Chapter 44

958 23 0
                                    

Chapter 44
Iska’s POV

I don’t really want to be guilty dahil wala naman akong kasalanan kung nagkaproblema pero dahil kay Silas, pakiramdam ko kasalanan ko ‘tong lahat. Medyo tama rin naman siya, kung hindi lang sana ako nakipagtalo pa’y hindi kami aabot sa ganitong sitwasiyon. Kung sana’y nakinig na lang kasi ako sa opinyon niya.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Tapos na. Pakiramdam ko tuloy ay biglang resposibilidad ko na ang nangyayari.

“I don’t think he still needed in this show. Mas mabuti ng palitan na natin kaysa maging aberya pa muli.”sambit ni Mr. Abadilla nang nasa meeting kami kung aalisin na raw si Tome dahil nga sa kagagawan niya.

“I agree. I think he’ll just ruin the show. Masiyado ng sira ang pangalan niya… alisin na lang siya bilang leading man.”sambit naman ng dp namin na si Mr. Matt.

“What do you think, Ms. Sumilang?”tanong ni Silas sa akin. Hindi naman siya nang-iinsulto pero bakit pakiramdam ko ay ganoon ang gusto niyang iparating. Medyo naoffend naman ako pero ‘di ko na lang din pinahalata.

“I’ll just go with everyone decision.”sambit ko.

“Bakit wala ka bang sariling desisyon?”tanong niya habang nasa papel ang tingin. Nagsitikhiman naman ang mga naroon. Hindi ako nagsalita. Sa sobrang pikon ko’y pakiramdam ko, anytime ay maluluha na lang ako. Tangina pala niya e. No’ng nagbigay ako ng opinyon, ang dami niyang nasasabi tapos ngayon ay ganoon pa rin? Kung hindi ba naman gago.

Napagdesisyonan din nila kalaunan na aalisin na nga talaga si Tome. Pinag-usapan pa nila kung anong mangyayari.

“Ayos ka lang ba, Ms. Iska? Huwag mong pansinin si Direk, ganoon lang talaga ‘yon kapag ganitong may mga nakakastress na pangyayari sa shoot.”sabi sa akin ni Jade. Napakibit naman ako ng balikat dahil do’n. Kahit na pa. Ang sama ng ugali niya, hinayupak siya.

“Uulitin kaya ulit ang shoot? Sayang ‘yong nashoot na natin. Ang ganda pa naman no’n.”sambit nila. That’s true. Sa one week namin ay ang dami na rin naming nagawa kaya nakakapanghinayang kung babaguhin ang lahat.

“Mr. Abadilla.”tawag ko kay Mr. Abadilla.

“We don’t have to change everything. Pupwede ko pong ibahin na lang ang storyflow ng kwento. Bigyan niyo po ang team namin ng isang buong araw.”sambit ko sa kaniya. I don’t really like responsibility kaya lang ay kapag naalala ko si Silas, hindi ko maiwasang mairita and it push me to do better. Ayaw kong sinisisi ako.

“Talaga, Ms. Sumilang? Is it really fine?”tinignan ko naman ang team ko. Ngumiti sila sa akin at tumango. Kung sa iba, baka magmukha lang akong pabida, bahala na sila sa kung anong iisipin nila. Ayaw ko lang makonsensiya kahit hindi ko naman kasalanan ang kahit na ano.

“Sorry kung dinamay ko pa kayo rito.”sabi ko sa kanila.

“It’s fine, Ms. Iska, para sa ating lahat naman ito. We’re glad to help.”sabi ni Jade at Leana, mabuti na lang din ay mabait din ang mga ito.

Nang pumayag si Mr. Abadilla ay agad na rin kaming nagtungo sa isang kwarto para magsulat. Agad kaming nakaisip kung paano maiiba ang transition ng kwento. Ipapalit si Dave bilang leading man so I tried to make a character na nasa pag-uugali niya na although tama rin naman si Silas. Artista sila, kayang kaya nilang umarte.

Tutal ay bigla naman kaming nasa gubat, ang scene dapat dito’y barilan with their enemies but dahil wala si Tome at kailangan siyang alisin, we change the storyline from how the leading lady met Dave, the real protagonist of the story.

“Wow…”pabulong na saad ni Jade habang binabasa ang draft na ginawa ko. Wala naman akong panahon para makipag-usap sa kanila. Mas lalo lang akong naging abala sa pagsusulat. Nakailang bigay na sila ng pagkain sa akin dahil hindi ako tumatayo sa kinauupuan ko. Tahimik lang akong kumakain habang ang mga mata ay nasa screen pa rin. Dinodouble check naman nila ang lahat ng natapos ko at nagbibigay din ng kani-kanilang ideya.

One thing na kalaban ko noong mga panahong nagsisimula ako sa itaas? Deadline. Hindi ko alam kung paano ko pagkalasiyahin ang oras ko sa pagsusulat kapag binibigyan nila ako ng deadline. Natutunan ko tuloy kung paano magpuyat no’n. Idlip sandali para hindi antukin tapos ay diretso sulat ulit para matapos.

“Tulog muna kayo, ako ng bahala dito sa iba.”sambit ko na nginitian sila dahil abalang abala rin ang mga ito sa mga ginagawa. They were checking lahat, tumutulong din sa pagbibigay ng mga dialogue.

Kita kong nilalabanan na rin ng mga ito ang kani-kanilang antok.

“Ikaw din po, Ms. Iska.”sambit sa akin ni Leana na humihikab na. Nginitian ko lang naman siya.

“Oo.”sabi ko at tumango.

“Ayos lang talaga, Ms. Iska? Deadline na nito bukas.”sabi nila sa akin.

“Oo, gigisingin ko rin agad kayo.”sabi ko naman kaya kaniya-kaniya silang tango.

Hindi na sila nag-aksaya pang magtungo sa kani-kanilang kwarto. Dito mismo sila sa room kung saan namin sinusulat ang bagong script.

May mga hindi naman na kasi kailangan pang palitan na scene kaya naman medyo naging madali para sa amin ‘yon saka kapag may draft ka na, mas madali ‘yon kaysa kung blangko ang papel na mayroon ka.

Nang matapos ko ang ilang pang scene, bumibigay na talaga ang mga mata ko kaya naman umidlip muna ako. Nagawa ko namang gumising dahil do’n ako sanay. Nang nagising na’y uminom muna ako ng kape bago ako nagpatuloy. Hindi ko alam kung ilang kape na ang nainom ko kahit na hindi naman ako mahilig doon. Well, walang choice, pampagising.

Habang nagsusulat din ay kumakain ako ng chocolate. Hindi ko alam kung effective talaga ‘yon pero mukha naman kaya ko nga kinakain ngayon e. Bago ko pa nagising ang mga kasama, sila na mismo ang kusang bumangon. I’m really glad that I was blessed with a team like them.

“Ms. Iska, sabi mo gigisingin mo kami?”tanong ni Leana habang sumisimsim sa kape.

“Natulog ka man lang po ba?”tanong pa nila.

“Oo, gigisingin ko na rin dapat kayo. Let’s continue working, pasensiya na, pangit ako kabonding ngayon.”natatawa kong saad.

Maya-maya lang ay nagpatuloy na rin naman kami.

Nang matapos ako sa mga scene na nirerevise ko, tinulungan ko rin sila. Pokus lang ako sa script. Hindi ko inisip ang kung ano. Nang tuluyan na nga kaming natapos ay hindi ko maiwasan ang matuwa.

“Congrats!”natatawa kong saad bago kami tuwang tuwa na nagsitalon. Sana tanggapin ‘to kung hindi ay sayang ang effort namin buong araw.

“Grabe, pakiramdam ko anytime ay aantukin na ako ngayong tapos na natin ang script.”natatawang saad nila. Natawa lang din ako habang inaayos ko ang mga ‘yon.

Sakto namang pinapatawag na ako ni Mr. Abadilla.

“Good luck sa script natin, Madam.”sabi ni Leana.

“Kaunti lang naman ang iniba, tatanggapin naman siguro ‘to. Sana.”sabi ko.

Nang makarating ako sa tent kung saan ginaganap ang meeting, kita kong nandoon na rin si Silas. Tipid lang akong ngumiti sa kanila nina Mr. Abadilla. Saka ko lang din napagtanto na wala pa pala akong ligo. Ni hindi ko na naisipan pang suklayin ang buhok ko. Nakakahiya rin naman na paghintayin ang mga ito.

“Ayos ka lang, Ms. Iska?”tanong nila sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Mukha na siguro akong basahan sa itsura ko but I don’t really have time to think about that.

“We tried to change the plot of the story po. You can read this.”sambit ko na isa isa pa silang binigyan ng copy. Ipinaliwanag ko naman ang mga changes na sinulat namin sa manuscript. Nang matapos ay umupo lang ako sa upuan na para sa akin bago sila hinintay na magsalita.

“This is so good. Maganda.”sabi ni Mrs. Pontanilla.

“Same here.”sambit naman ng iba.

“What about you, Mr. Herrera?”tanong ni Mr. Abadilla kay Silas na siyang mukhang binabasa pa ang script.

“I like it.”aniya. Napatikhim naman ako dahil akala ko’y kokontra nanaman ito. Himala.

“So it’s final, this will be our new script, thank you, Ms. Iska. We really owe you one.”ani Mr. Abadilla sa akin. Tipid ko lang naman siyang nginitian.

Nang lumabas kami ay naghihintay ang team namin. Hinihintay ang sasabihin ko. Nagthumbs up naman ako kaya agad silang napatalon sa tuwa.

“Omg! Naiiyak ako!”sabi ni Jade kaya tinawanan namin siya.

“I’ll treat you guys after the shoot. Thank you…”nakangiti kong saad sa kanila.

“Dapat lang, Ms. Iska.”sabi nila sa akin kaya natawa na lang ako.

“So we can swim na sa falls around here, ‘di ba?”excited na tanong ni Leana. Hindi ko tuloy mapigilang maexcite dahil wala pa rin akong ligo.

“You guys should sleep first bago kayo maligo,”napatingin ako kay Silas nang magsalita siya. Pinapanood kasi kami ng mga higher ups habang tuwang tuwa na nagtatalunan dito sa gilid.

“Tama si Silas, mga hija, matulog muna kayo, mukhang wala pa man din kayong tulog lalo ka na, Iska.”sabi ni Ate Esther. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

“Kami na munang bahala sa shoot,”sabi pa ni Silas. Tumango lang naman din ako sa kaniya kahit masamang masama pa rin ang loob. Siguro naman ay hindi na ako makakarinig ng kung ano anong salita sa kaniya.

Natulog naman kami sa hotel room namin. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong talagang babagsak ako ngayon at totoo nga rin talaga.

Nagising lang siguro ako na magdidilim na. Kita ko namang mahimbing pa rin ang tulog ng mga kasama ko. Bukod sa ayaw ko silang gisingin,  ayaw ko ring sayangin ang oras ko kaya agad akong nagbihis ng bikini na dala ko bago nagtungo sa malapit na falls. May mga nadaanan pa akong artista na mukhang pabalik na sa hotel. Binati lang nila ako. Binati ko lang din sila pabalik. Nang makarating ako sa falls, hindi ko maiwasan ang mapangiti.

“This feels really good!”hindi ko mapigilang sambitin nang makalublob na ako.

“Hala, puki ng ina mo!”malakas kong sigaw nang may humahon sa gilid ko. Akala ko’y mayroon ng shokoy dito, nagulat na lang ako na prinsipe pala ng kasungitan ang nandito.

Napangiwi naman ako bago ako lumayo sa kaniya. Kung ako lang ay gusto ko siyang iwasan dahil inis na inis pa rin ako sa panunumbat niya sa akin but still, magkatrabaho kami. Kailangan ko siyang kausapin kahit na hindi ko pa gusto.

Gusto ko pa sanang lumayo ngunit lumalalim na sa gawi ko, tahimik na lang akong nagtatampisaw. Medyo madilim na kaya umaahon na ang iba, medyo lumapit naman ako sa takot na ‘di ako makita kung malunod man.

“Hindi ka pa babalik?”tanong niya sa akin. Close ba kami para magtanong siya ng ganiyan? Pagkakaalam ko’y hindi.

Hindi ko siya pinansin at tinignan pa ang kalangitan, tuluyan na ngang dumilim. Naglakad naman na ako para umahon, baka mamaya’y hindi pa ako makauwi ng buhay nito. Sabi pa naman nila’y may pakalat kalat na kaluluwa rito.

Kita ko naman Silas na pinapanood lang ako, lalagpasan ko na rin sana siya nang magsalita ito at tawagin ako. Diretso lang naman ang mga mata ko, ni hindi siya binalingan ng tingin.

“Iska…”tawag niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Wala naman kaming dapat na pag-usapan sa trabaho dahil hindi naman working hours ngayon. As much as posible, gusto ko lang siyang kausapin kung kailangan.

“Sorry…”pabulong na saad niya kaya nilingon ko siya. Wow. Mayroon din naman pala siyang konsensiya kahit paano. Tinignan ko lang siya at sa huli’y napakibit na lang din naman ng balikat. I don’t really hold grudge so it’s fine. Basta nagsorry na ay ayos na sa akin. Mataas man ang pride ko pero kapag narinig na ang magic word ay okay na.

“Sorry, I didn’t really mean to say that. I was just really frustrated but I know na hindi ‘yon sapat na dahilan. Sorry.”aniya.

“Okay. Aplogy accepted.”sambit ko at ngumiti lang sa kaniya. Madali lang naman akong kausap. Nagsorry na siya edi patawarin.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon