08

131 16 17
                                    

I was startled when I saw Demiel in the kitchen. Nakatalikod siya sa akin and he's busy cooking something. Si Jie naman ay nasa gilid niya at taga-abot ng mga nahiwang gulay at meat, akala mo naman ay assistant ng isang professional chef.

I took out a jar of water from the fridge. Nilapag ko iyon sa mesa at nag-pour sa glass na dala ko. Naramdaman ko ang paglingon ng dalawa sa akin.

"Aga ng cold water, ah." Demi commented. I looked back to him. I smiled as I walk towards them. Sinilip ko ang niluluto niya. Ang bango, nakakabusog na kahit amoy pa lang. Nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko. Awtomatiko ko siyang tinignan ng may masamang tingin. "Hot choco muna. Icy, baka malamigan ang sikmura mo!" He scolded me while his finger was pointing my face.

Naghapag na sila ng breakfast sa mesa. Gumawa pa sila ng kape, hot choco naman ang binigay sa akin ni Demi. Hindi ako umiinom ng kape or kahit gatas dahil acidic ako, and I have lactose intolerance. My body can't produce enough amount of what the body needs to digest lactose-lactase. Lactose is the sugar that we can find on every milk.

"Malapit na akong magsawa sa mukha mo, Demiel." I joked. Mukha niya ang huli kong nakita bago matulog then mukha pa niya ang sumalubong sa akin ngayong umaga!

Sumubo na lang ako ng kanin nang makitang seryoso pa rin ang tingin niya sa akin. Parang hindi ko nga ata siya nakitang kumurap kahit isang beses lang.

"What?" I creased my forehead when he's still staring at me. "I was just kidding you-"

"Huwag kang magsawa sa mukha ko," he chuckled. "Habang buhay mo na 'tong makikita."

Hindi ko napigilan ang tawa ko nang mabuga ni Jie ang kanin sa mukha ni Demi. Mabuti na lang talaga at hindi ko siya katapat ngayon dahil lagot talaga siya kung sa akin niya nabuga 'yon.

Our parents were not around. Bukas kasi ang fiesta sa bayan kaya maaga silang umalis para magtinda. Marami kasi silang suki na maagang namimili ng mga fresh meats kapag mga ganitong araw, para mailuto ng maaga ang mga handa nila para sa fiesta.

Ako sana ang maghuhugas ng mga pinagkainan dahil ako ang naunang natapos, pero nagulat na lang ako nang biglang agawin sa akin ni Demiel ang sponge. He pushed me lightly so he could be standing near the faucet.

"Dress up," he said without even looking at me. I creased my forehead. Why am I going to dress myself up? There's no classes today. Maybe he forgot that it's Saturday.

I just let him wash the dishes. He insisted, anyway.

Pumunta ako sa likod ng bahay para maglaba. Wala namang gaanong maruming damit pero naiinip ako at wala akong magawa kaya naisipan kong maglaba. Tapos ko na rin naman kasi ang part ko sa chapter one ng research paper namin.

"Anong ginagawa mo? Sabi ko magbihis ka, hindi maglaba."

Lumingon ako kay Demiel. Nakakunot pa ang mga kilay niya habang nasa bewang ang dalawang kamay niya. I laughed at his posture. Para siyang nanay na na-stress sa twelve na anak.

"Magpaganda ka hindi maging labadera," Jie commented.

"I'm still beautiful even I'm doing the laundry!" I fired back. So what, if I look like 'labadera'? I'm still gorgeous, nothing and no one could change that.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalaba. Nagulat ako nang nakatayo pa rin doon sa may screen door si Demiel, pinapanood ako. Lumapit siya akin nang makitang patapos na ako. Tinulungan niya akong magsampay ng mga 'yon.

"Ako na, Icy. Magbihis kana," he said while seriously hanging the wet laundry.

I stared at him for a while. Humakbang ako papunta sa harapan niya. "No classes today, Demi," I told him. I was about to laugh when he said something.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon