29

68 6 0
                                    

I opened my eyes and saw a light. Ang liwanag at sinag na sinag ang araw sa akin. Is that really the sun though?

"Am I in heaven now?" I asked myself.

Nakita kong kaagad na lumapit sa akin ang isang lalaki. Nakaputi siya at may ilaw sa kaniyang likuran. May kasama pa siyang ibang mga babae.

Ano ba itong nakikita ko?

Did my prayer got answered already? Inubos ba ng mga insekto roon ang katawan ko?

I like to think that I'm already in heaven but I can still feel my body aching. Mahapdi ang lahat ng parte ng katawan ko, lalo na ang mga paa at kamay ko.

I looked down and checked myself. Pulang-pula ang katawan ko dahil sa mga pantal.

I'm not in heaven yet, because there's no such pain in there.

Should I be happy because I'm still alive and no one touched and raped me there, or will I sulk because my prayers had been rejected?

The only thing I could say is I'm not numb now. Nakakaramdam ako ng sakit, galit at takot.

Saglit akong nawalan ng pandinig at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa paligid. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Nakakarinig ako ng blankong linya na tila ba may sirang karaoke ngayon sa aking tabi.

"Diyos ko po!" narinig ko ang boses ni tatay na nakadungaw sa akin. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon. "Gising na ang anak ko!" Agad siya lumapit sa akin at niyakap ako.

I rubbed my eyes so I could have a clear vision. I'm in the hospital right now. Who brought me here? Paanong may nakakita sa akin doon?

Rinig ko pang bumukas ang pintuan ng kwartong ito.

"Pa, bakit?" aligagang tanong ni Jie.

"Gising na ang kapatid mo. Tawagan mo si mama."

Hinawakan ko ang aking ulo nang maramdaman kong kumikirot 'yon. Hinaplos ko ang aking pisngi at naroon pa rin ang gauze na siyang nagsisilbing pantakip sa sugat ko.

Lumapit sa akin ang naiiyak kong ina. Niyakap niya ako at inalog ang aking braso nang humiwalay siya sa akin.

"Nasaan ba ang cellphone mo at hindi ka sumasagot. Saan mo naiwanan iyon?" tanong ni papa.

Saglit ako natulala at inisip kung saan ko ba iyon huling binitawan. Hindi ko maalalang may cellphone akong dala nang umalis ako sa bahay. Kung dinala ko man iyon ay bakit hindi ko katabi nang mawalan ako ng malay. They will see that beside me if I brought that with me.

"Bakit ba kasi lagi mong sinasabing kaya mo ang lahat, ha?! Pinag-alala mo kaming lahat, ang akala namin ay iiwan mo na kami."

I don't know how dumb I am 'till I realized that I'm still thinking about Demiel. Bakit ba iniisip ko pa rin siya? He didn't even think of me when he left me there! Ni hindi niya inisip na maaari akong pagtangkahan ng kahit na sinong mapapadaan doon. Kung may gusto mang pumatay sa akin ay sigurado akong malaya niyang magagawa iyon nang walang nakakaalam. He took me to a secluded place for pete's sake!

I told him everything that's running inside my mind but did he even listened to me? No, he did not! I told him not to leave me there but did he listened to me? He saw me trembling, he knew that I have mental issues back then, but he didn't hesitate to take me back. Ayos lang naman sa akin kung ipagtabuyan niya ako dahil sa mga kumalat na pictures at videos na iyon. Maiintindihan ko kung makikipaghiwalay siya sa akin nang dahil doon. Sino ba naman ang gugustuhing magkaroon ng girlfriend na may scandal and issues? Babaeng pinagpe-pyestan ang katawan.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon