17

85 9 8
                                    


"Demiel," I called him.

Agad naman siyang lumingon sa akin. Para bang nasa akin ang tingin niya pero hindi mawala-wala sa atensiyon niya ang nilalaro niya.

"You're aware that DHVSU had law school, right?"

He nodded. Daretso pa rin ang tingin niya sa screen phone. Pindot nang pindot ang mga kamay niya. Mukha pa siyang gigil sa ginagawa niya.

His veins were showing up. I reached for his hand and gently touched those visible veins on his arms.

He glanced at me with wide eyes. Natigilan siya sa paglalaro. He blinked thrice before he muttered a word. "B-bakit?"

"Nothing, continue..."

Tumitig ako sa phone niya. I could see him still staring at me through my peripheral vision. He shook his head before he continued.

I was just watching his game. Hindi ko naiintindihan ang mga ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ang mga pinipindot niya. Honestly, I'm not into online games. Hindi ako magaling sa mga gan'yan. But... Maybe I could give it a try. Gusto kong subukan.

He turned off his phone after the game. They won, I know because I heard his phone screamed 'Victory'. Tuwang-tuwang pa silang dalawa ni Jie. As if they won a prize.

"Bakit mo natanong 'yon?"

"Nothing," I replied. He gazed at me as if he's observing me. "Fine," I hissed. Lagi naman akong talo sa kaniya, e. Kahit ayokong sabihin ang isang bagay ay nasasabi ko, dahil sa mga tingin niyang ganiyan. "Why you didn't choose DHVSU instead? I mean... there's a law school there and... the professors were good, as far as I know. Besides, don't you want us to be on the same university?" I bit my lower lip.

Wala namang masamang magtanong 'di ba? Naisip ko lang naman iyon noong isang araw. I just want to share my thoughts with him.

"Ayaw kitang nakikita. Magkaiba tayo ng department pero ewan ko..." He hissed. He let out a low chuckle before he continued. "Distracted ako lagi 'pag nakikita kita."

Really? So what's with my presence? At, kailan pa ako nagsimulang maging distraction?

"So, are you distracted now?"

I'm sitting beside him. Nakikita niya ako. Does that mean he's not comfortable when I'm around? But, why? We're best friends, he should be comfortable with me as much as I am.

"Oo." He chuckled. "Kita mo nga, muntik na kaming matalo kanina."

"So... You're blaming me now?" I raised an eyebrow. Wala naman akong ginagawa, ah. Nanonood lang ako, masama ba 'yon?

"No, syempre hindi."

Tumayo siya sa sofa at saka inabot ang kamay sa akin. Tinitigan ko lang iyon. Saan kami pupunta?

Nagulat ako nang mahina niyang sinampal ang pisngi ko.

"Siopao!" he exclaimed.

Tinawanan niya pa ang reaksiyon ko kaya nainis ako sa kaniya. Tumakbo siya bigla kaya hinabol ko. Yari talaga sa akin ang buhok niya kapag naabutan ko siya. He will be bald after this. I swear! Who the hell is he to call me like that?!

I didn't talk to him the whole day. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya. Imbis na manahimik, mas lalo niya pa akong inaasar.

I was about to sleep when my phone beeped. I extend my arms so I could grab it. I was disturbed just to see his nonsense message. 

From Demi:
Gn, siopao.
'Wag ka sanang mahulog sa kama, baka mapisa pisngi mo.

I was harshly typing through my screen. Lagot talaga siya sa akin kapag nagpakita siya! Hide now, Demi.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon