Chapter 30
Iska’s POV
“Ate, where ka na?”tanong ni Chico mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasanh matawa sa kaartehan ng kapatid ko.
“On the way na,”sambit ko naman.
“Okay, see you!”napangiti na lang ako bago siya pinatayan ng tawag. Ngayon ang graduation ni Lebon, matagal niya akong tinatanong kung uuwi raw ba ako. Lagi kong sinasabing baka hindi pero asa namang palalagpasin ko ang araw na ‘to lalo na’t alam na alam ko kung gaano kaimportante para sa kaniya.
“Are you really sure na ayos lang na sumama ka? Baka makarinig ka nanaman ng salita galing kay Mama.”sambit ko kay Silas. Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Naisip ko na sobrang ganda ng trato nila sa akin kahit noong unang araw pero siya, hindi man lang mabati ng maayos ni Mama. Ang unfair lang, sana sa akin na lang siya mainis. Huwag niya na sanang idamay pa ang ibang tao.
“Ayos lang, I just want to congratulate your brother, saka kung lagi akong tatakbo, lagi na lang akong matatakot. Paulit ulit lang ang mangyayari, sarili ko lang ang papagurin ko.”aniya sa akin bago nagkibit ng balikat. Hindi ko naman maiwasan ang pagtitig ko sa kaniya.
“What?”tanong niya sa akin.
“Wala, gwapo mo lang.”sambit ko kaya halos magusot ang noo niya. Napatawa na lang ako dahil do’n.
Maya-maya lang ay nakarating kami sa uplb, marami ang estudyanteng pakalat kalat at dahil lapitin na talaga ng chix si Silas noon pa, ang dami talagang napapatingin sa kaniya. Sorry sila, boyfriend ko na ‘to.
Dumeretso lang naman kami sa pagdadaungan ng event. Nang tawagin ang pangalan ni Lebon, hindi ko mapigilan ang maging proud sa kaniya. Ang talino talaga ng kapatid kong ‘yan. Mabuti na lang ay hindi siya tumulad sa akin. Ang sabi ni Papa noon, matayog ang pangarap ko but I think mas matayog ang sa dalawa kong kapatid. Well, hindi naman kailangang icompare e. Kahit sobrang liit at mababa lang ang pangarap mo sabi ng iba, ayos lang, ikaw naman ang may pangarap no’n, hindi naman sila.
Kita ko kung gaano kaproud si Mama sa kaniya. Masaya ako roon, walang halong kaplastikan o kabitter-an. I kinda know Mom’s heart, kahit paano’y alam kong gustong gusto ni Mama na may makatapos sa amin dahil ‘yon ang pangarap ni Papa para sa amin sapagkat hindi nila nagawa noon. Nakakahiya dahil sa akin pa naman siya nag-eexpect noon.
“Ate!”medyo gulat pa siya nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang matawa nang lumapit siya para siguraduhin pa. Ganito na ba ako katagal hindi umuuwi para isipin nilang namamalikmata lang sila?
“Congrats, Leb!”nakangiti kong saad bago iniabot sa kaniya ang bulaklak.
“I thought you won’t come…”aniya na napanguso.
“Pwede ba ‘yon?”natatawa kong saad.
“May nurse na kami.”sambit ko habang ginugulo ang buhok niya. Kita ko namang nakataas lang ang kilay ni Mama ngunit hindi rin naman siya nagsalita. Mukhang pinipigilan ang sarili. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong nandito o ano pero hindi ko na ‘yon magawa pang isipin dahil nga special event ‘to, graduate na si Lebon.
“Congrats, Lebon.”sambit naman ni Silas sa kaniya bago siya tinapik sa braso.
“Thanks, Kuya.”aniya na ngumiti rin pabalik kay Silas.
“Good evening po.”bati ni Silas kay Mama at nagmano rito, laking pasasalamat ko na lang din na hindi binalibag ni Mama o ano. ‘Yon nga lang ang mukha nito’y mukhang hindi natutuwa.
“Let’s go home! Tara na!”sambit ni Chico para mawala ang tensiyon. Mabuti’y nakakapansin din ang isang ‘to.
“Do you mind riding in my car po?”tanong ni Silas kay Mama. Tumaas lang naman ang kilay nito.
“Magcocommute kami.”malamig niyang saad. Alam ko naman na hindi talaga siya papayag, mataas pride niyan, sa kaniya ko ‘yon namana. Kaya nga pataasan din kami kahit dapat daw ako na ang nagpapakumbaba.
“Ma, sakay na tayo, lambo ‘yon!”sambit ni Chico. Hindi na talaga nahiya ‘to. Halos kotongan ko na siya pero si Mama na ang gumawa.
“Maghinto ka, sumakay ka kung gusto mo, basta kami ni Lebon ay magcocommute.”ani Mama. Sinenyasan ko lang si Chico na sumama na lang kay Mama dahil alam ko agad na mahahighblood ‘yan kapag sa amin sumabay pauwi si Chico. Knowing her? Ayaw na ayaw niyan magpatalo.
Nang makarating kami sa bahay, kitang kita ko ang tingin ng mga kapitbahay namin. Hindi ko maiwasang mapailing dahil ito nanaman sila.
“Pinalaglag nga!”dinig kong sambit ni Aling Sandra. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mindset ng mga ito. Sila lang naman ‘tong nagpapakalat na buntis ako tapos ngayong nakitang mali’y sasabihing pinalaglag kung hindi rin naman tanga.
“Sila pa rin! Ang gwapo talaga niyan! Siguro’y nilandi talaga niyang si Iska.”sambit naman no’ng anak niya.
“Talaga, gwapo na mayaman pa, jackpot na talaga ‘yang si Iska.”aniya pa. Mas okay na ‘yon, sanay naman na akong nahuhusgahan ng mga ito, ayos na na ako na lang, huwag na ‘yang si Silas.
“I think you’re wrong about that, Miss. I was lucky to have this girl, sa aming dalawa, mas swerte ak—“bago pa matuloy ni Silas ang sasabihin ay hinila ko na siya paalis. Ayaw ko lang na makipag-usap pa siya roon. Sayang oras.
May mga dala kaming foods kaya nang makarating kami sa bahay ay inasikaso na lang din namin ang mga pagkain. Nagluto rin si Mama nang spaghetti para kay Lebon.
“Mabuti pa ‘yong kapatid mo, nakapagtapos na, Iska, ikaw kaya? Kailan kaya may patutunguhan ‘yang buhay mo?”tanong sa akin ni Aling Marites na siyang tumulong ata sa pagluluto ng spaghetti kaya ang lakas magcomment sa buhay ko. Hindi na lang ako nagsalita. Masiyadong maganda ang araw para hayaan ko lang na husgahan ako ng mga ito.
“Are you okay?”tanong ni Silas sa akin.
“Oo naman, sanay na ako.”natatawa kong saad dahil noon pa man ay pinapamukha na nila sa akin na mali ako ng desisyon, but still I want to chase after my dream. Passion and money that’s what I want. Noon… but being relationship with Silas? Hindi ko alam kung bakit nahihiligan ko ng magtravel at magsulat ng istorya sa mga lugar mapupuntahan namin.
“But that doesn’t mean that it’s fine.”sambit niya. Napakibit lang naman ako ng balikat doon. Ramdam ko naman ang titig niya sa akin kaya tinawanan ko na lang siya. Maya-maya lang ay dumating sina Lebon, ang daming congrats na narinig namin sa mga kapitbahay. Well, deserve ‘yan ng kapatid ko. Dapat lang. Malapad lang ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya.
“Kain na tayo!”good mood na good mood si Mama habang nag-aayaya ng mga kapitbahay.
“Kumain na rin kayo.”kahit masungit ang pag-aayaya niya’y ayos na ayos naman na sa akin. Atleast nag-aya siya.
Natatawa na lang ako kay Chico na kinukulit na si Silas na medyo mahaba naman ang pasensiya para sa kapatid ko. Nagagawa niyang sagutin ang daming tanong nito.
Napangiti na lang ako dahil kahit paano’y nagkakasundo silang tatlo.
“Pwede kong subukan niyan, Kuya?”tanong ni Chico. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“Huwag na, paano kapag nabangga mo pa ‘yon? Wala tayong pambayad para sa sasakyan niya.”sambit ko na masama ng tingin sa kaniya.
“It’s fine, we can use that tomorrow.”ani Silas sa kaniya.
“Talaga, Kuya? Sige!”kita ko naman ang excitement ni Chico ngunit agad akong kumontra.
“Huwag na. sspoilin mo lang ang isang ‘yan.”sambit ko sa kaniya.
“Ate naman, sige na… gusto ko lang naman subukan para may inspirasiyon mag-aral.”aniya sa akin.
“Hindi pa ba kami sapat na inspirasiyon, Chase Federico?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Napanguso lang siya sa akin dahil do’n.
“Payagan mo na, kasama naman tayo.”ani Silas sa akin. Dalawa pa silang nangulit sa akin kaya napairap na lang ako at walang nagawa kung hindi ang pagbigyan sila.
“Yes, the best ka talaga, Ate! Pakiss nga.”ani Chico kaya kinutusan ko siya. Patawa tawa naman ‘tong lumayo sa akin.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan, ang dami kayang tanong ng dalawa. Pati kung paano kami nagkakilala’y pinapakwento rin nila. Minsan ay natatawa na lang din ako kapag si Chico naman ang nagkukwento. Paano’y sobrang ingay niya. Minsan nga’y napapatingin sa amin ang mga kapitbahay at kita pa ang pagbubulungan nila. Hindi na lang din namin pinapansin dahil masisira lang din ang araw namin.
Nang magsiuwian na ang mga kapitbahay dahil gabi na rin. Napatingin naman sina Chico at Lebon kay Silas nang tumayo na rin siya.
“Saan ka pupunta, Kuya?”tanong nila.
“I’ll just stay in the hotel, balik ako bukas.”sambit ni Silas at ngumiti. Ganoon naman ang plano namin, sigurado naman din akong hindi siya aayain ni Mama na rito matulog.
“Hala, gabing gabi na, Kuya, pupwede ka naman ditong matulog.”sabi ni Chico sa kaniya.
“Ikaw magpaalam, Kuya, papayag si Mama, good mood ‘yon sa’yo.”bulong ni Chico kay Lebon. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n. Well, mukhang kahit ano namang gusto ni Lebon ay talagang papayag si Mama. Bukod sa siya ang pinakafavourite niyang anak, graduate na ito.
“Ma…”tawag ni Lebon kay Mama na siyang nag-aayos ng mga plato na naiwan sa sala.
“Pupwede bang sa kwarto na namin matulog si Kuya Si?”tanong niya. Napatingin naman si Mama sa kaniya at maya-maya ay sa amin. Mukha pa siyang napipilitan na tumango.
“Huwag lang may gawing kung ano sa pamamahay ko.”mahigpit pang bilin niya. Bahagya na lang akong napangiti dahil kahit paano’y napapayag ito.
That night, we slept peacefully, wala naman akong narinig na sumbat mula kay Mama, hindi ko alam kung masiyado lang siyang masaya ngayong araw o sadyang pagod na siya kakasermon sa akin. Hindi ko rin sure.
“Good morning!”hyper na hyper na bati ni Chico nang magising siya.
“Morning…”bati ko naman na medyo antok pa.
“Kain na tayo, nagluto si Kuya Lebon!”sambit ni Chico na hinila pa ako
“Wow, bait talaga ng nurse namin.”natatawa kong saad. Bahagya naman siyang natawa dahil sa tinuran ko.
“Ewan ko sa’yo, Ate.”aniya na naiiling.
“Saan si Silas?”tanong ko sa kanila. Maya-maya lang ay dumating si Silas na mukhang may bitbit pang pandesal.
“I just brought some pandesal, you said your mom likes it.”sambit niya sa akin. Napanguso naman ako at napatango. Well, kahit na nagtatalo kami ni Mama, naikukwento ko pa rin naman ‘to.
“Yeah, Kuya, sobrang fav ni Mama ‘yan kahit kape lang ay pandesal, ayos na sa kaniya.”ani Chico. That’s true, sanay naman kami na ganoon lang lalo na kapag walang pambili ng bigas.
Nag-usap usap pa kami sandali bago namin inayos ang lamesa bago umupo na roon. Natatawa pa ako dahil sa kwento ni Silas nang tawagin ni Chico si Mama. Para naman sa isang iglap ay may dumaan na anghel.
“Ma! Kain na tayo.”pag-aaya ni Chico kay Mama. Tahimik lang naman ako sa upuan ko. I was pretty sure she won’t eat with us, kahit ilang beses pa siyang ayain basta nasa hapag na ako, hindi ‘yan pupunta. But I was wrong when she sitted in front of me. Nakalimutan niya bang nandito ako ngayon?
Hindi na lang ako nagsalita nang kumuha siya ng pandesal at magsimula ng kumain. Tahimik lang kaming lahat no’ng umpisa. Wala talagang nagsasalita hanggang sa nagsimulang magkwentuhan si Chico at Lebon, sinama pa nila si Silas habang kaming dalawa ni Mama’y parehas lang na tahimik habang kumakain.
I was scared na baka bigla na lang ‘tong magsalita at maulit nanaman ang noon, halos ilang buwan akong hindi umuwi dahil do’n. I was just really pissed. Sana ako na lang kasi anh sumbatan niya tutal ako naman ‘tong anak niya. Huwag na ibang tao dahil ang unfair para sa kanila lalo na kung isang beses mo pa lang naman nakita.
But I was glad na natapos ang breakfast namin na walang kahit na sinong sumira no’n. Casual na nag-uusap ‘yong tatlo habang kami’y nakikinig lang at nagmamasid sa kanila.
Ito ata ang unang beses na kumain ulit kami together ni Mama na siyang sobrang payapa pa ng naging pagkain namin. It was kinda awkward… and nice…
BINABASA MO ANG
Take two, please
RomansaPlay the Set Series #3 Iska Sumilang is an aspiring writer and screenwriter who chase after her dream. She wants to be big someday. Klaro kung anong gusto niya, wala siyang plano sa kahit na ano. That's when she met Silvano Lucas Herrera, a hot sexy...