15

5 0 0
                                    

Time flies so fast at hindi ko namalayan na sabado na pala ngayon. Kagaya ng mga nakaraang araw ay ganoon pa rin naman ang naging sistema sa pagitan naming dalawa ni Rejanne. Araw araw pa rin naman niya pinaparamdam sa 'akin na nanliligaw siya. Pansin ko rin naman na hindi niya rin ako minamadali sa magiging sagot ko.

Walang pasok ngayon at nandito lang ako sa loob ng kwarto ko na abala sa panonood ng kdrama. I got bored so fast so I decided to pause the episode and turn off my laptop. Masiyado akong tinatamad na gumawa ng school works kaya naisipan ko na ipagpabukas na lang lahat ang pag gawa noon. 

I heard my phone suddenly ring so I pick it up immediately to answer the call, without even seeing who's the caller was.

''Hello?'' I said in the other line.

''Busy ka ba ngayon?'' 

Napangiti naman kaagad ako ng marinig ko 'yung boses ni Rejanne.

Umiling ako, ''No, why?''

''Labas tayo. Sobrang boring kasi dito sa bahay e. Wala akong magawa.''

''I'm too lazy to go outside. If you want we can hang out here in my house.''

''Ano naman ang gagawin natin diyan sa bahay mo?''

''Fun things.''

He sighed, ''Sige, punta ako diyan. Ligo lang ako.'' 

That was the last thing he said before ending the call.

Bumangon naman ka agad ako sa kama para maligo at makapag ayos. Nang matapos ako maligo ay dali dali naman akong bumaba para sabihin ang maids namin na maghanda ng makakain kasi may paparating akong bisita. Walang tao ngayon sa bahay at ako lang naman ulit dito mag isa kasama ang maids.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko out of frustration. Kanina pa nakarating dito sa bahay si Rejanne at nandito kami ngayon sa sala naglalaro ng uno. Marunong at magaling naman ako nito maglaro. Ang nakakainis lang ay ilang oras na kami dito naglalaro ay ni isa ay hindi pa ako nanalo sa 'kanya!

''Dinadaya mo ko siguro no?!'' inis 'kong asik sa 'kanya.

Napatawa naman ito ng marahan dahil sa sinabi ko, ''Hindi kita dinadaya. Sadyang ang bobo mo lang talaga mag laro.''

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot doon sa huling sinabi niya at nag lapag na lang ng isang plus 4 card para madagdagan 'yung dalawang card na natitira na lang sa 'kanya.

He smirked, ''Sigurado ka na ba diyan sa tira mo? Bibigyan kita ng huling pagkakataon para palitan yang card mo diyan.'' ani nito.

''Sigurado na ko diyan kaya tumira kana.''

Tumango ito, ''Okay.''

At naglapag ng isa pang plus 4 na card dahilan naman para mamula ang mukha ko sa sobrang inis. Inis 'kong tinapon 'yung card sa harapan niya at sumandal sa upuan ng naka krus ang dalawang braso.

''Ayoko na nga! Palagi ka na lang nanalo!'' pagmamaktol ko na parang isang bata.

Tumawa naman ng marahan si Rejanne at tinabihan ako, ''Panong hindi ka mananalo? Mas inuunan mo yang inis mo kaysa sa laro.''

''Hello? Do you think I'm not using my brain? I'm using it kaya!'' pangtatanggol ko sa sarili ko.

''Ginagamit mo ba? Hindi kasi halata e.''

Inis ko naman siyang tiningnan at hinampas ng malakas 'yung braso niya. Ano bang akala niya sa 'akin 'stupid?'. So stupid  enough that don't know how to use my brain. Kinuha ko lahat 'yung card na naka kalat s harap namin at inayos iyon.

Nostalgic StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon