Chapter 25

862 25 0
                                    

Chapter 25
Iska’s POV

“Bakit hindi mo tinuloy ang pangarap mo?”tanong ko sa kaniya nang pababa na kami.

“Gusto ko ng itakas si Mama sa impyernong bahay na ‘to. Gusto kong sa lalo’t madaling panahon umalis na siya. But she loves him, she said he was the only one na tumanggap sa kaniya noong mga panahong tinalikuran na siya ng lahat.”sambit niya. Her Mom is a sexy star, ‘yon ang alam ko.

“My Dad is a fucking asshole, binabalikan niya lang si Mama kung kailan niya gusto.”sambit niya pa.

“I want my mom to move forward but she chose this fucking hell.”aniya pa. Napatango naman ako roon dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

Nang makababa kami’y nakita namin ang Kuya niya na nakaupo sa sofa habang umiinom ng alak. Ang ilang kasambahay ay mukhang nagliligpit na rin. Ang aga naman pa lang natapos ng party.

“Where’s Mom?”tanong ni Silas sa Kuya.

“The party is over.”sambit ni Mr. Axel.

“She’s in her room, probably crying again, baka nakita nanaman si Papa.”aniya kaya pare-parehas kaming natahimik.

“Nah, why would I cry? Let’s go in your Dad’s hotel, I’ll give my self my present.”sabay sabay kaming nagulat nang makita ang Mama niyang ibang iba sa eleganteng Fe na nasa party. She’s very different. Her aura is strong as if she’s ready with fight.

“Ma, what are you planning to do?”tanong ni Silas sa kaniya.

“Basta, let’s just go. Hatid niyo ako.”aniya. Hindi na sana ako sasama pa dahil mukhang family problem ‘to pero nakita ko na lang din ang sariling nakaupo sa backseat at naghihintay ng pag-alis namin.

Parang alam na alam nila kung saan nagdadala ng babae ang tatay nila. Gulat pa ‘yong receptionist nang makita sila dahil nga kilala naman ang pamilya nina Silas.

Dire-diretso lang sila patungo sa kwarto kung nasaan ang Papa nila at ang babae nito.

“Open the door.”sabi ni Tita sa receptionist na nanginginig sa kaba. Hindi niya kasi talaga alam ang gagawin niya kanina pa. Boss niya rin naman kasi si Tita saka kahit ano atang paraan, magagawa nitong dalawang magkapatid para sa Mama nila. Nang mabuksan ang pinto’y dinig na dinig ang ungol mula sa loob. Kita ang galit sa mukha ni Silas at Mr. Axel. Habang ang Mama nila’y may luhang tumutulo ngunit nananatili pa rin ang matapang na mukha. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at pinahid ang luha bago niya nilingon si Silas at Mr. Axel.

“Ready yourself and cameras, damihan niyo ang litrato as much as possible.”sambit niya bago parang isa villian na naglakad sa loob. Dinig na dinig pa ang palakpak nito.

“Wow, that was some amazing performance you have there, Benedict.”dinig kong saad ni Tita habang pupalakpak. Kahit galit ay sinunod naman ni Silas at Mr. Axel ang utos ng Mama nila.

“Igiling mo pa, sarap ba?”dinig ko pa ang munting halakhak mula kay Tita. Kitang kita ko ang galit mula sa kaniyang mga mata. Nanginginig din ito ngunit nanatili pa ring matapang ang mukha.

“This is our annulment paper, starting today, I’m going to free myself. You’re fucking disgusting.”sambit ni Tita na lumapit pa para bigyan siya ng mag-asawang sampal. Hindi naman nakapagsalita ang papa niya lalo na nang ihagis ang annulment paper sa kaniyang mukha.

“At ikaw na pokpok ka, huwag mong hintayin na kaladkarin kitang nakahubad.”sambit niya sa babaeng nanginginig sa sobrang takot. Nakapatong pa ito kanina sa Papa ni Silas. Pagiling giling. Ngayon ay parang nakakita ng multo at hindi alam kung paano aalis dala dala ang isang kumot.

“Pirmahan mo.”sambit ni Tita sa Papa ni Silas.

“I won’t, honey, pag-usapan naman natin ‘to…”malambing niyang saad kay Tita. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil akala mo’y hindi hubad na kagagaling lang sa sarap. Dinig ko ang halakhak ni Tita.

“You think I will still forgive you, huh? Pirmahan mo kung ayaw mong kasuhan pa kita.”sambit ni Tita na inilahad ang camera sa Papa niya.

“Your pictures with your misstresses? Ilalabas ko lahat.”samhit pa ni Tita na pinapakita ang mga litrato.

“You think I can’t fucking do it? You fucking know me, Benedict. Hindi ako mapagbiro. Minahal kita ng sobra pero sobrang pagod na rin akong intindihin ka. Tangina ka, binigay ko sa’yo lahat.”walang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.

“See you in court. Happy fucking Birthday to myself.”ani Tita na sinipa pa ang sundalong nakatayo. Namilipit sa sakit ang Papa ni Silas.

“Ma, pasuntok po.”sambit nina Silas at Mr. Axel na hinayaan ang Mama nilang lumabas. Sumunod naman ako dahil pakiramdam ko’y magbebreakdown ito. Katulad nga ng inaasahan ko. Nang makalabas kami ng hotel, parang bigla na lang ‘tong nanlambot. Agad naman akong napaalalay sa kaniya.

Hindi ito nagsalita, umiyak lang siya ng umiyak. Hindi rin naman ako nagsalita, ayaw ko ng dagdagan pa ang bigat ng nararamdaman niya. Hanggang sa dumating sina Silas ay umiiyak lang siya. Hindi naman alam ng dalawa kung paano nila ito patatahanin. Ilang mura pa ang narinig ko mula kay Mr. Axel. Ganoon din kay Silas na hindi mo maipinta ang mukha.

“I’m sorry… I’m sorry if it took me so long… I fucking love your father… so much… pero pagod na rin talaga akong umintindi…”humahagulgol na saad ng Mommy niya.

“Lucas, anak, I never knew you experience that thing, nak… sana sinabi mo. Bakit hindi ka nagsasalita? Kaya kong tiisin ‘yong panggagago sa akin ng Papa niyo pero kung kayo na ang usapan? Ibang usapan na ‘yon.”sambit ng Mommy niya bago siya niyakap ng sobrang higpit. Narinig ata ang usapan namin kanina.

“Anong experience, My?”naguguluhang tanong ni Mr. Axel.

“He was sexual abuse by your father’s colleague.”sambit ng Mama niya.

“Ano? Bakit hindi ka nagsasabi?”galit na saad ni Mr. Axel at talagang bumalik pa sa pinanggalingan namin. Pinipigilan na siya ni Silas ngunit hindi niya ‘yon pinansin kaya ang ending may part 2 pa ang away nilang mag-ama.

Anong oras na rin ng matapos umiyak si Tita, kahit kita kong nagmamatapang ang dalawa niyang anak. Alam kong nanlalambot sila habang nakatingin sa kanilang Mama. 

“Pasensiya ka na, Hija, kung nakita mo pa lahat ng ‘yon, nakakahiya, unang araw mong tumapak sa bahay namin pero ito pa ang nasaksihan mo. Baka biglang takasan mo ang anak ko, huwag naman sana.”sabi ni Tita nang nasa backseat kami at pauwi na sa bahay nila. Umiling lang naman ako sa kaniy dahil do’n.

“Ayos lang po.”sambit ko na lang.

“It’s not fine, nakakahiya.”sabi niya.

“Huwag niyo na po akong alalahanin, you should worried about yourself, Tita. If ever you needed someone you can talk to, nandito lang po ako.”sambit ko at ngumiti ng tipid. Of course, she was older than me but we can be friends. Age doesn’t matter.

“Sure. Thank you…”aniya kaya ngumiti lang muli ako.

That ended their night, saglit akong inihatid ni Silas kahit ang sabi ko’y huwag na dahil kailangan siya ng Mama niya. Hindi rin naman siya nagtagal ng gabing ‘yon at bumalik lang din agad sa bahay nila.

Makalipas ang mga araw, ako madalas ang bumisita sa kaniya dahil ayaw kong papuntahin pa siya sa apartment, masiyado siyang abala sa pag-aayos ng gusot ng pamilya niya. Madalas na gusto niyang magtungo ng gabi after everything but I really want him to rest. Ayaw ko talagang dumadagdag pa.

“Girl, saan ka nanaman pupunta? Day off mo ahh?”tanong sa akin ni Leo.

“Kay Silas.”sabi ko naman habang nagsusuot ng sneakers.

“’Yan, talagang nasiraan ka na.”sabi niya sa akin kaya napatawa na lang ako.

Nakiluto ako kina Aling Nora, ilang araw na nga akong tambay sa kitchen niya, mabuti na lang din ay magaling siyang magluto kaya natuturuan niya ako. Tumutulong naman din ako sa kaniya sa mga customer niya sa carenderia kapalit ng pagtuturo niya sa akin.

“Una na ako.”paalam ko kay Leo. Tumango lang siya at kumaway sa akin.

Maya-maya lang ay sumakay na rin ako ng jeep patungo sa village niya. Nang makarating do’n ay nagtric ako dahil masiyadong malayo.

Ako:

Bf, dadaan ako sa bahay mo, bigyan kitang food, hehe. Iwan ko na lang sa guard.

Hi, I know everything is messed up but everything will be fine. Hope you’re eating well.

Well, sakto lang daw ang adobo ko sabi ni Aling Nora, kapag sakto sa kaniya, masarap sa akin kaya medyo kampante ako na masarap ‘to. Sana. Baka kasi imbis na kumain ay mawalan pa siya ng gana dahil sa ulam na niluto ko.

“Hi, Manong! Iwan ko po ulit ‘tong food para kay Silas, hindi na rin po ako magtatagal, dumaan lang.”sabi ko at ngumiti. Sino nga bang niloko ko? Sobrang layo nito sa apartment pero ito ako, pupunta rito para lang maghatid ng pagkain. Sinamahan ko rin ng panghimagas na crinkles. Paborito niya rin kasi ‘yon kapag bumibili kami sa bakery.

“Ma’am, sabi ni Sir, papasukin daw po kayo kapag nadaan kayo rito.”sabi niya sa akin.

“Hindi na ho, Manong, uuwi na rin po ako, nadaan lang po talaga.”sabi ko naman at ngumiti. Alam kong busy siya, sa trabaho at sa personal life niya. Ayaw ko ng dumagdag pa sa isipin nito. Namilit pa si Manong ngunit nginitian ko lang siya bago nagsimulang maglakad paalis.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko habang naglalakad palabas ng village.

“Hoy, nakakagulat ka naman! Grabe ka!”natatawa kong saad kay Silas na siyang nagsusuot pa lang ng t-shirt at wala pang suot na isang tsinelas.

“What’s with the look?”tanong ko sa kaniya.

“Kagigising ko lang,”aniya na napanguso.

“Oh… sana’y natulog ka pa.”sambit ko. Ang unfair talaga ng mundo. Bakit ang gwapo pa rin ng isang ‘to kahit na gulo gulo ang buhok at mukhang kababangon lang talaga sa kama.

“It’s fine, I want to eat lunch with you, pupwede ba tayong magsabay?”tanong niya sa akin.

“Busy ka.”sambit ko sa kaniya.

“I still have time for you tho…”aniya naman kaya nagkibit ako ng balikat at tumango. I actually want to eat with him. Sadyang ayaw ko lang talagang makaistorbo.

“Okay. Let’s eat together.”sambit ko at ngumiti.

“Sabi sa’yo, Ma’am, e, hinihintay ka ni Sir.”sambit sa akin no’ng guard nila. Ngumiti lang naman ako roon. I’m not really friendly but still, I have manners.

“Thank you po, Manong.”sambit ni Silas bago niya ako inaya sa loob. Tahimik lang kaming dalawa. I know he have so many problems kaya hindi rin ako nagtanong.

Inayos niya ang nasa paper bag. Kita ko pa ang pagbasa niya sa note doon. Kita ko pa kung paano niya itabi ‘yon.

“I will be able to eat well if you’ll join me.”sambit niya.

“Ano pa nga ba? Nandito naman na ako.”sabi ko na mapakibit ng balikat.

“Let’s eat.”sambit ko na nginitian siya.

“How’s work?”tanong niya sa akin.

“Ayos naman, nothing special.”sagot ko.

“How about you? How are you?”tanong niya ulit.

“Okay lang din. Miss ka.”sambit ko kaya agad siyang napatingin sa akin. Agad naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi. Pucha naman, Iska.

“Hehe, joke lang.”natatawa kong saad. Napatikhim naman siya dahil sa sinabi ko.

“Bakit may joke pa?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay.

“So how’s the food?”pag-iiba ko ng usapan.

“Hmm, it taste good. I think your brothers are joking when they said na bad cook ka.”sambit niya. Kung alam niya lang kung ilang beses akong napagalitan ni Aling Nora dahil nagsasayang lang daw ako ng pagkain. Natahimik na lang ulit kami habang kumakain.

“Mom’s want to get your number, ayos lang ba naibigay ko?”pambasag niya sa katahimikan.

“Oo naman,”sambit ko at ngumiti.

“Lilipat na si Mama sa bahay na pinagawa namin para sa kaniya,”aniya pa.

“Baka doon muna kami sa susunod na mga araw.”sambit niya kaya agad akong napatango. So I won’t really able to see him. I’ll be really missing him. Grabe, sobrang nasanay na pala ako na lagi ko siyang kasama. I mean he became part of my day. That’s not good, Iska. Masiyado ka ng nagiging dependent sa kaniya.


Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon