Chapter 35

879 24 0
                                    

Chapter 35
Iska’s POV

“What’s wrong with you? Ilang araw mo na akong hindi kinakausap? Ano ba ang problema?”tanong ni Silas nang makita akong palabas ng apartment.

“Saka na tayo mag-usap.”sambit ko dahil ayaw kong sumbatan siya. Ayaw kong may masabi na pagsisisihan ko rin sa huli.

“What is it? Ayos naman tayo? Paano ko malalaman kung anong mali kung hindi mo sasabihin, hindi ako manghuhula, Iska.”aniya sa akin.

“Bakit? Tinatanong ko ba future ko? Hindi ako nagpapahula sa’yo. Tigilan mo ako.”malamig kong saad at nagpatuloy sa paglalakad.

“Iska, huwag ka namang ganiyan, ang hirap mong intindihin.”sambit niya sa akin. Masama ko siyang tinignan dahil do’n.

“Gusto mong malaman? Bakit hindi mo tanungin ‘yang sarili mo kung anong ginawa mo?”tanong ko naman sa kaniya pabalik.

“’Yon na nga. I can’t think of anything.”aniya.

“Alam mo kung anong dapat mong gawin? Inuntog mo sa pader ‘yang ulo mo ng makaalala ka.”sambit ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng hindi makapaniwala.

Hindi ko na siya pinansin pa ngunit hinila niya ako papasok sa kotse niya.

“Tell me… ano bang problema?”kita ko kung paano siya magpigil ng frustration niya. Ganoon din ako. Ang tagal ko ng nag-iisip ngunit isa lang kinahahantungan, kinukwesityon ang sarili kung talaga bang wala ang talent? 

“Totoo bang sinend mo ang manuscript ko kay Ms. Sumera?”tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya sa tanong ko. That’s when I really knew. He really did.

“You really don’t trust me.”natatawa kong saad ngunit mas humigpit lang sa hawak ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili sa galit na nararamdaman.

“That’s not it… of course not, Love… it’s not like that…”pabulong niyang saad at sinubukan pa akong hawakan ngunit agad kong nilayo ang mga kamay ko.

“I trust you…”aniya sa akin.

“Kung nagtitiwala ka talaga sa akin, bakit?”tanong ko sa kaniya. Hinayaan ko siyang magpaliwanag but the thing is it still the same. Hindi dahil sa akin kaya nakuha ang manuscript ko. It was all because of him.

“Edi tama nga talaga sila may ‘kapit’ nga lang ako kaya nakapasok.”sarkastiko pa akong tumawa.

“No… you are talented… hindi ka naman nila bibigyan ng contract kung hindi…”aniya. Pilit pinapagaan ang loob ko ngunit wala akong kahit na anong maramdaman kung hindi ang pagkalugmok. Para bang unti-unti pa lang akong umaakyat sa isang puno ngunit nasa baba pa lang ay nahulog na agad. Para bang umpisa pa lang ay tinatapos na agad ang pangarap mo.

“Pwede bang ibaba mo na lang ako. Magpapalamig lang ako. Ayaw kong may masabing hindi maganda sa’yo.”seryoso kong saad. Matagal niya akong tinignan bago siya tumango.

Para bang sa isang iglap, nawalan ako ng gana sa lahat. I thought because I was consistent kaya ako nandito pero mali pala ako. Ang tagal na umiikot ng buhay ko sa pangarap at ngayon nalasahan ko na saka namang sinabing hindi talaga para sa akin.

“Ms. Sumilang.”tawag sa akin ni Ms. Sumera nang makita ako. Hindi katulad noon na sobrang excited ako kahit normal na araw ko lang sa set.

“What do you think? Napag-isipan mo na ba?”tanong niya sa akin.

“Pupwede po bang pag-isipan ko pang mabuti?”tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

“Oo naman.”aniya sa akin. Ngumiti lang din ako ng tipid. Since the day I heard about that, sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko kaya kapag may naririnig na usapan tungkol sa akin na dati naman ay hindi ko pinapansin, hindi ko maiwasang maapektuhan, pakiramdam ko tama naman talaga sila.

“Sana all may kapit.”natatawang bulong no’ng isa na hindi naman nakaligtaan ng tainga ko.

“Baka kung may boyfriend din akong direktor, writer na rin ako.”sambit pa no’ng isa bago sila nagtawanan. Kumuyom lang ang kamao ko sa narinig.

Nagpatuloy na lang ako dahil pakiramdam ko tama naman sila.

“Iska, ayos ka lang ba talaga?”tanong sa akin nina Esme at Leo nang makita akong tulala lang sa pagkain ko.

“Oo naman. Bakit hindi?”natatawa kong saad at nag-iwas ng tingin.

“Ulol. Lokohin mo lelang mo.”ani Leo sa akin.

“Gusto mong pag-usapan?”tanong ni Esme. Umiling lang naman ako sa kaniya kaya tumango sila.

“Hindi ka namin pipilitin magsalita basta alam mo na, sabihan mo lang kami kapag gusto mo na.”anila sa akin. Tumango lang naman ako roon.

“Boyfriend mo.”sambit sa akin ni Aling Nora nang makita si Silas na nakaupo lang sa tapat. Mukhang antok na antok na siya. Kapag nakikita ko siya, para akong ulit ulit nireremind na dahil lang sa kaniya kaya ako nandito.

“Silvano, Umuwi ka na.”sambit ko dahil alam kong kagagaling niya lang sa shoot mula sa batangas. Hindi pa rin siya nakakalimot magtext, nirereply-an ko rin naman. Minsan.

“Iska…”tawag niya sa akin.

“Umuwi ka na at magpahinga.”sambit ko sa kaniya.

“Can I hug you? Miss na kita.”pabulong na saad niya. I was torn between hating him and loving him. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kapag nakikita ko siya, nanliliit lang ako.

Hinayaan ko siyang yakapin ako ngunit hindi ko siya niyakap pabalik.

“I’ll go home.”aniya sa akin at ngumiti. Tipid ko lang din siyang nginitian.

“Ingat.”sambit ko bago siya tinalikuran upang pumasok na muli sa loob. Kita ko naman na nakikichismis sina Leo at Esme ngunit nang makita nila akong seryoso lang ay nagkunwari silang walang nakita at nag-usap na lang ng kung ano ano.

Naupo ako sa kama ko at napatitig lang sa laptop ko. Sinubukan kong magtipa ngunit para akong binubulungan nito na wala akong kwento. Na ang totoo? Hindi naman talaga ako magaling.

“Fuck.”bulong ko sa sarili nang maramdaman ang luha mula sa aking mga mata. Bakit ba ang hirap abutin no’ng mga bagay na gustong gusto mo? Samantalang ang dali lang naman nilang ipamigay sa iba.

Ang bigat. Ang sakit. Hindi ko alam kung tama pa ba.

Nakatulog rin naman ako nang gabing ‘yon na dala dala ang lahat ng iniisip sa pagtulog.

Bf kong HB:

Can we have a date? Kung hindi ka busy.

Ako:

Sige.

Bf kong HB:

Susunduin kita. See you! :)

Ibinaba ko lang ang phone ko. Ilang weeks na kaming ganito.

We still talk but I just don’t feel the same way again. Siguro dahil ilang taon kong ginugol ang sarili sa pangarap tapos no’ng nakuha ko na, akala ko ako ang dahilan ngunit biglang ang dali lang pala para sa iba.

Kapag nagsasalubong ang mga mata namin, naiisip ko lagi na baka wala talag siyang tiwala sa kakayahan ko kasi kung mayroon, bakit niya gagawin ‘yon, ‘di ba?

But still boyfriend ko pa rin siya. Hindi ko kayang bitawan dahil mahal ko.

“Hi, tara?”tanong niya na nginitian ako. Tipid lang naman akong ngumiti at tumango. Ilang beses pa rin siyang humingi ng tawad sa akin. I was just always nodding kahit ang totoo, hindi naman talaga ayos.

“Saan mo gusto?”tanong niya sa akin.

“Ikaw kahit saan mo gusto.”sambit ko lang na napakibit ng balikat.

“La union?”tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Natulog lang ako buong byahe namin. Nang makarating kami roon ay inaya niya lang akong kumain bago kami nagtungo sa beach. I was just normal. Pinipilit ko namang tumawa kaya lang ay hindi ko lang talaga magawa.

Sabi nila ang buhay ay parang ilog lang, sabayan mo lang daw ang agos nito. I use to be like that. Ganoon ang mindset ko. Kung saan ako masaya, doon ako. Pero this past few weeks hindi ko maiwasang magtanong kung tama na talaga na wala akong konkretong plano maliban lang sa pangarap na mayroon ako?

“Do you want to surf next?”nakangiti niyang tanong. Tumango lang ulit ako. Gusto kong magpakapagod para naman kapag nasa kama na ako, makatulog ako ng diretso. Ayaw ko ng mag-isip pa. Makakaramdam lang ako ng galit at inis.

Posible pala ‘yon no? Makaramdam ka ng galit at the same time pagmamahal sa isang tao? Napabuntong hininga na lang ako bago ako sumunod sa kaniya. Hindi ko pa rin talaga matanggap.

Ginawa nga namin ang gusto nito, nang matapos ay nagtungo lang din kami sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw.

Umupo lang kami roon habang nakatingin sa harapan. He was holding my hands. Hinayaan ko. Nang magsawa ako kakatingin sa araw, nilingon ko siya. He was just looking at the sun. While me? I was also looking at my sun…

Habang pinagmamasdan ko siya? Parang unti-unti akong natakot. Paano kapag dumating ako sa puntong hindi ko na makita bilang liwanag ko?

Sa ngayon… mayroon pang pagmamahal habang kinamumuhian ko siya pero paano kapag dumating ‘yong puntong wala na ‘yong pagmamahal at puno na lang ng pagkamuhi?

I was always been fast with my decision pero sa hindi ko malamang dahilan, ang hirap magdesisyon. Hindi ko alam kung anong tamang gawin but he said there’s no wrong decision. Hindi ko alam kung bakit natakot akong magising isang araw na hindi ko na siya mahal. Natakot akong baka buong buhay ko kwestiyonin ko siya at ang sarili ko. Ayaw kong dumating kami sa puntong ‘yon…

“Silas.”tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako dahil do’n. Nang makita niya ang seryoso kong mukha, unti-unting napalitan ang pagkamangha niya habang nakatingin sa harapan.

“It makes me question myself everyday kung magaling ba talaga ako o dahil lang sa'yo kaya ako nandito.”sambit ko. My greatest insecurity? My dream kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong pangunahan. Alam niya na ang dami kong bagay na iniwan kapalit ng pangarap at talentong meron ako. Kita kung paanong mamuo ang pagsisi sa kaniyang mukha.

“I’m sorry…”pabulong na saad niya sa akin.

“Maghiwalay na lang tayo.”seryoso kong saad, agad nanlaki ang mga mata niya at napangitin sa akin.

“What the heck, Iska? Ganoon lang ba kadali sa’yo lahat? Dahil lang do’n makikipaghiwalay ka na sa akin?”tanong niya kaya sarkastiko akong tumawa. Ang tagal kong ganoon, nakatingin lang siya sa akin habang ang mga luha mula sa mga mata ko’y hindi ko na nagawa pang pigilan.

“Dahil lang do’n? Wow!”natatawa kong saad.

“Halos kalahati ng buhay ko ‘yon ang hinahabol, Silvano! Tangina. Dahil lang do’n…”sambit ko na pinahid ang luha mula sa mga mata ko. Kita ko naman kung paano siya nakonsensiya sa sinabi niya. Hahawakan niya pa sana ako ngunit agad akong umiling.

“I’m sorry…”pabulong niyang saad.

“Ayaw ko na. Sa tuwing makikita kita, kinukwestiyon ko ang sarili kung talaga bang para sa akin ang lahat… sa tuwing nakikita kita para akong sinasampal ng katotohanan na hanggang dito lang ako… na wala talaga akong mararating kung hindi lang dahil sa’yo….”ani ko. Totoo pala ‘yon no? Makikita mong para bang tuluyang nagimbal ang mundo ng isang tao sa pamamagitan lang ng mata niya?

“Kapag nagpatuloy pa tayo… baka lalo lang tayong magkasakitan… Ayaw kong dumating tayo sa puntong wala ng makikitang pagmamahal sa mga mata ng isa’t isa…”pabulong na saad ko.

“Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan dito… alam kong ikaw din… ramdam mo naman, ‘di ba? Hindi na tayo tulad ng dati…”sabi ko. Alam kong alam niya… kita ko kung paano sumang-ayon ang mga mata niya dahil tama naman talaga ako. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing malamig ko lang siyang kinakausap. Sa tuwing magkasama kami pero parang hindi…

“Mahal kita pero ayaw ko na…”sambit ko na pilit pinapakalma ang sarili dahil anytime ay maiiyak nanaman ako.

“You know I said I won’t never be that guy you are talking about, the guy that will make you feel small… I’m sorry if I broke my promise… mahal kita. Mahal na mahal. But if that’s what you want? Sino ba naman ako para pigilan ka? Sino ba naman ako para pigilan kang maging masaya?”nakangiti niyang saad ngunit kita ko ang pamumula ng mga mata. Hinawakan niya ang pisngi.

“Can I kiss you? One last time…”pabulong na saad niya. Ramdam ko ang pagdampi ng mga labi niya kasabay ng pagtulo ng luha ko. Parang isang milyong punyal ang tumama sa dibdib ko habang hinahalikan niya ako.

How can a kiss feel so magical and painful at the same time?

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon