XX

175 8 16
                                    

parang ayokong tignan yung panyo, parang ayong hawakan yung panyo, parang ayokong gamitin yung panyo, yung panyong pag mamay ari ng taong mahal ko na ngayon dahilan na ng pag agos ng luha ko.

napa upo na lang ako sa bench sa gilid ng tindahan habang nag papahinga at umiinom ng tubig, sabay tingin sa malayo... tulala,

di ko namalayan na meron palang isang babae na nakatingin sakin,
naalala ko yung time na nag aaral pa ko, grade 10 ako nung time na yun nung nakilala ko si khloe de guzman, sya yung babaeng grabe maka tingin habang nag te-training ako noon sa varsity.
oo nga si khloe nga, nag te-training kami nun tas mararamdaman ko nalang na may naka titig sakin pag tingin ko isang g6 student, yung lintik maka tingin na kala mo mangangain.

naalala ko si khloe the way na pag titig sakin nung babae mula sa malayo, yung tingin na parang kilala ka nya habang sya naman ay minumukhaan mo palang.

tumayo ako sa upuan para ayusin yung damit ko, "kuya renz?" isang malalim na boses ng babae na kung tutuusin ay mas lalaki pa sa boses ko, pag lingon ko nakita kong malapit na sakin yung babaeng naka titig sakin sa malayo, "yes? do i know you?" sagot ko dun sa babae, "ikaw po ba si kuya renz? yung player ng basketball dati?" tanong nya, "oo ako nga bakit? kilala ba kita? taga saang school ka ba?" normal na kasing madaming nakaka kilala sayo pag varsity player ka ng ibang school, yung tipong chine cheer ka nila ket kalaban nyo yung school nila, miss that feeling tho. "kuya renz si khloe to remember?!" nagulat ako ng magpakilala sya and hindi ko ineexpect na magkikita kami sa ganoong sitwasyon, yung broken ka tas bigla mong ma me meet yung dating pinag aminan mo ng feelings mo?

pangit ng timing ng muli naming pagkikita ni khloe, sa mga hindi nakaka alam may feelings ako kay khloe before, sadyang hindi lang talaga natuloy kasi nga ambata nya pa nung time na yun, naalala kong christmas vecation noon nung umamin ako sakanya ng nararamdaman ko, tas di ko alam ganun din pala sya sakin, nagkaaminan lang pero di naging kami, nung una kasi naiilang ako tuwing training tas nanjan sya lagi, akala ko may kapatid sya na team mate ko, pero nalaman kong wala pala syang kapatid kaya nagtataka ako bat andun sya sa training namin every after class.

"oo naalala kita, ikaw yan khloe? laki mo na ah, glow up" pabiro kong bati sakanya, dapat hindi nya mapansin ang lungkot na nararamdaman ko saking mukha,

"kuya renz naman palabiro padin hanggang ngayon... btw kamusta bat parang anlayo ng narating mo?" sagot nya naman sakin.

"nag jogging lang ako, di ko alam san na ko napunta hahaha" kaylangan kong magpatawa, kaylangan di nya mapansin.

"mema ko kuya renz, kanina pa kita tinitignan di ko kasi sigurado kung ikaw yung renz na kilala ko dati" sabi nya... kaya pala ganun nalang sya makatitig sakin sa malayo sya pala yung lintik maka titig nung nag aaral pa ko.

hanggang sa nag kwentuhan kami, kung kamusta ang buhay buhay... hanggang sa kaylangan ko ng umiwas, iba na yung nararamdaman ko, nararamdaman ko ulit yung dati, pero hindi dapat sa gantong pagkakataon, tumayo ako sa upuan "khloe mauuna na ko may gagawin pa pala ko, btw salamat sa time" paalam ko sakanya.

"wala yun kuya renz, ikaw pa para namang..."

"ah sige ano nga pala, pano nalang kita makakausap ulit?" pinutol ko na yung sinabi nya ayoko marinig dahil parang alam ko na yung kasunod.

"search mo nalang yung pangalan ko, tas makikita mo akong naka red, chat mo nalang ako" sagot nya sakin bago ako umalis.

" sige ah, ako na bahala hahanapin ko nalang para makapag message ako sayo" paalam ko sakanya... agad akong umalis, at mejo naguluhan. naiilang ba kong kausapin sya o sadyang wrong timing lang ulit ang aming pagkikita?

habang nag kunwaring nag jojogging papalayo, napaisip ako, "bat ganun? ganun ba talaga ko karupok?" tinawanan ko nalang ang aking sarili.

pagka uwi ko ng bahay, nagpahinga, naligo at nahiga, sabay tulala... hindi ko alam kung tama, hindi ko alam kung mali, siguro wala kong pakielam at sarili ko lang ang iniintindi ko, pinapairal ko nanaman yung pagiging attention seeker ko, agad kong kinuha ang phone ko at sinearch ko yung pangalan nya, inistalk ko muna. baka mamaya may boyfriend sya at dapat tayong dumistansya.

nakita ko yung acc nya, agad kong tinignan kung sya nga ba talaga yung khloe na kilala ko, yung time kasi na yun neneg nene pa sya, pero nung nakita at nakausap ko sya kanina parang bigla laki nya,

nakita ko pa yung mga lumang pictures nya, mga picture nya nung time na nag aaral pa kami sa iisang school, tanda ko pa yung uniform nya, (wag nyo na alamin kung bakit) kaka browse ko din nakita ko yung mga pictures ng ibang school kung san kami noon naglalaro, not knowing na nandun pala sya ka kada laro ng school namin.

hindi ko alam kung anong una kong sasabihin, di ko alam kung anong itotopic ko para kausapin sya. hanggang sa naisip kong umpisahan sa pamamagitan ng mga nakita kong pictures nya dun sa school na pinag lalaruan namin ng basketball.

"khloe? si renz to. hirap hanapin ng profile mo andami mo kasing kapangalan. btw inistalk kita at nakita ko yung mga dating pictures, bat parang andun ka sa lahat ng venue na pinag gaganapan nung game?" wala kong maisip kaya ganyan ako nag open ng conversation namin.

after 18hours saka nya inaccept yung friend request ko, at agad syang nagreply sa message ko...
"hala nakakahiya, pati yung mga lumang pictures tinignan mo pa, wala namang nagbago sakin, saka lagi ako nagpupunta sa game pag may laro, kaylangan ko i cheer yung star player ng school."

ang assuming ko lang sa part na akala ko ako yung pinupunta nya every game, pero dahil dun sa sinabi nya na "star player" obvious na hindi ako yon.

"kaya naman pala, napapa sanaol nalang ako eh hahaha"

hanggang sa nag tuloy tuloy ang usapan namin, at di ko namalayan na 3months na pala kaming nag uusap.

to be continued...

The Girl i Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon