Wein
Hindi ko maintindihan kung ano ba yung naramdaman ko kanina. Bakit ako nalungkot? I mean, bakit nga ba?! Ano namang pakeelam ko kung sabihin niya 'yon?
Napapangisi ako ng sarkastiko kapag naalala ko iyong sinabi niya, love you ha. Ilan na ba napagsabihan niya nang ganon? My bad at napahanay ako, bobo ko kasi.
Kasalukuyan akong nasa kwarto at nagseselpon lang. Bukas pa kami gagala dahil hindi pa kami ready. Kararating lang namin at isang linggo pa naman kami dito kaya ok na yon.
Natulog ako after kong marinig iyong sinabi ni Ben sa kausap niya sa selpon. Siguro jowa niya yung tumawag. Kamusta kaya sila? Masaya ba sila o ano?
Napapangiti ulit ako ng sarkastiko, "Wag kang magpapaniwala sa sinabi nan, gwapo lang 'yon pero manloloko 'yan." sabi ko na animo'y kinakausap ang nobya niya o kung sino man ang kausap niya sa telepono. Mag-isa lang ako sa kwarto dahil umalis si Nicelle.
Maya-maya'y may kumatok. Napabalikwas ako at patakbong pinuntahan ang pinto. Ngunit ganon nalang ang gulat ko nang si Ben ang tumambad sa'kin.
"What?" tanong ko, hindi ko maiwasan ang tono nang pagtataray.
"Tawag ka ni Nicelle." deretso na sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. nasabi niya na 'di ba? Ano pang tinatayo-tayo niya d'yan? Pwede na siyang umalis kamo.
"Ge, bye." saka sinarado ang pinto. Wala akong pake kung mauntog man siya o ano. Kasalanan niya na 'yon. 'Di siya umilag e.
Inayos ko ang sarili para hindi naman ako mukhang bruha pag lumabas. Naghilamos ako tas nag toothbrush den. Natulog ako kaya 'di ko alam kung ok pa ba hininga ko, mabuti na sigurado para gamot ay laging bago. Choz.
Pagkabukas ko ng pinto nagulat akong muli nang nandon pa rin si Ben. Nakasandal siya sa pader habang nagse-cellphone. Tinaasan ko siya ng kilay, "Saan siya?" tanong ko, nakalimutan ko pala itanong.
"Hatid kita." nagulat ako.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Layo ng sagot, Tinatanong ko lang kung nasan siya, wala kong pake kung ihatid mo ko, may paa ako." hindi ko mean iyong sinabi ko. Badtrip lang talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
Napa-smirk siya. "Alam mo ba pasikot sikot dito?" nagsusungit na rin na sabi niya. Napaisip ako, oo nga 'no. Hindi ko nga pala alam kung ano pasikot-sikot dito! Si Nicelle lang pala at siya ang nakakaalam.
Tinaasan ko siya ng kilay nang makakuha ako ng isasagot, "Oh eh bakit? Para san pa ang cellphone kung hindi din pala gagamitin di ba? Pede ko siyang tawagan, tignan mo." saka ko kinuha ang cellphone ko at nag-dial.
Nagring ang cellphone ko at hinihintay nalang ang sagot niya. Ngunit nagulat ako nang may tumunog sa loob ng kwarto. Pumasok ako at pumunta sa ibabaw nang maliit na drawer. Shit! Nandito ang cellphone niya! Bakit niya iniwan?!?! Pakyu siya.
"So..." pagsasalita ng hayop. Ngayon lang ako na-inform na may nagsasalita palang aso? Nyeta.
"Sopas, tabi!" binangga ko siya saka nagderetso sa hagdanan. Padabog akong bumaba at naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin,
"Wait for me," narinig ko na sabi niya, oo na! Hihintayin ko na siya hindi dahil gusto ko ha! Hindi ko lang talaga alam ang pupuntahan! Kung alam ko lang eh di sana tumakbo na 'ko! Ayoko din siyang makita e. Buset kasi sama-sama pa, pwede kaya manloloko sa Laguna De Bay? Inquire ko siya kamo baka pwede kong lunurin doon e.
"Saan ba kasi?!" asik ko, nasa harap ko na siya at ang lapit-lapit niya sa'kin, ako na ang nag-adjust! Lumayo nalang ako.
"Sa labas.." tipid na aniya. Saang labas?! Madaming labas ha! sa labas ng cr, lobby, elevator, labas ng garden pati yung main door!
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#1: Benedict Ruiz
RomanceWeilyn Vermido is being bittered because of her Ex Boyfriend Benedict Ruiz that she saw kissing someone's girl in the lobby of his condo. She avoided him and after 1 year someone rang her phone because Nicelle(her college bestfriend) called. Wein a...