Chapter 6

1.5K 25 0
                                    

Wein

Maaga kaming nagising ni Nicelle dahil nga maghihiking kami. Naghanda kami ng mga gamit namin, maliit na bag lang ang dinala ko para hindi ako mahirapan masyado. Hindi ako sanay mag-hike dahil wala namang ihihike sa Manila, karamihan doon ay puro building e.

"Umayos ka na ha? Baka naman mautal-utal ka nanaman." umirap siya sa'kin, napa-rolled eyes nalang ulit ako, "huwag mo 'kong irapan.." saka siya natawa.

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon, gusto ko siyang murahin dahil sa pagkanta niyang 'yon. Hindi ko alam kung bobo siya o talagang bobo siya. Bakit niya kinanta yung kantang yon?! Hindi ba siya maalam bumasa ng lyrics? Hindi niya ba alam na tungkol sa isang individual na gustong humingi ng second chance yung kanta?

Hindi ko alam, ayoko mag-assume na nanghihingi siya ng second chance sa'kin. Ayokong mag assume.

"Oo na.." sambit ko saka sinakbat na ang bag. Excited na 'ko dahil sa wakas! Magha-hike na rin kami. After ng stress sa works magkakaroon din ako ng peaceful life.

Nang makababa kami ni Nicelle sa lobby, kami nalang pala ang hinihintay. Napatingin ako kay Ben ngunit nagulat ako nung nakatingin din pala siya sa'kin. Napaiwas ako at medyo nagtago sa likod ni Nicelle upang hindi niya na ako makita.

"Excited na ko! Overnight tayo don?" ani Wilcon na animo'y bata dahil sa tono ng kanyang boses, napairap si Nicelle.

"Malamang! Nag-tent pa kung hindi naman magtatagal? 'Di ba?" sarkastikong sabi niya, natawa ako dahil sa pag-aaway nila.

Sumakay kami ng van, si Wilcon ay sa unahan umupo dahil magva-vlog daw siya. Sumalungat pa 'ko dahil makakatabi ko nanaman ang ex ko pero need niya talaga. Mukhang hindi rin nagbibiro ang kanyang itsura so ayon! Dahil nga mabait ako ay umupo nalang ako sa malapit sa bintana sa left.

"Kala ko magha-hike? Bakit magva-van?" ani Celon.

"Bes malayo entrance non dito. Lalakarin mo dito mula don?" ani Nicelle, umirap lang si Celon at natawa nalang din. Sinabihan niya lang si Nicelle ng napakapilosopo raw nito.

Napairap ako nang pumasok na si Ben at dumiretso agad sa katabing pwesto ko. Umusog ako ng kaunti para hindi kami magdikit. Bintana lang ang tinignan ko nagdamag at hindi na naisipan pang umimik. Pero nagkwekwentuhan pa rin naman sila Nicelle.

"Mataas ba 'yon?" ani Celon. Napatingin ako sa likod at doon nakita na nakahiga siya sa dibdib ni Pat. Napatingin ako sa sinasandalan ko at tinignan ang inuupuan ko saka umirap, ok lang! Hindi naman kailangan ng dibdib para mahiga! Kaya nga naimbento ang sandalan ng mga upuan e 'di ba? haist oo nalang Wein, i-support mo nalang ang pangga-gaslight mo sa sarili mo na hindi ka naiinggit.

"Hindi naman masyado pero kung hindi ka sanay maghike, paniguradong matataasan ka." sambit naman ni Nicelle, "pero maganda roon, hindi kayo magsisisi na pinaghirapan niyo na akyatin 'yon. Mag-set up tayo ng tent tapos selfie tayo sa kita ang buong Laguna de Bay at bayan ng Pakil, Kalayaan, Pangil.. hindi ko sure kung tanaw pa yung iba e.."

"Tae.. 'wag na kayong magkwentuhan, natatae ako dahil na e-excite.." natawa si Wilcon sa sarili niyang joke. Tumawa naman si Ben, Pat at Nicelle while ngumisi lang si Celon.. at ito ako, mukhang gagong ilang na ilang sa katabi. Amoy ko pa ang mabango niyang pabango, haist! sarap niya tuloy i-cuddle.. Char.

Jok lang as if!

"We're here sa entrance!!" masayang anunsyo ni Nicelle. Bumaba kami at nakita nga ang sign na 'to tatlong krus' may nakita kaming kubo malapit sa pwesto namin. Pinuntahan namin 'yon para sana humingi ng tour guide. Hindi naman daw kasi alam ni Nicelle maging si Ben kung anong direksyon don. Baka maligaw lang kami. "Tao po?" tawag ni Nicelle.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon