I saw a girl sitting beside her mom. Dinalhan siya ng pagkain nito para sa recess.
"Uubusin ko na lang po mamayang kauwi ko ng lunch."
Ang cute naman niya magtagalog, kaya lang ay napakalamig ng boses niya.
Ang ganda... Ang ganda niya.
Magmula noon ay hindi ko na siya nakalimutan pa.
I always calligraphy her name starting from the day I knew her name. Hindi ako magaling at bulok na ballpen lang ang gamit ko pero ewan ko ba. Gustong-gusto ko lang talagang sinusulat ang pangalan niya.
Ginugulo ko ang mga teachers para lang ipagtanong siya. At doon ko napagtantong si Isha pala ang kaibigan niya. Ang babaeng mabait, palatawa, palakaibigan at sobrang lambot ng boses.
I did the wrong way on getting her. I used Isha so i could get closer to her. Nasaktan ko ang kaibigan niya, hindi dahil gusto na rin niya ako noon, kung hindi dahil hindi ako naging totoo sa kaniya.
Isha doesn't deserve that at all. Pero grateful pa rin ako dahil naiintindihan niya ang lahat, pero pinapangako ko sa aking sarili na hindi ko na muli pang uulitin iyon.
Hindi na ako muling magiging manggagamit pa.
"Sinasabi ko talaga sa inyo..." I trailed off.
Binatukan ako ni Ziny. "Ano na naman ba 'yan, ha?!"
Kahit kailan talaga... Akala ba niya ay hindi masakit iyon?
"Aray ko naman, ah! Hindi naman masakit, promise!" I said sarcastically.
"Eh, ano ba kasi 'yong sinasabi mo?" tanong ni Isha.
Wala naman si Icy rito kaya hindi naman niya maririnig ang sasabihin ko. Hindi naman siguro abot dito ang tenga ng diyosang 'yon.
"Kakain ako ng tae kapag naging kami ni Icy."
Halos mabuga ni Isha ang juice na iniinom niya. Si Ziny naman ay walang ginawa kung hindi ang gulpihin ako.
"Tirador ng kaibigan!" sigaw niya pa.
Hinimas ko na lamang ang aking braso na kanina ay halos humiwalay sa katawan ko dahil sa lakas ng mga hampas ni Ziny.
"Pero sige... Kapag nangyari 'yan sa panaginip mo, sabihan m agad kami, ah?" si Isha. Tumawa na lang naman ako.
Sa panaginip na nga lamang ba?
I could still remember how I annoy her before. Ewan ko ba, pero annoying someone is my love language yata talaga. Natutuwa ako kapag naiinis siya sa akin. I found her hot whenever she's rolling her eyes at me. Ang ganda niya kahit anong gawin niya...
"Kicy Jynette na punit ang uniform!" tawag ko sa kaniya. Hindi naman punit ang uniform niya. Rhymes lang talaga ang 'Jynette' at 'punit'.
Hindi siya bumaling sa akin. Ang aga-aga kong mang-asar at hindi ito tama, pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito lang ang tanging paraan para mapansin niya ako.
Inakbayan ko siya kaya naman napatigil siya sa paglalakad. She turned to me with those cold stares. Fuck! She's too much. Binuhos ba talaga lahat ni Lord ang kagandahan sa kaniya? Mas maganda pa siya sa mga artistang nakikita ko sa TV!
"Bakit ka nag-iisa? Sabi ko naman sa 'yo ay hindi mo na kailangan mag-isa dahil nandito naman ako." I winked at her, thinking that she'll found it cute.
Siguro kapag siya ang kumindat ay maninigas ako sa kinatatayuan ko.
"What do you need?" she coldly asked.
Ouch! Aray! Pain, sakit, hapdi, kirot!
"Speak in kapampangan nga," hamon ko pa sa kaniya.
Mabuti na lang talaga at mabilis mangalap ng topic ang utak ko. Kung hindi ay sigurado akong hindi ko na makakausap ang pangarap ko.
BINABASA MO ANG
Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓
RomanceVS #1 (No portrayers intended) Icy was known for having a cold personality. Just a simple girl who can sleep without a glimpse of light. Some people had witnessed that she had a cold personality, but not a cold heart. On the other hand, he has Demie...