VIII

907 22 3
                                    


pagdating ko sa simbahan. parang wala pa sila. lingon sa kanan. lingon sa kaliwa. hinahanap ko sila pero d ko makita.

bigla nalang may tumawag sakin

"flor!"
sigaw ng mama nya.

"ma renz nalang po,  masyado namang makaluma ung flor. hahaha"
tuwang tuwa si nina kapag tinatawag ako ng parents nyang flor.

"aba nauna ka pa samin ah"
sabi naman ng papa nya

"ganyan talaga dhie pag pursigido ung tao. eh diba kung natatandaan mo ganyan ka din noon?"
sagot ng mama nya na para bang nang aasar

"mhie naman..."
wala ng masabi ang papa nya. aminado naman ito na totoo ang sinasabi ng kanyang asawa...

habang nasa misa at kinakanta ang "ama namin" magkatabi kami ni nina na magkahawak ng kamay. pansin kong panay tingin ang papa nya samin. para sakin blessing na un. ang makasama ang buong pamilya ng babae sa isang misa.

buong maghapon ng linggo nasa kanila ako. dahil may pasok kinabukasan kaylangan ko na ding umuwi samin.

"tito, tita mauuna na po ako kasi may trabaho pa po ako bukas. bye nina sa susunod ulit."

"sige po kuya renz. ingat ka"

d maipaliwanag ang saya nung araw na iyon. masasabi ko na masaya ung family nila. kayang mag biro kahit na may ibang tao sa paligid nila. parang masaya sila kasama.

nagtuloy tuloy ang pag daan ng mga araw. minsan sinusundo ko si nina sa school. kahit na tingin ng ibang tao samin ay tito ako ni nina.

d namin pinapansin kung ano ung tingin samin ng ibang tao. basta alam namin sa isat isa at sa pamilya namin kung ano at sino kami para sa isat isa.

pinaka paborito ko nung mga panahon na nag aaral pa cya ay ung pagsama sa kanya sa fieldtrip or other outside school activities.

pag nakaka kuha cya ng mataas na grades. cyempre proud din ako.  hndi ako bad influence sa kanya. tinutulungan ko cya sa lahat ng makakaya ko.

in return siguro mga 2 or 3 times a month kami nalabas. date ganun.
tatawagan ko parents nya. magpapaalam na susunduin ko si nina after school. then lalabas kami.

mga 7 months na din simula nung nanligaw ako kay nina. exam week kaya d ko muna cya iniistorbo. pero ang kulit nya...

"baby kausapin mo naman ako. ikaw inspiration ko diba? bat d moko pinapansin?"

"baby diba sabi ko pag exam week focus lang muna sa studies"

"eh opo. kaso namimiss kita. promise mo after exam week magkikita tayo."

"sige po baby promise."

bilang pag hahanda sa pangakong paglabas namin ni nina. dumaan ako sa isang mall. binilhan ko cya ng regalo. tutal patapos na din naman ang bakasyon. may nakita kasi akong dress na mukhang babagay sa kanya.

kung titignan isang normal na dress lang cya. mejo formal. ung tipong parang nag oopisina ung mag susuot. nina was only 4'11 i guess. ako naman ay 5'8.
binili ko ung dress at niregalo sa kanya pagtapos ng exam.

"baby tapos na exam week. dahil masipag ka mag aral. may gift ako sayo."

"nako nako gumastos ka nanaman. hay nako ka talaga."

"eh wala yan maliit na bagay lang yan. gusto ko lang bigyan ka ng reward dahil sa sipag mo mag aral."

inabot ko sakanya. at dahan dahan nyang binuksan.

"wahhhh baby dress!? ang ganda naman nito. mukhang mamahalin?"

"mas mahal kita. i mean mas bagay yan pag suot mo. sige wala na namang exam bukas labas tayo? san mo ba gustong pumunta?"

The Girl i Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon