Chapter 39
Iska’s POV
“Luh? Sa’yo ba pilipinas?”hindi ko maiwasang itanong kaya kumunot lang ang noo niya sa akin. Bakit ba kasi ganoon din ang tanong niya?
“Saka ka na magtanong kapag sa’yo na pilipinas.”sambit ko pa kaya tinignan niya ako na hindi makapaniwala. Well, ako rin, hindi makapaniwala sa sarili ko dahil nagagawa kong kumalma at maging sarkastiko pa sa kaniya.
Kita ko naman kung paano siya magpigil ng inis sa akin. Bakit ang gwapo pa rin? Ang unfair. Hindi siya tumatanda, mas lalo lang bumabata. Dagdag mo pa na sobrang hot with his tux. Nakakapanghinayang tuloy bigla na hiniwalayan ko ‘to.
“Change your slippers. Uuwi ka nanaman ng nakayapak.”aniya na iniabot lang sa akin ang tsinelas niya.
“Ano ba ‘yan? Bakit ba ang bait mo sa ex mo? May girlfriend ka na ang harot mo pa.”pabulong na saad ko.
“I was just being nice. Kung harot na ang tawag mo rito, alam mong hindi, alam mo kung paano talaga ako lumandi.”aniya pa kaya napatikhim ako bago ko kinuha na lang ang tsinelas na iniaabot niya.
“And I don’t have girlfriend. Why? Gusto mong mag-apply?”tanong niya. I don’t know how can we both be bolder and braver. Hindi ko rin alam kung paano kami nakakapag-usap ng ganito. Ramdam ko ang kaba ngunit isinawalang bahala ko ‘yon.
“Bakit may sahod ba ‘yan?”tanong ko rin sa kaniya. Ayaw magpatalo.
“Name your price.”aniya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Tinulak ko lang siya para makaalis na roon dahil baka mamaya’y bigla akong mapapayag ang isang ‘yan, mahirap na baka nagjojoke lang. Saka wala raw gilfriend gayong nakalingkis sa kaniya si Eva kanina.
“Eva and I were not together. I’m just trying to see your reaction and to pissed you off.”aniya sa akin kaya agad akong napakunot ng noo.
“So? Ibig mong sabihin hindi ka pa nakakamove on sa akin?”tanong ko.
“Oo.”hindi man lang ito nagdalawang isip nang sagutin niya ‘yon. Pinaglalaruan niya ba ako? Kasi kung oo, huwag naman. Baka bigla’y nakikipaglaro na ako sa kaniya. Ramdam ko pa naman ang lakas ng tibok ng puso. Ayaw kumalma, nakakainis dahil siya pa rin pala talaga. Parang sira.
“Oh. Same.”sambit ko naman sa kaniya bago ko siya tinalikuran dahil sa kahihiyan. Agad na rin akong sumakay sa kotse ko dahil ayaw kong makita ang reaksiyon niya. If he was enjoying this, bahala siya. Basta sa totoo lang ako.
“Hello, Iska, saan ka na?”tanong ni Leo mula sa kabilang linya.
“Hindi ako pumayag. Pauwi na ako.”sabi ko naman sa kaniya.
“Ano? Halika na! Parang sira! Kami susugod diyan kung hindi ka pa pupunta. It’s my birthday!”sambit niya pa.
“Ayaw mo lang atang pumunta dahil makikita mo si Si e.”aniya. Agad naman akong napatikhim dahil do’n. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magkikita kami roon, magkaibigan sila ni Pulo. Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na’t sinabi ko pa sa kaniya na hindi pa rin ako nakakamove on. Paano kung joke lang ‘yong sinabi niya? Edi sabihin ko ring joke, ‘di ba? Simple.
Saka baka wala naman siya roon, may after party sigurado ang mga kasama niya sa movie.
“Oo na. I’ll go.”sambit ko dahil paniguradong hindi ako titigilan ni Leo pagkatapos ng araw na ‘to.
Nagtext naman ako kay Mama at Chico na didiretso ako kina Leo. Malapit na siyang ikasal. She’s very happy na rin sa life niya. I’m really happy for her.
“Nice! See you!”kita ko na agad ang malapad na ngiti nito.
Maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa paggaganapan ng party.
“Iska!”malapad ang naging ngiti sa akin ni Esme nang makita niya ako, isang malapad na ngiti naman ang ibinigay ko sa kaniya. Agad akong niyakap nito.
“Parang hindi tayo nagkita sa new zealand ahh?”natatawa kong sambit sa kaniya. Esme is just enjoying her life. Hindi pa rin siya nakikipag-usap sa long time ex niya. I want her to be genuinely happy.
“Saglit lang ‘yon! Grabe, miss kita!”sambit niya na patalon talon pa. Napatawa naman ako nang makita si Leo na exag pang nakatakip ang kamay sa bibig habang nakatingin sa akin.
“Wow, ang sexy naman nito!”aniya sa akin at agad akong inakbayan.
“Huwag niyo akong bolahin.”natatawa kong sambit.
“Hi, Iska, kumusta?”nakangiting tanong sa akin ni Red nang makasalubong namin siya. Maraming pamilyar na mukha dito sa party ni Leo, ang iba’y mukhang mga kaibigan lang ni Pulo na naimbitahan. Mukhang daig pa ang birthday celebrant.
“Ayos lang naman, kayo kumusta, Red?”nakangiti ko ring tanong sa kaniya.
“We’re completely fine, kaibigan lang namin hindi.”natatawa nilang saad. I want to assume na si Silas ‘yon but at the same time ayaw ko rin dahil baka umasa lang ako.
“Here he is.”anila kaya napatingin ako sa bagong dating na si Silas. Inalis niya na ang tux niya leaving him with his long sleeve na hindi nakabutones ang unang tatlo. Wow. Direktor ba talaga ‘to o model? Kita kong diretso ang tingin niya sa gawi ko dahil nandito ang mga kaibigan niya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Mahirap na baka bigla akong maglaway dito.
Saka akala ko ba’y may after party sila? Bakit siya nandito?
“Iwan ko muna kayo, punta lang ako kina Leo.”sabi ko at ngumiti sa kanila. Kita ko naman kung paanong mapalitan nang mapang-asar na tingin ang mga mukha ng mga ito. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo kina Leo.
“I was supposed to give you this tomorrow dahil bukas pa naman talaga ang birthday mo saka ang usapan natin bukas mo kami ititreat but now you’re here. Here’s your gift.”abot ko sa kaniya ng regalo ko.
“Wow, akala ko’y hindi mo na ako naalala. Isa kang mabuting kaibigan.”natatawa niyang saad at niyakap pa ako ng mahigpit. Napatawa naman ako sa kaniyang tinuran.
“Ex mo papalapit.”bulong niya pa habang yakap ako. Halos masamid naman ako dahil do’n. Dinig ko naman ang bahagyang halakhak ni Pulo. Ni hindi ko pa nga nakakausap ang isang ‘to.
“Cr lang ako.”sambit ko sa kanila. Malapad naman ang naging ngisi ng mga ito. Hindi ko alam kung hanggang saan ako aabot sa pag-iwas ko rito but I really need na iwasan ‘to. Ayaw kong pag-usapan kung ano man ang napag-usapan namin kanina.
Sobrang tagal ko sa cr. Habang papalabas ay naiimagine ko pa ang mga scene na nangyayari sa mga librong binabasa ko. ‘Yong maghihintay si boy sa labas ng pinto ng cr para kay girl. Natawa na lang ako nang makalabas. Mabuti na lang ay hindi naman uso ang ganoon sa totoong buhay kaya lang ay agad muli akong napapasok sa loob nang makita ko siyang palabas ng cr ng lalaki.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago lumabas, laking pasasalamat ko na lang na wala na siya roon.
“Hoy, tumae ka?”bulgar na tanong ni Leo sa akin. Inirapan ko lang siya dahil do’n kaya agad niya akong tinawanan.
“Ang tagal mo, akala ko’y naflush ka na.”aniya sa akin kaya nailing na lang ako
“May tinataguan nga kasi, jowa.”pang-aasar ni Pulo sa akin habang hawak hawak niya ang baywang ni Leo.
“Close tayo?”tanong ko na nakataas ng kilay sa kaniya. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.
Lagi ko ‘yang inaaway noon dahil alam ko kung gaano siya kaharot tapos biglang na kay Leo na. Ilang beses ko ring binantaan si Leo pero tulad ko, hindi rin nakinig.
“Hanggang ngayon ba’y may galit ka pa rin sa akin?”tanong niya na natatawa.
“Wala. Epal niyong dalawa niyang si Leo e.”sambit ko na inirapan pa sila dahil patuloy lang ang pang-aasar ng mga ito.
“Wow, bawi lang. Lakas mo ring mang-asar no’n.”anila sa akin kaya napairap na lang ako.
Nagkwentuhan lang kami habang nililibot ko ang mga mata ko para hanapin si Silas. Kita ko naman agad siyang nasa grupo ng mga kaibigan nila. Huwag lang talagang maisipan nina Leo na makisanib pwersa sa mga ito. Uuwi talaga ako ng wala sa oras.
Napatawa naman ako nang makita ko si Esme na sumasayaw na sa gitna. I don’t really like parties at noon pa man ay hindi naman ako nagagawi sa ganito. Sina Leo at Pulo lang talaga ang sanay na sanay. Umay na umay na ako sa kalandian nila, ni hindi mapaghiwalay. Napatawa naman sila dahil kitang kita nila ang itsura ko. Agad kong pinagsisihan ‘yon dahil bigla na lang silang tumayo at inaaya ako sa table nina Red.
“Huh? Dito na lang tayo. Ayos lang sa aking panoorin kayong maglandian.”sambit ko na tumango tango pa.
“Come on. Huwag mo namang ipahalatang hindi ka pa nakakamove on,”ani Leo kaya napairap ako sa kaniya. Inaya pa niya ulit ako kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod. Ngiti lang naman ang ibinigay ko sa mga kaibigan nila habang masaya silang nagkukwentuhan. Iniwas ko naman ang mapatingin kay Silas ngunit wala ng maupuan kung hindi sa tabi niya lang. Nangalumbaba naman ako habang nasa kina Leo ang tingin. Hindi ko siya tinignan. Bahala na talagang mastiff neck basta hindi niya lang ako komprontahin sa mga pinagsasabi ko kanina.
Ang lakas magsalita, Iska, ngayon ay taob ka naman. It was really awkward at hindi ko na matagalan pa kaya nagpaalam na ako. Ramdam ko kaya ang titig niya sa akin.
“Pwede bang kumain muna? Gutom na talaga ako e.”pagpapalusot ko nanaman. Kapag katapos kong magtungo sa mini resto rito ay talagang tatakas na ako para umuwi.
“Ayy we? Sige sige. Ikaw din Si, ‘di ba?”tanong ni Pulo na nakangisi.
“Sabay na kayo.”sambit pa ni Leo. Parang gusto kong tumutol sa kasal na magaganap.
“No, it’s fine.”sambit ko.
“Anong it’s fine ka riyan, Iska? Gutom din si Silas. Dali na.”ani Leo kaya masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya ngunit nagkunwari lang siyang nakatingin sa kung saan. Parang gago.
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sumama kay si Silas sa mini resto. Agad naman akong nakaisip ng paraan para takasan siya. May alak naman dito kaya ‘yon ang inorder ko imbis na pagkain.
“I thought you wanted to eat?”tanong niya.
“Nagbago na isip ko. Hindi na pala ako gutom.”sambit ko at nagpasalamat sa nagserve ng alak sa lamesa. Kita ko naman na nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin ‘yon at nagkunwaring abala sa sa pag-aayos ng alak. Pinag-order ko naman siya ng pagkain kaya wala siyang masasabi.
“How long will you avoid me?”tanong niya sa akin. Napatikhim maman ako roon. Hindi ko na sana gustong sagutin ang tanong niya ngunit mukhang hindi talaga siya hihinto hangga’t hindi nakukuha ang sagot.
“Huh? Assuming ka. Bakit kita iiwasan? And natural lang na hindi tayo magpansinan, ex kita, ex mo ako.”ani ko sa kaniya.
“Hmm, but both haven’t move on, right?”nakangisi niya namang tanong sa akin. Nagkibit lang naman ako ng balikat at hindi pinansin ang tinuran niya. Tinungga ko lang ang alak na nasa gilid. Hindi naman ako magwawala, gusto ko lang siyang takasan sa paraan ng pagtulog.
“I’m sleepy na. Gusto ko ng matulog. Iwanan muna kita.”ani ko. Nagpapalusot lang para makaalis na.
“Hmm, really? I can still remember how you act when you’re really sleepy or drunk. Bagsak ka na lang bigla. You won’t tell things like that.”aniya na nakangisi pa rin. Ano ba yan? Walang kawala.
“Ano ba kasing gusto mo?”tanong ko.
“You.”sagot niya naman sa akin.
“What did you say earlier? Is it really true?”seryosong tanong niya sa akin. Nangalumbaba naman ako at nilingon siya. Dahan dahang kumurba ang ngiti sa aking mga labi bago ko unti unting nilapit ang mukha sa kaniya para mahalikan siya. Nagtagal ‘yon dahil para kaming sabik na sabik sa isa’t isa. Nang matapos ay agad akong tumayo para kumuha ng alak at ilang beses na tinungga.
What the heck, Iska? Kakita mo lang sa ex mo pero nakikipagchukchakan ka na agad? Ramdam ko pa rin kung paano magwala ang puso hanggang sa tuluyan ng makatulog.
BINABASA MO ANG
Take two, please
RomancePlay the Set Series #3 Iska Sumilang is an aspiring writer and screenwriter who chase after her dream. She wants to be big someday. Klaro kung anong gusto niya, wala siyang plano sa kahit na ano. That's when she met Silvano Lucas Herrera, a hot sexy...