XXI

132 5 7
                                    

sa loob ng 3 months masasabi kong okay na ko, happy na ko sa kung anong meron ako at sa kung ano na ko ngayon, dagdag mo pa na meron akong dating kaibigan na nagbalik.

its been 3 months and 10days to be exact. hindi ko maexplain yung nararamdaman ko,
pero ang alam ko masaya ako kay
khloe ngayon.

one saturday morning binati ko sya, "goodmorning"
nauuna kasi ako magising sa kanya.

she replied,
"good morning din"

para sakin matagal na yung 3 months,
3 months since the last time nung nagkita kami ni khloe,
and hindi naman siguro masama kung yayain ko syang lumabas?
naisip kong malaking risk yung plano ko na iyon, pero risk taker ako eh, kaya go lang.

nag plan ako na surpresahin sya, pumunta sa house nya na may dalang gift.
i wanted to pretend na isang rider and leave her no choice but to receive the package.

one day, during lunch tinawag ko yung isang tauhan ko sa work, yung may motor,

"samahan mo ko aalis tayo mamayang 12, may pupuntahan tayo."
syempre wala syang nagawa at nag oo nalang sa sinabi ko.
11:40am umalis kami ng office, dumaan kami ng sa isang bilihan ng cake, at dumaan din kami sa bilihan ng donuts, then tumuloy kami sa bahay nila,

pagdating ko sa bahay nila,
"tao po, tao po, delivery po para kay khloe!"

pag bukas ng pintuan sya ang bumungad sakin, parang tulala na nakangiti,
"hi mam delivery po para kay khloe de guzman"
bungad na bati ko sakanya ng gulat na gulat.

"shutaca"
salitang nabigkas nya pagtapos nyang marealize na ako yung rider na may dala ng delivery.

pinag buksan nya ko ng gate, at nung iaabot ko na yung dala ko biglan bumukas yung pintuan nila, kasunod nyang lumabas yung ate nya.

nagulat din yung ate nya dahil nagtataka sila. sino ang mapapadala ng cake at donuts kay khloe. isang malaking question mark.

nung makita ko ang reaction ng ate nya, agad kong sinabi na "mam delivery po para kay khloe, bayad na po ito irereceive nalang po".

pagka abot ko ay dali dali akong umalis sa gate nila. ayoko ng matanong or mausisa pa ng ate nya kaya agad akong umalis.

habang nasa byahe pabalik ng opisina nagtataka ako natawag si khloe, kinabahan ako.
kabado 3000.

habang nagriring ang telepono ko, iniisip ko na agad,

shemay mukhang napasama yata yung surpresang ginawa ko!.

pakiramdam ko non ay napahamak si khloe sa nagawa ko.

pero wala na nangyari na, sinagot ko ang tawag.

"hello"

"hello, bat ka nagpadala?"

"huh? anong nagpadala?"

"sabi ko bat ka nagpadala?"

bigla nalang akong may narinig sa background, boses ng ate nya na parang binabantayan o dinidiktahan sya.

"ah wala lang, gift lang yon"
gusto ko man isagot na,
anong pinadala? eh ako nga mismo ang nagdala?

"para san to, para san tong pinadala mo?"

halatang halata ko na nandun yung ate nya nagbabantay sa usapan namin.
para di na humaba nag usapan dahil kinakabahan ako habang nakikinig ang ate nya

"mahina signal di kita marinig, nagpuputol putol linya mamaya nalang"

"sige salamat ah..."

narinig ko yung ate nyang bumubulong, sabihin mo iloveyou, sabihin mo iloveyou,

"salamat ah... iloveyou!"

kinabahan ako lalo, para kong hihimatayin habang nakasakay ako ng motor dun sa sinabi nya, alam ko na dinidiktahan sya ng ate nya habang magkausap kami sa call pero yun yung unang beses na narinig ko yung salitang yun na galing sa bibig nya mismo.

"ha? ano di kita marinig! mahina"

pabiro kong sagot sa sinabi nya, gusto ko lang naman marinig mula sakanya ng paulit ulit kahit na malinaw yung narinig ko.

agad kong binaba ang tawag. napangiti kahit may halong kaba, si ate nag papa iiloveyou? bakit? pano? bat alam nya?

pag balik ko ng office, nalaman ko nalang na kinutuban daw si ate na sa "boyfriend" nya galing yung package.

at syempre dahil strict ang parents at relatives nya nandun sa part na pinagbabawalan sya in legal terms.

kinagabihan, nag message sya sakin, "wala na kong nagawa, on the spot napaamin ako kay ate! nakakagulat ka naman kasi bigla ka nalang nasulpot sa tapat ng bahay at nagtatatawag."

"teka teka ano bang nangyari? kwento mo nga muna kung anong nangyari pag alis ko kanina"
sagot ko sakanya, bumalik yung kaba na nararamdaman ko.

"wala eh di ako tinatanan ni ate, tanong ng tanong, paulit ulit na tanong. kanino galing? kaano ano ko? pano nalaman address? huhu andaldal ko talaga"

"bat ano bang sagot mo kay ate?"

"lahat, wala eh no choice na ko, inisip nya na boyfriend kita kaya umoo nalang ako para di na sya magtanong ng magtanong"

nagulat ako sa sinabi nya. tinuloy namin ang pag uusap at naikwento nya lahat,

nagulat nalang ako sa mga nalaman ko,
ako pala yung pinupuntahan nya sa gym,
ako pala yung pinapanood nya,
at ako pala yung star player na tinutukoy nya.

to be continued...

The Girl i Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon