“Nakita mo na ako, pupwede ka ng lumayas.”sabi ko kaya natawa siya sa akin.
“Thanks sa mojacko, sige na, baka kailangan ka pa ng Mama mo, kailangan ko rin ng beauty rest.”sambit ko.
“Maganda ka naman na. Hindi na kailangan.”sabi niya na napakibit pa ng balikat. Bahagya naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya.
“Ewan ko sa’yo.”ani ko kaya tumawa siya.
“I’ll go now, I’ll see you later, love.”nakangisi niyang saad kaya inirapan ko siya. Ito nanaman kami sa pang-aasar niya.
“Okay, bf.”sabi ko naman kaya natatawa siyang sumakay sa kaniyang kotse. Kinawayan niya pa ako bago siya tuluyang umalis. Palihim naman akong napangiti habang papasok sa loob.
“’Yan ang harot, Girl.”natatawang saad sa akin ni Leo nang makita niya akong nangingiti habang kumakain ng mojacko.
When the afternoon came, nag-umpisa na si Leo na straight-in ang buhok ko. Siya kasi ang mag-aayos sa akin para sa party na magaganap. Sa sobrang daming racket ni Leo, kung ano ano na rin ang natutunan niya. Alam na alam niya ang ginagawa kaya nabibilib na lang talaga ako sa kaniya. Nang matapos siya sa buhok ko mga alasais, sinimulan niya na ring ayusin ang mukha ko.
“Girl, dapat maganda ang first empression mo sa nanay niya. Alam mo na, first empression last.”aniya pa habang inaayusan ako.
“Hindi naman ako pupunta roon para do’n, Sis, alam mo naman kung anong tunay na dahilan kung bakit ako sinama ni Silas.”sambit ko sa kaniya.
“Alam mo minsan tanga ka rin talaga, Sis, e, bakit naman siya mag-aaksaya ng ganiyan kalaking pera para sa damit mo, Girl? Alam mo ba kung magkano ‘yang suot suot mo ngayon?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. The dress is pretty elegant, pakiramdam ko’y hindi ako ito dahil sa suot. Made from satin, it is color scarlett, It has a plunging neckline and lattice back design. Ternong terno rin sa pumps na binigay niya.
“Living diamante ka, Girl.”aniya pa kaya nailing na lang ako. Of course, para kay Ms. Eva.
“Ewan ko sa’yo. Malay mo gusto ka na niya.”sambit niya muli sa akin.
“Alam mo, hindi talaga maintindihan, minsan gusto mo akong lumayo dahil masasaktan lang ako tapos ngayon ay pinapaasa mo naman ako. Balimbing ka talaga, gaga ka.”sabi ko sa kaniya kaya bahagya siyang napatawa.
“Well, hindi ko rin maintindihan, ayaw kong masaktan ka na gusto kong sumaya ka.”aniya kaya naiiling na lang akong natawa.
“’Yarn, ang pretty mo, Girl.”aniya nang sa wakas ay natapos na akong mag-ayos.
“Picture-an kita, dali, ipapabayad ko kay Silas.”sambit niya pa kaya naiiling na lang ako.
“As if naman babayaran no’n.”natatawa kong saad.
“Girl, believe me, kahit milyon ay maglalabas ‘yon para lang sa’yo.”natatawa niya ring saad. Napailing na lang ako dahil do’n. Pinapaasa talaga ako nitong si Leo.
Maya-maya lang ay dumating din si Silas. Nakatingin lang naman siya sa akin nang makita akong palabas ng apartment.
“Ghad, you look really good. Ganda mo…”aniya sa akin nang makalapit ako sa kaniya.
“Thanks.”sambit ko naman at tipid siyang nginitian.
Habang nasa kotse kami’y patingin tingin siya sa akin kaya pinaningkitan ko lang siya ng mga mata.
“Tigilan mo nga ako, sinasabi ko sa’yo, kapag nalove alarm tayo. Bahala ka riyan.”sabi ko kaya napatawa siya.
“Hmm, if ever that we really have that incident, I won’t let you leave me.”natatawa niya ring saad.
“Pinanood mo?”tanong ko na nagtataka.
“Yeah, gusto kong makarelate sa’yo.”aniya. Napatitig lang ako sandali sa kaniya, pafall talaga ang isang ‘to. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa isang malaking bahay. Hindi ko naman maiwasang mamangha dahil 1oo times ata ang laki nito sa bahay talaga namin. Sobrang lawak pa. Sobrang lawak din pala talaga ng agwat naming dalawa. Don’t think about it, Iska. Hindi ka rin naman ang end game kaya huwag mo ng isipin pa.
“Tara?”tanong niya at nginitian ako. Nang papasok na kami sa loob ay agad niyang hinapit ang baywang ko. As usual, ang dami ulit bumabati. Syempre, si Silas ‘tong kasama ko, minsan ay humihinto siya para ipakilala ako. Ngiti lang naman ang naibibigay ko. Aba’t dito pa nga lang ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag nakita ko na ang parents niya? Hindi ko pa naman alam kung paano ko babatiin ang mga ‘yon.
I mean hindi naman talaga ‘to totoong meet the parents pero kahit na pa! Parang magwawala na ang puso ko sa sobrang kaba. Kahit na hindi naman ‘to totoo parang gusto ko pa ring gawin ang best ko para magustuhan nila ako. Halos wala na akong iba pang maisip, umiikot na lang ang utak ko sa katagang ‘meet the parents’.
“Hey, are you okay?”
“Ayy meet the parents.”halos tuktukan ko na lang ang sarili dahil sa sobrang gulat. Siraulo kasi ‘to, bigla bigla na lang bumubulong sa tainga. Napatawa naman siya ng mahina dahil sa itsura ko.
“Don’t worry, my mom will like you…”
BINABASA MO ANG
Take two, please
RomancePlay the Set Series #3 Iska Sumilang is an aspiring writer and screenwriter who chase after her dream. She wants to be big someday. Klaro kung anong gusto niya, wala siyang plano sa kahit na ano. That's when she met Silvano Lucas Herrera, a hot sexy...