Chapter 1

6.6K 97 17
                                    

Wein

"Ok lang naman." sabi ko, pumayag na 'ko at sasama na kasi sayang din, buti nga't naalala pa nila ako tapos tatanggihan ko lang sila.

"Ge ha, lilista na kita tapos bukas 4am dapat ready ka na, medyo malayo kasi 'yon dito dahil malapit na 'yun sa dulo ng Laguna! Sige na ha, alam ko naman kung saan ka nakatira kaya oks na. Bye see yah.." nagulat ako nang patayin niya agad ang call.

Hindi pa nga ko nakapagpaalam e, bastos talaga!

Pero teka.. how come na nalaman niya kung saan ako nakatira? Stalker ba siya? eme.

Hindi ko nalang pinansin dahil mag-iimpake na 'ko. Siguro naman matagal na nila 'tong plinano kaya hindi na rin ako nag-alala na baka maligaw kami o baka wala kaming matuluyan.

Nagising ako bandang alas tres na, di ko alam kung matatakot ako o ano. Alas tres kasi e! Nakikita ko pa man din sa mga pinapanood ko yung mga 3am challenge tapos may nakikita silang mumu!!

Pero dahil nga matapang ako, naligo nalang ako tapos kumain nalang ng can food at noodles. Hindi na lang din ako nagkanin dahil may bread naman ako dito. Nakakatamad kasi magsaing lalo na kapag nakita mong may tirang kanin na nanigas na, well hugas naman yung kaldero ko ngayon e.. nirant ko lang. Kakainit kasi ng ulo 'yon if ever.

Habang kumakain iniisip ko iyong pupuntahan namin. Maganda kaya ron? Hmm.. Madami kayang pogi?? Madami kayang mapapasyalan? Wahh I'm so excited, sa wakas ay makakalabas na rin ng Manila.

Habang nagchecheck ng mga gamit ay nagulat ako nang may kumatok. "Wein." sabi ng pamilyar na boses. "Ano na, baka tulog ka pa ha!! Papasukin talaga kita tamo, sayang gas kung hindi ka gigising dyan ha.."

Napairap nalang ako sa dami ng sinabi niya, naisumbat niya agad yung gas na ginamit.. 'di ko alam kung matutuwa ako o ano e.

Pumunta ako sa pintuan at pinagbuksan siya. "Napaka ingay Nicelle, di ka ba nainform na condominium 'tong pinasok mo at madaling araw pa? May tulog pa po." saka ko siya inirapan.. "Patulong oh.." inabot ko sakanya iyong isang bag, ako nalang ang magdadala nung isa para hindi kami mahirapan pareho.

Napatingin ako sa suot niya, fila white hoodie tapos jogging pants na black, may headband din siya tapos may salamin pa, pantulog na pantulog ang career.

"Sure ka ok ka lang? 'di ka inaantok?" natatawa kong sabi. Sinamaan niya 'ko ng tingin kaya natawa ulet ako. "Joke lang."

"Timang, ikaw kaya magsuot ng formal attire no?" inirapan niya ulet ako. "Char ano lang talaga, hindi talaga ako yung driver." aniya na parang nang-aasar pa ang tono ng pananalita.

Nagulat ako. "Sino?" nataas ko pa ang kilay at nagcross arms.

Ngumisi siya kaya nasungkit nito ang inis ko, "Ex boyfriend mo."

"Huh?!?!" gulat na gulat na sabi ko. Hindi ko inakala na ganon ang isasagot niya!

"Hotdog~! Sabi ko ex mo yung driver.. ano naman?!" natatawa siya habang sinasabi ang linya. Sa sobrang inis ko nabatukan ko siya!!! "Aray shuta! Ano ba! Pag 'to nabagsak bag mo 'wag mo 'kong sisihin."

"Bakit mo sinama?!" hindi ko namalayang nasigaw na 'ko dahil sa inis. Bwisit siya! ang dami-daming pwedeng isama yung Ex ko pa talaga ha?

"Ano naman?! Bitter ka ba?!" singhal niya rin, doon naman ako napatahimik. Oo nga naman kasi, bakit kasi ako mag-aact nang ganon sa harapan niya. Hindi naman ako bitter e! nabigla lang ako promise.

"Hindi 'no, eh di isama mo.." saka ako nagpaumuna sa elevator. Bahala siya kung makakapasok siya o hindi, maghagdan siya!

"Bobo ka ba?!" singhal niya nang makapasok siya ng elevator, tumakbo pa siya para lang makaabot. Hindi ko alam kung tatawa ba 'ko o maaawa e, hawak niya pa naman yung bag ko. "Pag ako naiwan-iwan doon sa taas.." saka siya natawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagbabago ng kanyang emosyon, bipolar ang tanga, magagalit tapos biglang tatawa nang malakas. "Hahahaha bitterist ahh? buti nalang hindi ko sinabi na sasama siya, siguro kung sinabi ko.. hindi ka sasama kasi bitter ka nga." saka naman siya umirap. Sabi na e, bipolar nga.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon