Chapter 10

925 28 0
                                    

Chapter 10
Iska’s POV

Painat inat pa ako habang nakahiga sa malambot kong kama ngunit agad akong natigilan nang mapagtantong hindi naman malambot ang kama ko sa apartment at maski sa bahay.

“Hala! Tuluyan na bang naibigay ang kinaiingat-ingatan petchay?!”malakas kong sigaw sa sarili. Napatili pa ako dahil do’n. Ganito pa rin naman ang suot ko at may panis na laway pa nang mapatingin sa salamin.

“Ang aga-aga nambubulabog ka, Iska.”natigil ako nang mapatingin sa taong papasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makta si Direk Silas. Agad namang nag-unahan ang mga ala-ala last night. Mabuti na lang maliban sa kadaldalan ko wala naman na akong ginawang kung ano pero kahit na nakakahiya ka pa rin, Iska, talagang nakipaginuman ka pa kay Direk, huh? Isa pa ni hindi ka man lang nahiyang umiyak sa harapan nito, anong akala mo? Audition ng pagiging artista?

“Come on, let’s eat first.”aniya sa akin.

“Hindi na po, uuwi na rin po ako.”sambit ko.

“Isa pa bakit nga po ba ako nandito?”tanong ko dahil hindi ko na matandaan ang ilang parte dahil antok na antok na ako.

“I don’t know your address so I just brought you in my home.”sabi niya sa akin.

“Pupwede naman akong gisingin.”bulong bulong ko sa sarili kaya naman napatingin siya sa akin.

“You’re deep sleeper kahit sinampal na kita, hindi ka pa rin nagigising.”sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Sinampal mo ako?”tanong ko.

“Joke.”sabi niya naman. Bahagyang napaawang ang mga labi ko dahil marunong din pa lang magjoke ang isang ‘to.

“Tara na, kain na.”aniya sa akin. Tatanggi pa sana ako dahil nakakahiya na, mula kagabi pa ako nakakaistorbo sa kaniya.

“Masamang tumanggi sa grasiya.”sambit niya kaya napakibit ako ng balikat at tumango na lang. Mukha namang wala siyang ginawa sa akin dahil buong buo pa rin ako, well, bakit naman kasi siya kukuha pa ng katawang walang malay kung ang daming sexy’ng babae na sila na mismo ang nagtatapon ang sarili sa kaniya.

“May ginawa ba akong kung ano, Direk?”tanong ko sa kaniya.

“Wala. But you should stop drinking, you’re hard to wake up, baka matangay ka. Just friendly reminder.”aniya kaya napabulong ako sa sarili. Friends ba kami para may pa friendly reminder siya riyan?

“Hindi pa tayo friends? Friends drink with each other.”sambit niya habang nilalagay ang mga pagkain mula sa lamesa.

“Ikaw nagluto, Direk?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah.”aniya. Infairness, hindi lang pogi ang isang ‘to, may subtance din. Hindi lang masarap sa mata, masarap din talaga ang luto niya.

“Sisante na ba ako, Direk?”hindi ko maiwasang itanong. Napakunot naman siya ng noo dahil do’n.

“What do you mean?”tanong niya na nagtataka sa akin. Umiling lang ako, mukhang may trabaho pa rin naman pala. Buti naman.

“I brought you some clothes, kung gusto mong hindi na umuwi ngayong araw.”aniya at tinuro pa ang mga paperbag. Agad naman akong napailing. Uuwi ako no! Kahit na malate pa ako sa trabaho’y uuwi pa rin ako ngayon.

“Uuwi ako, Direk.”sambit ko kaya napakibit na lang siya ng balikat.

“Okay.”sambit niya bago sumimsim sa hot coffee na nasa lamesa. Napatingin naman siya sa hot coffee na nasa tapat ko. Hindi ko pa rin kasi ‘yon nababawasan.

“Ayaw mo?”tanong niya sa akin.

“I don’t really like coffee po.”sambit ko. Kahit kailangan ko ng pampagising kapag gabi, hindi ako nagkakape, hindi ko lang gusto.

“Oh.”napatango naman siya roon habang nakatingin pa rin sa akin.

Infairness, our breakfast became really normal, hindi naman pala siya ganoong nakakatakot kausap, I actually find him interesting.

“You know what, Direk, you’re not that bad to talk with. Nakakatakot ka lang talaga kapag nasa set na, kaya daming ilap sa’yo e.”natigil naman ako roon at gustong pitikin ang sarili dahil ang daldal ko nanaman. Hindi nanaman mapakali ‘tong bunganga ko.

“Pero medyo gets ko rin, you don’t want to act friendly kasi ‘di ba? Nagsimula ka medyo bata ka pa lang? You want them to take you seriously, ganoon ba?”tanong ko sa kaniya kahit pinipigilan ko ang sariling magsalita.

“Hmm, you’re right about that.”aniya at tumango.

“When I first started at 17, it was really hard to communicate, ‘yong iba ayaw pa akong makatrabaho dahil baka hindi raw competent, hindi pa nakikita, hindi na nagtitiwala. That’s why I didn’t really tried to be friendly or anything. It’s hard to work with older one, minsan kasi kahit ikaw ‘yong tama, ikaw pa rin mali.”aniya na napakibit pa ng balikat, hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa kaniya. Pero kinaya niya.

Sabi ko noon, ang dali lang para sa kanilang matupad ‘yong mga pangarap nila but now I think hindi rin naman niya ‘yon naabot ng ganoon lang kadali. Kung sino siya ngayon dahil din sa mga napagdaanan niya noon.

“Huwag mo akong tignan ng ganiyan, iisipin kong crush mo ako.”aniya kaya napatawa ako. May pagkafeeling din pala ang isang ‘to.

“I don’t like guys who can make me feel small.”sambit ko sa kaniya. Masiyado siyang mataas, ngayon pa lang dapat bakuran ko na ang sarili ko dahil ayaw kong bigla na lang mahulog dito, that’s bad for myself. Mabilis pa man din akong mainsecure. Advance akong mag-isip, hindi ko man nararamdaman ngayon dahil hanga lang ang nararamdaman ko sa kaniya, sure pa rin ako na darating ako sa puntong ‘yon. Kilala ko sarili ko e. Saka na siguro ako magkakagusto rito kapag naabot ko na pangarap ko. Baka sakali.

“Do I make you feel small about yourself?”kunot noong tanong niya sa akin.

“Not yet.”sambit ko naman at kinuha na ang mga pinggan sa kamay niya. Wala siyang helper dito sa bahay niya, mukhang siya ang kumikilos sa lahat. Minimalist din ‘tong si Direk, sobrang simple pero ang linis ng bahay niya.

“Ikaw lang nakatira rito, Direk?”tanong ko dahil parehas kaming natahimik dahil sa huli kong sinabi.

“Oo.”aniya. Ang laki ng bahay niya siya lang ang nakatira? Well, balita ko’y wala pa naman kasi ‘tong asawa. Girlfriend nga ata wala, Iska, asawa pa kaya? Halos mapatalon ako sa gulat nang dumampi ang kamay niya dahil inagaw ang pinggan sa akin. Ramdam ko ang dagundong ng puso.

“A-ako na.”ani ko ngunit umiling siya.

“I can manage.”simple niyang saad, pinapanood ko lang naman siya habang hinuhugasan niya ang ilang hugasing nagamit. Bakit ang hot pa rin kahit naghuhugas lang naman ng plato? Napatikhim naman ako sa sariling iniisip. Punyeta ka, Iska, kailangan ka pa natutong humarot?

Nang matapos siya’y napagpasiyahan ko na ring umuwi.

“Uuwi na ako, Direk.”sambit ko na kinuha pa ang bag na nasa gilid.

“Tara.”sambit niya, kinuha lang ang coat na nasa sofa. Kanina pa naman kasi siya nakabihis. Ayaw talaga ng isang ‘to na nalelate sa trabaho.

“Huwag na, Direk, papasok ka pa ho.”sambit ko dahil kaya ko namang umuwing mag-isa basta may google. Hindi naman siya nagsalita at dire-diretso lang sa lambo niya.

“Hop in.”aniya.

“Dali na, wala ka ring masasakyan diyan, exclusive ang village.”wala naman akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya.

Sinabi ko lang naman kung saan ako, maya-maya lang ay nakarating din naman kami sa apartment. Napatingin pa siya roon, bahagya akong nahiya dahil kumpara sa bahay niya, it’s 100 much better pero bakit nga ba ako nahihiya gayong dito ako nakatira.

“Una na ako, Direk, salamat kagabi saka sa ngayon.”sambit ko sa kaniya.

“You owe me one.”aniya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya kumaway lang naman ‘to. Magsasalita pa sana ako nang may humila na sa akin.

“Hoy, gaga ka!”impit ang tili ni Leo nang makita niya ang kotse na siyang naghatid sa akin. Akala ko’y sasabihin nanaman nitong nakabingwit ka ng mayaman ngunit nagulat ako nang alam niya agad kung sino ‘yon.

“Gaga ka, nakipagone night ka kay Direk Silas?”nanlalaki ang matang tanong niya habang papasok kami sa loob ng apartment.

“Gago, walang ganoon!”sambit ko na nailing pa.

“We?”natatawa niyang tanong at mapang-asar pa akong tinignan. Kinuwento ko naman sa kaniya ang nangyari.

“Gagi, big scope sana ‘to kaya lang kaibigan kita, suportado kita riyan sa kalandian mo.”aniya kaya nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko talaga alam ang trabaho ng isang ‘to. Alam kong nagpapart time siya sa big burger malapit sa media star pero hindi ko pa rin alam kung anong tunay. Hindi naman kasi nagkukwento.

“Hehe, next time, baka biglang ayawan mo ako e.”sambit niya na nilayo na ang usapan sa pinagkakaabalahan niya. Hindi ko naman na siya pinilit pa. Nagtungo na rin ako sa cr para maligo. Ni hindi ko na rin natawagan ang mga kapatid ko dahil nagmadali na akong magtungo sa trabaho, tumatawag na rin kasi si Niel, ang dami na raw gagawin at hinahanap na ako ni Ms. Baltazar.

“Gaga ka, bakit late ka?”tanong niya sa akin nang matapos akong magpaattendance kay Ms. Baltazar at matapos ang matagal na sermon nito.

“Uminom ako kagabi, Sis, hehe.”sabi ko na napakamot pa sa ulo. Nailing na lang siya sa akin dahil do’n.

“Buti na lang din mukhang good mood si Direk kaya wala pang gaanong pinapagawa ng ilan. Sina Ms. Eva lang ang madami.”aniya sa akin.

Nagtungo naman na kami sa may coffee shop para bumili ng mga inumin para sa mga staff.

“Pero alam mo ba, Sis, kagabi raw, may dinalang babae si Direk sa bar tapos nakita rin daw siyang inuwi ‘yon.”halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa kwento ni Niel. Pucha, ganoon pala kamaling desisyon na nagpunta ako roon. Tanga ka talaga, Iska.

“Sabi pa’y hindi naman daw kagandahan ‘yong babae pero ewan ko ahh, baka insecure lang mga ‘yon, alam mo naman na kahit maganda pangit sa kanila dahil nga gusto si Direk.”ani Niel. Napansin naman ni Niel na natulala lang ako sa isang tabi kaya nanlaki ang mga mata nito. Bahagya naman akong kinabahan dahil do’n.

“Hala, crush mo nga pala si Direk! Sorry!”aniya kaya napaubo na lang ako kahit wala naman akong ubo. Napatingin tuloy sa akin ‘yong ilang tao rito sa coffee shop, mukhanh kilala rin nila si Direk dahil medyo malapit lang naman dito ang media star.

“Hindi nga.”sabi ko na nailing na lang, kunwari’y kalmado ngunit kabadong kabado na.

Nang matapos kami’y nagtungo na rin kami sa set. Kaniya-kaniya na kaming bigay ng mga drinks nila. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa para kay Direk. Kakakape niya lang, huh? Magkakape ulit siya?

“What’s with the look?”tanong niya nang makalapit ako sa kaniya. Hindi niya suot ang coat niya, ang long sleeve ay hindi nakabutones ang unang tatlo. Nakaupo lang siya pero para pa ring modelo.

“Kapag ba sinabi ko, iisipin mong pakialamera sa ako?”tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya dahil do’n. Bahagya lang siyang umiling.

“No.”aniya kaya napatango ako.

“Kakakape mo lang, baka masobrahan ka?”tanong ko. Nakatitig lang naman ‘to sa akin at bahagyang nangisi.

“Hmm, I won’t drink it then.”aniya sa akin.

“Fruit tea?”tanong ko.

“Later.”aniya kaya tumango ako at iniwan na rin siya roon. Wala namang nakarinig ng usapan namin kaya medyo ligtas. Ligtas amp. Syempre, ayaw ko lang mag-isip sila ng kung ano ano.

“Iska, tignan mo ‘yang pinsan kong ‘yan, sabi gusto ka pero ang harot. Nagpapareto sa’yo, reto ko ba?”natatawang tanong ni Niel na napatingin pa kina Ms. Eva at Clark. Napatawa naman ako dahil do’n.

“They kinda look good together naman. Abg ganda ganda kaya ni Ms. Eva and Clark’s not that bad kaya lang ‘di ko siya gusto kaya huwag na.”natatawa ko ring sambit kay Niel.

“Kasi nga iba gusto mo, hindi ba?”natatawa niyang saad at malapad akong nginisian, halatang nang-aasar nanaman. Napailing na lang ako sa paraan ng tingin niya at natawa na lang ng bahagya.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Direk na siyang nakatingin din pala kina Clark at Ms. Eva. I don’t know what was that pero para kasi siyang nagseselos, may gusto ba siya kay Ms. Eva? Imposible naman kasi kung kay Clark, ‘di ba?

Nang magtama ang mga mata namin ay kumurba ang ngisi sa mga labi ko habang siya naman ay nakataas ang kilay sa akin.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon