Wein
Kapag napapatingin si Nicelle sa rear mirror, sinasamaan ko talaga siya ng tingin. Huta siya, napakabully niya. Pasalamat siya wala siyang ex kung hindi bubully-hin ko din yan!
Hindi ako makagalaw ng ayos dahil nga katabi ko si Ben. Nung si Wilcon kasi ang kalapit ko, nagagawa ko ang gusto ko kanina. Ngayon parang tanga akong naka-steady nalang at takot na takot gumalaw.
"We're at Lumban na.. Look ohh, kita Laguna de Bay. Lahat yan 'yon as in!" sabi ni Nicelle habang nagmamaneho. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko. Oo nga, napakaganda at nakakarelax ang tanawin dito. Shet gusto ko na tuloy munang bumaba para magselfie! Kaso highway kasi 'to at wala masyadong spot para sa selfie-han.

Kung sa Kaliwang bahagi makikita mo ang Laguna de bay. Sa kanan naman ay wala lang, katawan lang ng bundok. Katakot nga e kasi andami kong nakikitang mga 'Caution.. Landslide area.' naglalandslide ba talaga dito?
Maya-maya'y natanaw ko naman ang isang napakalaking tubo! As in napakadambuhala! Sa kanang bahagi yon, nakadikit ito sa katawan ng bundok! Natakot tuloy ako dahil napakalaki niya talaga! Blue green ang kulay tapos sa gilid non may mga tubig na nalalaglag. Patungo siguro iyon sa Laguna de Bay na nasa kaliwang bahagi namin.

"Hutek ang saya.. San nga to??" tanong ni Celon. Tulog ang nobyo niya kaya nakatingin nalang siya sa bintana at wala nang malandi."Yung nakita niyong malaking tubo, hmm I think sa Kalayaan na 'yon shet malapit na pala tayo sa Paete!!!" sigaw niya. Nagulat naman ako. Sa wakas!! 3hrs din ang byahe ha!
"Yeyks! Ahm may kainan ba ulit tayong madadaanan? Gutom na ulit me." sabi naman ni Wilcon na nasa katabi ni Nicelle. Habang ako ay nananahimik nalang at nakikinig sa usapan nila.
"Oo pero sa Paete na. May lugawan roon! Puntahan natin.." excited na sabi naman ni Nicelle. Naexite din tuloy ako. Kahit hayop tong katabi ko, masaya pa rin naman..
Maya maya'y nagpagas si Nicelle. Bumaba muna ko saglit dahil hindi ko na kaya ang atmosphere. Ayoko roon sa tabi niya.. Oo't mabango pero..! Ang awkward noh!
Pero bakit ako ang nakakafeel non? Eh siya ang nagloko Wein siya! Hindi ikaw! Dapat nga siya ang mahiya e, tabi tabi pa siya sa'kin kala naman close kami.
Hindi no!
"Shet Wein, ayan ba yung sa pic?" nagulat ako ng magsalita si Wilcon sa tabi ko. Katabi ko pala to! Nakatayo lang kami sa labas habang nagpapagasolina sila, si Celon ay as usual nag ccr nanaman.
"Alen?" nagtataka kong sabi.
"Ayan! Yung sign! Welcome to Paet-hala!!! Yan nga!! Tignan mo yung Statue oh! Shet lamig rin pala rito, dami kasi puno e." napatingin ako sa tinuro niya. Oo nga! Yun nga yon. Yung tarangkahan na dilaw na may dalawang daan. Yung isa sa kanan yung isa sa kaliwa. May estatwa pa sa gitna, pang pulis o heneral ang suot. Di ko sure!
Pero ang lamig talaga promise. "Anong oras na?" tanong ko sakanya, tutal may hawak naman na siya na cellphone, nagtanong na ko.
"8:37am. Pero wao ha, ang lamig talaga. Hindi naman siya kasing lamig tulad sa Baguio pero hindi naman ganito kalamig sa Manila! Jusko ang inet don no! Tapos wala ka pang makikitang bundok tulad nito. Ayon oh.. Kita mo yon? Bundok yan.. Napakalapit di ba? Tss.. " asik niya. Oras lang naman ang tinanong ko pero ang dami nang sinabi. Unli to ah.
"Sakay na ulet.. Ayan na yung pinakita ko senyo oh!" sigaw ni Nicelle.. Nakasilip siya sa bintana nang driver seat. Sigaw ng sigaw! Napatingin tuloy sa'min iyong mga gasoline boy. Nakatungo tuloy kaming naglakad.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#1: Benedict Ruiz
RomanceWeilyn Vermido is being bittered because of her Ex Boyfriend Benedict Ruiz that she saw kissing someone's girl in the lobby of his condo. She avoided him and after 1 year someone rang her phone because Nicelle(her college bestfriend) called. Wein a...