Wein
Simula ng maghiwalay kami ni Ben, wala na kong ginawa sa sarili ko kung hindi libangin nalang sa pagpapakapagod sa trabaho. Wala akong naging kalandian after a year. Wala akong nakablindate. Wala akong tinder account, hindi ako nag oomegle o kahit ano pang dating apps dan.
Simula ng nasaktan ako, hindi ko na hinanap iyang lintik na love na yan. Iyang pagmamahal na yan? Gawa yan ng illuminati choz. Iyang love na yan? Sisirain ka lang nan. Na kahit gaano mo gustong kalimutan yung pananakit niya sa'yo, maalala't maalala mo.
Kaya ayon. Hindi ko alam kung mapapasukan pa ba ang kweba ko o ano. Kung magkakaanak pa ba ko. Kung magkakapamilya pa ba ko. Kung makakahiga pa ba ko sa dibdib ng matipuno at gwapong lalaki. Kung magkakaroon ba ko ng ka-cuddle, kung may makakahalikan ba ko. Kung may makikinig ba sa mga problema ko lalo na kung wala si Nicelle.
Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming bumabagabag sakin. Na what if, tumanda akong mag isa? What if magkapamilya na din si Nicelle habang ako parang gago na nasa condo habang kayakap ko ang teddy bear ko ron.
Pero sa dami kong reklamo, ayaw ko na din namang umibig. Natatakot kasi ako na masaktan ulit, natatakot na makita ko ulit yung taong minamahal ko na may kahalikan na ibang babae. Bumabalik ang trauma ko kapag naiisip ko yon. Pano ko magmamahal neto? Pano ko magmamahal kung natrauma na ko sa ginawa ni Ben sa'kin?
Muling bumaling ang tingin ko sa napakagandang tanawin. Hindi man ako kasing ganda ng tanawin na yan, kaya ko namang gawin lahat para sa lalaking mahal ko. Ginawa ko yon kay Ben e, ako nga nanligaw jan. Kasi, alam ko naman din na hindi ako ang gusto niya in the first place. Alam kong sinagot niya lang ako dahil sa pangungulit ko. Ngayon ko lang din napagtanto na ang tanga tanga ko nga. Na, sa halip sagutin ko ang iba kong manliligaw, sakanya pa ko bumagsak. Sa walang kwentang lalaki na nakipaghalikan sa malanding babae...
Hindi ko nga alam kung sino iyong kausap niya sa telepono niya e. Kung bago niya ba yon o yung babae na hinalikan niya one year ago. Kung iyon pa din ba o iba na?
Umalis ako roon at umupo muna saglit sa may puno. Ako lang mag isa don, hindi ko alam kung bakit pumwesto ako dito. Nakakatakot dahil masyado akong malayo sakanila. Kahit na tanghali palang ay natatakot na ko. Bundok to no.
"Mam?" nagulat ako sa nagsalita. Pagtingin ko si Tour guide na pogi pala iyon. Pati boses pogi.. Kami nalang kaya? Char.
"Oh kuya.." dali dali akong tumayo at pinagpagan ang sarili..
"Ayos ka kang Mam?" tanong niya, nag aalala nga ang mata niya ah.. Nagagandahan ba siya sakin kaya siya nag aalala? Char.
"Ah oo naman.." napatingin kami sa isa't isa. Ngayon ko lang napagtanto na brown ang mga mata niya. Ang gwapo niya talaga na tour guide.
"Ah Mam, ito pala yung P50, P300 lang kasi ang maximum na pede naming makuha sa pag totour.." binalik niya sa'kin yung P50. Nag aalangan pa ko ng kuhanin ko yon.
Pero.. Parang ang tanda ko na. Maka-Mam? "Ah kuya naman, wag mo na kong tawaging Mam! Wein nalang.. Pede ding Alex.. Pero mas prefer ko talaga Wein e.. Hehe.." hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko.
Ang daldal ko buset.
"Paul," pagpapakilala din niya. Pati name ang gwapo.. Bagay sakanya. Char.
Nagulat ako ng umupo siya malapit sa'kin, ang gwapo niya umupo. Nakasuot siya ng yellow t-shirt tapos naka reap jeans.. May sombrero din siya pero halatang luma na.
"Ilang taon ka ng tour guide?" ako ang nagsimula ng conversation. Nakakainip din kasi dito e. Nakakabobo naman kausap ni Nicelle dahil pilosopo. Si Celon naman nakakagigil pagnakikita ko naman silang dalawa ng jowa niya, si Wilcon naman hindi ka na makakapagsalita sa sobrang daldal niya, hindi din naman pede si Ben dahil hindi ko naman din yon kakausapin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#1: Benedict Ruiz
RomanceWeilyn Vermido is being bittered because of her Ex Boyfriend Benedict Ruiz that she saw kissing someone's girl in the lobby of his condo. She avoided him and after 1 year someone rang her phone because Nicelle(her college bestfriend) called. Wein a...