Sa mga nakaabot dito!! Nagpapasalamat ako dahil sa pagsuporta niyo! Na simula prolugue nasaksihan niyo yung journey nila Wein at Ben! Maraming salamat!!
--
Errors ahead.
Ben
"You belong with me.." My heart beats fast when I realized that the girl on the stage straight looked at my eyes. Napaiwas ako ng tingin at hindi ko nalang pinansin yung pagpapapansin niya sa'kin.
She's Weilyn Alexine Vermido. Babaeng nagkakagusto sa'kin. Well I can't say na assuming ako. Cause everytime na dumadaan ako sa stage kasama ni Pat. Lagi niya kong sinusundan ng tingin. Tapos yung babaeng pandak na lagi niyang kasama, bulong ng bulong sa tabi niya. Rinig naman yung sinasabi.
The day passed by, hindi ko alam na napapalapit na pala ko sakanya. Hindi ko alam na nagpapapansin na din ako sakanya. Na lagi akong dadaan sa building nila for her. Na uupo sa malapit sa inuupuan nila sa canteen. Na kakain sa kinakainan nila after class..
At iyon ang dahilan kung bakit nahulog agad ang loob ko sakanya. She's so kind, mapag alaga specially sa kaibigan niya. Nakikita ko din siyang binibigyan yung matandang lagi nalang na nasa tabi nung kainan na pinagkakainan nila. Inaabutan niya ito ng twenty pesos everyday..
So ginaya ko siya. Minsan, binibigyan ko yung pulubi ng 100 pesos or kaya kapag nagkaka allowance ako, 200.. Lagi tuloy nagpapasalamat sa'kin yung pulubi, One time nga nagtanong siya e. Na kung bakit ko ba daw ginagawa yon sakanya. Na bakit ko ba daw ang laki laki magbigay..
So I answered. "I want to help just like her.." nakangisi kong sabi, ngumisi rin yung pulubi at tumingin sa likod kung saan kita ang mga kumakain.
"Ayun bang si Ate ganda yung ginagaya mo??" tanong nung matandang pulubi. Nakunot ko naman agad ang noo ko..
"Ate Ganda?"
"Wein ang pangalan niya ijo.." nakangising sabi nung matanda. "At napakabait niyang bata. Kahit na minsan nag aalangan pa siyang bigyan ako dahil nakikita ko na walang laman yung pitaka niya, binibigay niya pa din sa'kin.. Suki na ko nan ni Ate Ganda e, kaya nga utang ko sakanya ang buhay ko.."
Nang marinig ko yung sinabi niya. I was amused.. Kilala si Wein sa campus dahil sa pagiging matalino and scholar niya. She's an Edu student and I'm on my business acads. Alam ko din na wala na siyang magulang at sa tita niya nalang ito nakatira.
I'm not a stalker. Madalas kasi siyang pag usapan sa campus dahil maliban sa matalino siya, maganda din ang itsura niya. Actually madaming nanliligaw dan based sa mga naririnig ko. Pero kapag inaasar nila ko kay Wein noon? Agad akong iiling at sasabihing.. "No thanks."
Pero I'm here now. Sitting beside her, nakahiga ang ulo niya sa dibdib ko while nagbabasa ako.
"Baby.." she said in a cute tone.
"Hmm.."
"Pangarap mo bang pumunta sa bundok?" she asked.. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa dibdib ko para siguro makapag salita ng ayos.
"Actually nakapunta na ko.. Pero dahil matagal tagal na din naman, siguro baka.." I answered. That's true.. I went to Paete where Mt. Humarap also known as Tatlong krus exist. Napakaganda ng bundok na yon.
"Kapag may trabaho na tayo, dapat pupunta tayo sa bundok ah.. Mag seselfie tayo para ipangproprofile ko. Tapos, hahawakan natin ang kamay ng isa't isa.. Yayakapin kita dahil malamig ang simoy ng hangin. Kapag nangyari yon, siguro ako na ang pinaka masayang babae na mabubuhay sa mundo. " she laughed, napangisi naman ako dahil sa mga sinabi niya. Pangarap niya palang makapunta sa taas ng bundok?
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#1: Benedict Ruiz
RomanceWeilyn Vermido is being bittered because of her Ex Boyfriend Benedict Ruiz that she saw kissing someone's girl in the lobby of his condo. She avoided him and after 1 year someone rang her phone because Nicelle(her college bestfriend) called. Wein a...