Wein
Kung tatanungin niyo ko kung alin ang pinaka ayaw ko sa lahat ng nangyari sa tanang buhay ko, di ako magdadalawang isip na sabihing yung pagkanta ko stage.
Simula ng gawin ko 'yon, doon nagsimula ang pagpapakatanga ko sakanya. Yung minahal mo siya nang buo, tapos makikita mo may kahalikang babae?
Hindi ko rin naman siya masisisi. Kahit na ganoon ko siya kagusto nung mga araw na 'yon, hindi ako nagpapahalik sakanya. Sa pisngi at sa noo pwede pa. Kaya siguro ganoon niya nalang ginawa 'yon. Yung hinanap niya sa'kin nahanap niya sa iba. Eh di sana kung halik lang pala ang gusto niya halikan niya sarili niya sa salamin 'di ba??
"Oh Wein, asan si Ben?" bungad agad sakin ni Nicelle.
Ngumiti ako, "Di ko alam.."
"Nag-usap na kayo?" aniya.
Nagulat ako, inaasahan niya ba na mag-uusap kami? "Bakit?" takang tanong ko.
"Wala.." saka siya umiwas nang tingin sakin. "Tara doon tayo sa carousel, kaya na naman ata ni Ben mag-isa.." hindi pa 'ko nakakasagot nang hatakin niya na agad ako. Ngumuso ako at binigay ang isang daan sa counter saka pumila.
Nasa giraffe ako pumwesto dahil iyon ang pinakamatangkad sa mga iba pang hayop gawa nang leeg niya. Napaka isip bata ko dahil kahit na nakahawak na ko't lahat sa leeg, natatakot pa din ako. Natatakot na malaglag at walang sumalo—ayy pusa biglang bumilis...
5 minutes lang ata umikot ang rides. Hindi ako naboring yet natakot ako kasi ang taas talaga ih. Dapat pala roon nalang ako sa lion sumakay para may pagkapandak slight.
Pagtapos nung rides namin ni Nicelle, pumunta kami agad sa exit ng viking para hintayin sila Wilcon. Sabi kasi ni Nicelle na katatapos lang nila sa Catterpillar. Iyong rides na mabilis ang takbo? Tapos after daw non, sumakay sila ng viking kaya ito, naghihintay kami.
"Wein seryoso hindi ko mahanap si Ben. Sure ka hindi kayo nagusap? Oh kahit nagkita man lang??" nag-aalalang tanong niya.
Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit, baka dahil siguro kahit ginago niya 'ko ay may pake pa rin ako? "Nagkausap kami saglit. Tapos iniwan ko siya roon sa dulo.." tinuro ko ang daan na paderetso.
"Tara nga, cha-chat ko nalang sila Wilcon.. baka mapaano si Ben dito e.." tumango ako saka niya ko muling hinila, nagpunta kaming muli sa pwesto namin kanina nung nag-usap kami. At nandoon siya, nakatingin sa Laguna de bay, napaiwas ako nang tingin. Bakit naawa ako kapag nakikita ko siyang ganyan? Parang ang lungkot-lungkot niya.
"Ben, tara na.. simbahan tayo pagtapos nila Wilcon..." sabi ni Nicelle, parang nagulat pa si Ben dahil sa boses ni nito. Hindi niya ata kami naramdaman na nasa likod niya kami.
Tumayo siya at nagpagpag ng kamay, tumingin siya sa'kin kaya napaiwas ako nang tingin. Tinalikuran ko sila at hinintay nalang na maglakad.
So ayun, hinakawan ni Nicelle ang kamay namin ni Ben, nasa kanan ako at kaliwa naman siya, hindi ako makatingin kay Nicelle dahil naiilang ako. Hindi ako nakurap habang naglalakad, takot na igalaw man lang kahit mga daliri sa kamay.
Nang makapunta ulit kami sa mga rides, agad namang sumalubong sa'min ang sigaw ni Wilcon. Animo'y bitter na bitter at nagsisising sumama sa dalawang mag-jowa.
"Gosh ang saya!! Ang saya maging third wheel! Mga kengena neto.. May pa 'aaahhh babe wahhh babe' ka pang malantod ka!" asik ni Wilcon habang dinuro si Celon at saka nag-cross arms. Tawa lang nang tawa si Celon at Pat, ako'y hindi man lang nakatawa dahil masyado akong naiilang.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#1: Benedict Ruiz
RomanceWeilyn Vermido is being bittered because of her Ex Boyfriend Benedict Ruiz that she saw kissing someone's girl in the lobby of his condo. She avoided him and after 1 year someone rang her phone because Nicelle(her college bestfriend) called. Wein a...