Chapter 10

1.4K 22 0
                                    

I think, last 5 or 10 chap nalang :)

Aga ng count down!

Errors ahead!

Ps. Pagtapos ko na yung story ieedit lahat.. Pagtitiisan niyo na muna.. Tamad kasi si self hehe..

Enjoy reading!

Wein

Nagising ako dahil trip ko lang magising. Nag pupunas si Nicelle ng buhok niya, nakatalikod siya sa'kin kaya hindi pa niya ko pinapansin.

"Woi.. Pano ko nakapunta dito?" nagtatakang sabi ko. Ang pagkakaalam ko kasi ay sa Van ako natulog, panong nasa higaan na ko? Nag sleep walking ba ko?

"Binuhat kita.." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kaya mo ko? Sa liit mong yan?"

"Tss.. Oo na, si Ben.. Inakyat ka ni—"

"Ano?!" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil sa sumigaw ako. "Putek! Bakit hindi niyo man lang ako ginising? Pede naman yon tapos ako na maglalakad mag isa.. Nakakahiya tuloy!!"

"Nung kumanta ka ng You belong with me sa stage with matching crowd taaaaposs si Ben pa kinakantahan mo hindi ka nahiya? Naku ah.. Binuhat ka lang sis.." natawa siya habang nagpupunas pa din.

"Naligo ka?"

"Aba oo naman.. Tignan mo oras alas kwatro na di ba? Ano oras ka tutulog mamaya? Kumain ka nga don!" hinatak niya ko sabay tulak palabas. Hindi pa ko nakakapag mumog!!

"Gaga pahilamos muna.." sabi ko sa pinto. Agad naman niyang binuksan.. Nag drdry na siya ng buhok.

"Kumain ka ha," bilin niya.

"Oo nga. San ka pupunta?"

"Kela Lolo, papaayos ko cottage para bukas.. Sa taas tayo para kita yung buong resort.. Hindi naman kalakihan yon pero ok na din.." sabi niya. Gusto ko sanang sumama kaso hindi pa pala ko nakain! Nakakahiya naman kung makikain pa ko don.

Naghilamos ako saka nagtoothbrush lang. Nakakaasar nga dahil hindi ko alam kung anong malalasa sa pagkain mamaya. Maglalasang toothpaste yon!

"Sis bye muna.. Kain ha.." tumango ako habang nagpupunas na ng mukha. Nagbihis din ako dahil kanina ko pa to suot mula pagbaba ng bundok. Baka mamaya ang baho ko na e. Mamaya na ko maliligo.

Pagkalabas ko ng pinto nakita ko si Ben na nakasandal sa tabi ng pinto.

"Oh.. Ginagawa mo dan?" sabi ko. Napatingin kami sa isa't isa, ngumisi siya sa hindi ko naman malamang dahilan. "Bakit?"

"May toothpaste ka pa sa labi." nagulat ako! Gago! Hindi pa natanggal yon?

Pero dahan dahan siyang lumapit sa'kin, ipinewesto niya ang hinlalaki niya sa may labi ko para maalis yung toothpaste. Gags! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Nakakahiya ulit!

"Done." sabi niya. Nagulat ako ng isubo niya sa bibig niya yung toothpaste!

"Oy! Anong—bakit.. Madumi yon!"

"Ang alen?" pag wawalang malisya niya.

"Ewan ko sa'yo, bakit ka nandito? Wala si Nicelle pumunta sa mga lola niya. Ihahanda niya daw yung cottage para sa swimming bukas." daldal ko, nakakunot naman ang noo niya. "Ano?"

"Alam ko na yan.."

"Oh eh bakit ka nandito?"

"Para sa'yo.."

"Ang laban na to? Manny Pacquiao peg natin ah.."

"Tss.. I'm serious silly.."

"Silly huh?"

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon