Chapter 16

1.1K 16 1
                                    

Errors ahead

Last 2 chap..

Wein

"Anong.. Anong sinabi mo?" gulat na gulat kong sabi..

"I love you.."

"Ben, anong sinabi mo?" kinakabahang sabi ko. "Ben sabihin mong biro lang yon.."

Tumungo siya.. "I have a cancer.."

Nanghina ako bigla, napaupo ako habang nakahawak ang kamay sa ulo.. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko.. May cancer siya.. "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Anong ginagawa mo dito at bakit hindi ka magpachemo?!" nang gigigil na sabi ko.

"Wein.. Ganito kita kamahal.." nagkatinginan kami sa isa't isa.. "Wein kaya kong mamatay para makasama lang kita at sabihin na ikaw pa din ang mahal ko.." humihikbing sabi niya.. "Maling mali yung ginawa ko sa'yo, pero sana bigyan mo ko ng chance.. Chance na patunayan ko ulit yung sarili ko sa'yo.. Chance na ako naman ang manligaw sa'yo.. Chance na mahalin ulit kita.. Wein mahal pa din kita.."

"Ben.. Mahal din kita e.." emosyonal na sabi ko.. "Sobra.." "Kaso sa twing naiisip ko yung mga kababuyan mo nung araw.. Gusto kitang pagsusuntukin.. Ben minahal kita ng tapat!!" "Bukas na bukas.. Umuwi ka na.. Magpachemo ka. Ako na ang maghahanda ng mga gamit mo. Sasabihin ko nalang kela Nicelle na hindi na tuloy yung hiking bukas.." umiiyak na sabi ko. "I still hate you pero kelangan mong magpachemo.."

Natahimik kami.

"Wein ano bang dapat kong gawin para bumalik ka sa'kin??" emosyonal na sabi niya. Nagkatinginan kaming muli sa isa't isa.. Kitang kita ko kung gano siya kahina ngayon..

"Magpachemo ka.. Magpa opera kung kinakaylangan.. Magpagaling ka.. Tapos mag usap tayo ng mga ilang taon.. Kung sa isang taon na yon makahanap ka man ng bago, kahit masakit syempre tatanggapin ko ng lubusan.." kalmado kong sabi. "Pero sa ngayon hindi ko muna kayang bumalik sa'yo," "At ganon kita kamahal.."

After ng pag uusap namin na yon, umuwi agad kami.. Nang makadating ako sa condo ko, ni lock ko agad ang pinto para umiyak ng umiyak.. Wala kong ginawang iba kung hindi umiyak.

Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya.. Nasasaktan ako dahil kailangan niyang hindi magpagamot para lang makita ako..

Mahal na mahal ko pa din pala siya.. Pero hindi ko kayang ibigay ulit iyon sa isang sabi niya na may cancer siya.. Mahirap sumugal lalo na kung na wittness mo ang panlolokong ginawa niya sa'kin.. Hindi mataas ang pride ko, sadyang hindi lang talaga makatarungan.. Gusto ko pang maghintay ng mahaba habang panahon para masabi ko na this time seryoso siya sa'kin..

Kasi kung sumapit man ang isang taon na meron na siyang iba, mag sisisi ako Oo pero matutuwa din ako at the same time.. Kasi di ba kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit ilang taon pa yan.. Kung ikaw talaga, ikaw talaga.

Trabaho lang ang ginawa ko all this day.. Puro trabaho tapos swesweldo tapos mag luluho, bayad kuryente, tubig at stock sa bahay.. Nakakaumay na pero kelangan pa ding magpatuloy..

Hindi na ko nakipag interact sa mga manliligaw ko, hindi ko na sila pinapansin o kahit chat man lang sinabihan ko na din silang tumigil na dahil wala naman silang pag asa na makukuha sa'kin, pangit man ang sinabi ko, sinabi ko naman ang totoo. Di ba?

Four months ang lumipas, heto pa din ako, bumabangon para sa buhay.. Hindi ko nga alam kung bat ba tinutuloy ko pa tong buhay ko na to, wala namang silbi.. Kahit sila Nicelle kasi hindi ko na din nakakausap through social media.. Kelangan ko ng matinding pag iisip, o kung may iniisip pa ba ako?

Kumakain ako ng mag vibrate ang cellphone ko, ito nanaman siguro yung principal namin na puro dakdak lang ang alam.. Umirap pa ko ng kinuha ko ang cellphone.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon