Chapter 14

804 26 0
                                    

Chapter 14
Iska’s POV

“Hi,”aniya at bahagya pang kumaway. Napaawang naman ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito?

“Oh, Ineng, nandiyan na pa kayo! Kanina ka pa hinahanap nitong boyfriend mo, Hija, kaninang tanghali pa ‘yan nandito.”sambit ni Aling Nora.

“Huh? Bakit hindi ka nagtext? Kaalis lang namin ni Leo no’n.”ani ko sa kaniya.

“Leo?”nakataas kilay niyang tanong. Tumango naman ako at tinuro si Leo na siyang kaalis lang ng helmet. Well, Leo’s name is kinda sound boyish pero kabaliktaran no’n si Leo, sobrang pretty kaya ng isang ‘to. Maamong maamo ang mukha.

“Friend ko si Leo, Leo, si Silas, friend ko rin.”sambit ko kaya kumunot ang noo ni Silas.

“Silas. Boyfriend niya.”pagpapakilala niya kaya agad akong pinanliitan ng mga mata ni Leo.

“Wala kang naikwento.”pabulong na saad niya sa akin.

“Oh, nice to meet you, Direk, hehe.”aniya kaya natawa ako nang lingunin niya ako at senyasan na magtutuos daw kami.

“Mauna na ako, tuloy niyo na ‘yang date niyo.”sabi nito na kumaway kaway pa. Nailing na lang ako at bahagyang natawa dahil sa ginawa nito.

“I cooked you lunch kaso dinner na.”natatawa niyang saad nang itaas ang paperbag niya.

“What are you doing here?”hindi makapaniwalang saad ko.

“Hmm, if you miss your girlfriend, drop and say hi?”saad niya.

“Who said that?”tanong ko na kunot ang noo.

“Me?”patanong na sagot niya naman. Naniningkit lang ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya kaya napatawa siya ng mahina.

“I mean you said that I should give you the best experience, right?”natatawa niyang saad.

“This is me being a boyfriend.”sambit niya pa na napakibit ng balikat. Well, sarap niya namang maging boyfriend kung ganoon.

“And I texted you, hindi ka lang nagreply.”aniya at pinakita pa ang text niya sa akin. Imbis na sa text ako tumingin sa nickname ko sa phone niya dumeretso ang aking mga mata.

‘Gf’

Alam pala niya, dami pang tanong.

Tinignan ko naman ang phone ko at chineck kung may text nga siya, baka mamaya nagkamali lang siya ng babaeng tinext. Mahirap na.

HB:

Where are you?

Hb:

I’ll drop by in your apartment. Lunch tayo :)

Pinigil ko namang mangiti sa smile emoji nito. Napatikhim ako nang makitang nakadungaw din pala siya sa phone ko.

“HB?”tanong niya na kunot na kunot ang noo.

“What’s HB?”tanong niya pa muli. Ayaw kong sagutin dahil pikon ang isang ‘to.

“Basta.”sabi ko kaya hindi nawawala ang pagkakunot ng noo niya.

“Ano nga?”kita mo, napipikon na agad. Tinawanan ko lang siya at nagkibit pa muli ng balikat.

“Btw, sorry kung naghintay ka and sorry kung hindi kita nareply-an. Namasyal kasi kami ni Leo kanina and something came up kaya ‘yon.”sambit ko kaya napatango siya. Nawala naman na ang pagkakunot ng noo niya sa akin at ang pagtataka niya. Ngumiti lang siya. Pogi talaga.

“It’s fine.”sabi niya.

“Para sa akin ba ‘yan?”tanong ko at makapal ang mukhang tinuro ang paperbag na hawak niya.

“It’s for the both of us.”aniya sa akin. Natigil naman ako roon at napatingin sa kaniya.

“Edi hindi ka naglunch?”tanong ko na kunot na kunot ang noo. Hindi naman siya nagsalita kaya alam ko na agad ang sagot.

“Sana kinain mo na lang, katangahan ‘yan, Silas, hindi nakakakilig.”sambit ko sa kaniya.

“I thought uuwi ka pa. Nagmeryenda naman ako.”aniya naman kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

“Let’s eat dinner then?”patanong kong saad.

“Bawal mag-uwi ng lalaki sa apartment kaya hindi tayo pwede riyan. Diyan na lang tayo sa tapat ng tindahan nina Aling Osang, bili lang tayo ng soft drinks para pwedeng tumambay.”sambit ko sa kaniya.

“Kung gusto mo lang.”ani ko na medyo nag-aalinlangan dahil mukha naman talagang laki sa yaman ‘yang si Silas.

“It’s fine by me, if that’s the only way I can eat with you.”aniya at tumango pa. Ngumiti naman ako sa kaniya. First time ko lang din gawin ‘to pero sa kagustuhan kong makasabay siya sa pagkain, mapapaisip ka talaga ng paraan.

“Oh, Iska, saan si Leo?”nakangiting tanong no’ng ilang nadaanan namin. Friendly si Leo sa lugar na ‘to, kahit ata ‘yong mga tambay ay kinakaibigan niya. Hindi niya lang talaga makasundo ang mga kaapartment namin dahil may mga attitude talaga tapos idagdag mo pa na mapamikto si Leo. Kung pikon ka, mas lalo kang pipikunin. 

“Aling Osang, dalawang sprite po, nakabote na lang po.”sambit ko. Tila nakamasid naman si Silas sa paligid. Marami kasing tao rito sa lugar, dikit dikit din kasi ang mga bahay.

“Pogi naman niyang kasama mo, Hija, boyfriend mo ba ‘yan?”tanong sa akin ni Aling Osang. Kapag sinabi kong hindi paniguradong ipapareto niya ito sa anak niya. Napatikhim tuloy ako roon.

“Boyfriend ko po.”sambit ko kaya ngumiti si Aling Osang.

“Infairness, nakabingwit ka ng gwapo, Hija, sayang at gustong gusto ka pa naman ng panganay ko.”saad niya sa akin. Lagi niyang nirereto ang panganay niya kaya alam ko talagang irereto niya ang pangalawa niya kay Silas kung sakali.

“You have many admirers here.”ani Sila habang inaayos namin ang pagkain.

“Huh?”napakunot naman ako ng noo roon.

“Guni-guni mo lang ‘yon, bago naninibago lang sila dahil minsan lang naman akong lumabas ng apartment.”sambit ko sa kaniya.

“Boys won’t look at you that way if they didn’t like you.”aniya.

“Ewan ko sa’yo. Hindi nga, hindi nga ako lumalabas, dami mo lang napapansin. Hindi naman ako ganoon kaganda, edi sana noon pa may boyfriend na ako, ‘di ba?”sambit ko sa kaniya kaya kunot noo niya lang akong tinignan.

“Of course, malay mo choosy?”tanong niya naman.

“Kumain ka na lang.”sabi ko na ako na ang nagsubo dahil hindi siya tumitigil. Edi nanahimik. Malamig na ang kanin at ulam na dala niya but still masarap pa rin dahil luto niya. Galing talagang magluto ng isang ‘to e.

May mga dumadaan na kumakausap sa kaniya, mga babae rito sa amin. Mukhang gwapong gwapo sa kaniya. Kitang kita na may kasamang babae ngunit nagawa pa ring lapitan. Kainis. Wow, bakit may painis na, Iska?

May mga dumadaan din para bumati sa akin ngunit simple ko lang tinanguan. Hindi naman kasi talaga ako friendly, siguro kapag nagtagal na kakilala ko ang isang tao saka lang din ako nakikilala ng lubos. Mas gusto ko sa bahay at mas gusto kong magsulat kaysa makihalubilo sa iba.

“Lagi ka rito, Pogi?”tanong no’ng tatlong babae na may kasamang bakla.

“Mapapadalas.”sambit naman ni Silas at tinignan ako. Tapos na akong kumain, ganoon din naman siya kaya mas lalo lang nagdasaan ang mga nakikipag-usap sa kaniya. Niligpit ko naman na ang pinagkainan namin habang nakikipag-usap siya.

“Do you want to go home?”tanong sa akin ni Silas.

“It’s fine, I can wait. Naghintay ka nga maghapon.”sambit ko naman at tipid na ngumiti. Ayos lang sa akin kung malibang siyang makipag-usap sa mga kapitbahay dito.

“Mamaya na kayo umuwi, Ganda, o kaya uwi ka na, iwan mo rito si Pogi.”sabi no’ng isang babae. Natatawa naman siyang hinampas ng mga kaibigan niya. They think it’s funny.

“I won’t stay if she won’t.”malamig na saad ni Silas. Ang friendly’ng tinig nito kanina’y tila nawala.

“Tara na.”aniya sa akin.

“Do you want to walk sa labas? O busy ka ba?”tanong ko sa kaniya. Sayang naman kung uuwi na siya gayong ilang oras siyang naghintay.

“I don’t mind.”aniya na tumango. Naglakad lakad naman kami sa kalsada.

“Ice cream?”tanong ko sa kaniya, panghimagas. Pumasok naman kami sa 7/11 para bumili ng Ice cream para sa kaniya.

“What about you?”tanong niya.

“Donut akin.”sambit ko na kumuha ng tatlong pirasong donut. Pinanood niya lang naman ako kaya huminto ako para tanungin siya.

“Gusto mo rin ba?”tanong ko sa kaniya.

“I’m not fan of sweets.”saad niya kaya napatango ako at napakibit na lang ng balikat. Gusto niya pang magbayad kaya lang ay card lang ang dala niya kaya wala siyang choice.

Habang naglalakad kami, tahimik lang kaming parehas na kumakain. He was enjoying his ice cream while I was enjoying mine. Bakit ang unfair? Pati pagkain niya ng ice cream ang hot tapos ako parang patay gutom na ang weird kung kumain? Kainis.

Napansin ko naman ang tingin niya habang naglalakad kami.

“Bakit?”tanong ko na nakakunot ang noo. May dumi ba sa mukha ko?

“Can I bite?”tanong niya.

“Tinatanong kasi kita kanina kung gusto mo. May pa ‘I don’t like sweets’ ka pang nalalaman.”hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya kaya bahagya siyang natawa.

“Nakakainggit kang kumain.”anuya kaya napairap na lang ako. Kumagat lang naman siya roon, napangiwi naman ako nang makitang isang kagatan niya lang ang donut na kanina ko pa inuunti-unti. Napaawang naman ang labi ko at masama ang loob dahil do’n.

“Galit ka?”natatawa niyang tanong. I don’t want to be mababaw pero kasi naman! Halatang nang-aasar lang din talaga.

“So you really like donuts, huh?”nakangiti niyang tanong sa akin.

“Huwag mo akong kausapin.”ani ko na sinamaan pa siya ng tingin. Napatawa naman siya roon.

“I’ll just buy you na lang.”aniya pa.

“Huwag na. Okay na.”sabi ko namam at napanguso, ang hirap kapag may mayaman kang jowa. Imbis suyo, bili agad. The heck, Iska? Ano anong iniisip mo riyan!

“Can I hold your hands?”tanong niya sa akin. Natigil naman ako roon. Parehas na wala na kaming hawak. Naghurumendo na agad ang puso dahil lang sa mga katagang kaniyang binitawan.

“Sige.”sambit ko naman. Hindi ko alam kung bakit parang nanlalamig ako. Unti-unti niya namang hinawakan ang mga kamay. Parang taong nakikipagpaligsahan sa takbuhan ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Ni hindi ko alam kung paano ko nga ba ito kakalmahin.

Tahimik lang kami habang naglalalad, but the silence was comforting. Para akong nalutang sa buwan… Tanging harurot lang ng sasakyan ang naririnig at ingay ng mga tao. 

“Fuck, I’m fucking nervous.”dinig kong bulong niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Kalaunan ay natawa lang din ako.

“Don’t give me that shit, Direk, akala mo naman hindi ako aware na ang dami mo ng naikamang babae. Ilan na kaya ang naibalibag mo sa kama?”natatawa kong tanong sa kaniya. Pinagkunutan niya naman ako ng noo dahil do’n.

“What the heck, Iska?”aniya na napairap pa sa akin.

“27 na pabirhen ka pa riyan!”natatawang saad ko sa kaniya.

“Nervous ka pang nalalaman.”sabi ko pa na napailing.

“Sinabi ko bang sa’yo ako kinakabahan? Nakakakaba baka maholdap tayo rito.”aniya na malapad pa ang ngisi sa akin. Nginiwian ko naman siya dahil do’n at medyo nahiya pa dahil sa kafeeling-an ko.

“Ang bakit ikaw? May experience ka na ba?”tanong niya pa. Halos masamid naman ako sa tanong nito. Ayaw talagang nagpapatalo ng isang ‘to.

“Ewan ko sa’yo, uwi na tayo! Medyo bumaba naman na ang mga kinain natin.”pag-iiba ko ng usapan. Ngumisi lang naman ito, akala mo naman ay talagang panalo.

Naglakad naman na kami pabalik sa amin habang nag-aasaran. Habang naglalakad ay napatingin ako sa phone ko nang may magtext. Si Clark. Kita ko naman ang pagsilip ni Silas sa phone ko. Chismoso talaga ang isang ‘to.

Clark:

Hi, Iska! Hindi kita nakausap last night, thanks pala sa paghatid, nasabi sa akin ni Niel. Treat kita next time, hehe.

Magrereply na sana ako nang hablutin ni Silas ang phone ko. Bubulyawan ko na sana siya kaya lang ay nadaan na kami sa mga kapitbahay namin na siyang nagtatanong tanong sa kung saan daw kami galing. Parang kuryosong kuryoso ang mga ito sa buhay buhay namin.

“Pogi, balik ka rito para naman may inspirasiyon kami.”anila sa kaniya. Palihim naman akong napangiwi. Inspirasiyong ano? Lumandi? Tsk. Aba’t hindi ko alam na ganiyan ka pala kaatribida, Iska.

“Akin na nga ‘yan, pakialamero ka.”sabi ko na sinamaan siya ng tingin. Binalik niya rin naman nang makarating kami sa tapat ng apartment.

“Good night, thanks sa lunch na naging dinner, bawi ako sa susunod.”sambit ko sa kaniya.

“Iska.”tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.

“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“Do you like Clark?”tanong niya naman sa akin.

“Huh? Hindi no! Kaibigan ko lang ‘yon.”ewan ko ba kung bakit din ako todo deny.

“Good.”aniya.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon