22

4 0 0
                                    

Nagising ako sa dahil sa katok na nanggagaling sa bintana ng kotse ko. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko para tingnan kung sino 'yung kumatok.

Napa ayos ako ng upo ng makita ang isang pulis. Kinusot kusot ko ang mata ko at binuksan ang bintana para kausapin ang pulis. Tumingin tingin ako sa paligid.

Maski kasi ako hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon.

"Miss?" Ani ng pulis na naka kuha ng atensyon ko.

"Y-yes, Mr. Officer?" Bakas pa ang antok sa boses ko habang sinasabi ko ito.

"Alam mo bang naka park ka sa 'no parking area?"

Lumingon ako sa harapan ko. At tama nga si Kuya, naka park ako sa no parking area. Hindi rin sa akin pamilyar 'yung lugar kay medyo nagtataka ako kung anong lugar ito.

Binigyan ako nito ng papel at sinigil ako ng five hundred pesos. Hindi naman na ako umalma pa kasi alam ko naman na ako ang mali, at ginagawa lang naman ng huwarang pulis na to ang trabaho niya.

Aalis na sana ako pero, tinanong ko muna 'yung pulis kung nasaang lugar ako.

"Lasing na lasing ka siguro kagabi no? Ni' hindi mo na alam kung nasaan kana ngayon."

"U-uh, siguro nga p-po."

"Nasa Diversion A ka ngayon. Alam mo naman siguro kung pano maka alis dito?"

Diversion? Pamilyar sakin ang lugar na iyon at ilang beses na rin akong nakapunta dito noong high pa lang ako.

"Maraming salamat po, Mister."

Tumago ito, "Walang anuman. Ingat ka pauwi... At nga pala, ayusin mo yang mata mo baka kapag may batang naka kita sayo niyan ay umiyak sa takot," Narinig ko pa itong tumawa habang naglalakad pa alis.

Bakit ano bang meron sa mata ko? I opened my vanity mirror and was shocked to see my eyes swollen!

Dali dali kung hinanap ang shades ko sa kotse at sinuot ito ng mahanap ko na. Nasobrahan ata ako sa pag iyak kagabi, ang mata ko kaya namaga ng sobra-sobra.

While I was on my way, no where. Nakaramdam ako bigla ng gutom. Kaya naman nagmaneho ako sa pinaka malapit na kainan sa akin.

Habang kumakain dito ay abala din ako sa pag-check ng aking cellphone. Naka ilang tawag at text rin sa akin si Rejanne. Hindi ko na lang iyon binigyan pansin dahil hakat naman ng messages niya ay iisa lang ang laman.

Sobrang sakit pa rin ng nangyari sa akin kagabi. Must be on of the painful nights I ever had. Kung sana sinabi niya lang sana hindi siya okay o kaya naman hindi niya ako nilayuan, sana wala kami ngayong dalawa sa ganitong sitwasyon.

But I can't blame him all by himself. Siguro may mga mali rin ako bilang girlfriend niya na hindi ko napansin. Hindi ko namalayan na tumutunog na pala yung phone ko.

Agad ko naman sinagot yung tawag ng makita kong si Lai ito.

"Hey..." I said.

"Nasaan kana ba? Akala ko ba sinabi na sayo ni Nathalia na ngayon ang alis ko?!"

My eyes widened. Nakalimutan ko na ngayon pala ang alis ni Lai papuntang New York.

I rolled my eyes, "Hindi ka ba diyan makakaalis ng wala ako?" Sabi ko sabay subo nung bacon.

"Alam mo ang bastos mo talagang kausap kahit kailan! Kami na nga yung pinaghintay mo dito mukhanv ikaw pa ang galit diyan!" Galit na sambit nito sa akin.

I chuckled, "I'm just kidding, Lai. I'm on my way there."

When she ended the call I hurriedly eat my breakfast and get out of the resto as fast as I can. Nang maihatid at makapag paalaman na kami ki Lai, niyaya nila akong lahat na kumain sa labas.

Nostalgic StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon