"Tangina! Gumising ka na nga!"
GOOD MORNING EARTH!
Dahan dahan akong bumangon sa kama at kinusot ang mga mata. Hays, ang lakas talaga ng bunganga ni Tita Freda, walang kupas! Hindi ko na kailangan pa ng alarm clock!
"Hoy Estella! Ang bagal mo kumilos! Late ka na! Nagfifeeling Cinderella ka dyan, may tulo laway ka pa!" Segunda ni Tita. Kinapa ko yung pisngi ko. Shocks! Basa!
Grade 4 palang ako nanirahan na ako kila Tita Freda. Wala akong kapatid. Solong anak ako. Kaso lang, masyadong hard ang tadhana sa akin eh. Bata pa lang ako chinukchak deads na ang parents ko.
Mabuti na lang mabait si Tita Freda. Kasama kong naninirahan sa tahanan, yes tahanan. Hahaha. Okay continue. Kasama kong naninirahan sa tahanan nya ang dalawang pinsan ko. Si Amelia at Anastasia. Kaloka mga pangalan nila, akala mo 1920 pinanganak eh! Buti ako mga 1970s naman ang pangalan.
"ESTELLA ZAMBRANOOO!" Oh shoot. Nagagalit na si Tita Freda. Ang aga-aga, high blood! Ayaw kasi nya ng mabagal kumilos. Tamo, ang aga-aga pa ang daldal na! Ang bunganga, nako!
"Eto na! Tita naman!" At nilambing ko si Tita. Ayun, pangiti-ngiti naman ang matanda. ECHOS!
Para ko na kasing nanay si Tita Freda at para ko namang kapatid sina Amelia. Mabait sila sa akin. Ang swerte ko sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan o minaltrato. Pinag-aaral pa nga ako.
"Oh, eto 100, tipirin mo ha! Wala pang padala ang Tito Samuel mo," sabay abot ng baon ko. Kahit kailan talaga si Tito Samuel! Delay magpadala, pero malaki. Boom hayahay!
Kaya sa private school kami nag-aaral, sa Charleston University. Diba ang ganda ng pangalan?! Pangrich kid!
1st year college na ako. I'm currently taking Accountancy. Naks! Mayaman in the making.
Kumain na kaming apat ng agahan at nagmadali nang mag-ayos. Nagpaalam na kami nila Amelia kay Tita Freda. Nagkahiwalay na lang kaming tatlo sa campus. Parehas sila ng course na kinuha eh, Tourism. Pangchix.
Chix naman ang kambal na yun. Oo, promise! Kulot na hanggang bewang ang buhok nila, maputi, maganda. Parang bugaw lang eh no? Kunin nyo na! Bente isa! Joke lang. Baka mahataw ako ng tambo ni Tita Freda. Hehehe.
And shocks. All of a sudden nagslow motion ang lahat. *Insert James Reid and Nadine Lustre's song here* Naniniwala na ako sa forever, magmula nung nakilala kita ♬
Nakapokus sa akin ang screen, okay? Nililipad ang maganda kong buhok. Gosh. Napakagwapo nya talaga! Bagay kami!
"MS. ZAMBRANO!" Patay na.
*
"Sir sorry na! Choga naman eh!" Kakatulala ko kay Hermes dela Vega, ang forever ko, nabunggo ako ni Sir Constantino. Quota na talaga ako sa panot na 'to! Kundi lang ako nagpapagood shot nako!
"Ms. Zambrano, hindi na tolerable ang mga kinikilos mo! Aba, first year ka pa lang gusto mo na bang mapatalsik sa Charleston?!" Naman kasi eh! Sermon pa! Sya yung tatanga-tangang nakabunggo sa akin, natapunan na nga ako ng coke, ako pa ang mali? Aba unfair!
"Sorry na kasi sir." Ang bait ko talaga. Pero gusto ko na talagang pitsarahan itong panotski na mukhang minion!
"Okay...sige na. Pero you need to work with Mr. dela Vega. Pasaway din yun eh!" I know right! Kaya nga bagay kami eh!
"Nako sir thank you po!!!" Niyugyog ko si Panot. Tiningnan nya ako ng masama at agad ko syang binitawan. "Eh hehe, sir...hehe sorry po. Ano po ba yun?"
Inayos nito ang kwelyo nya. Tss. Kala mo naman nagulo. Arte. "You'll work with Mr. dela Vega for two weeks. Two weeks lang! Kailangan magsubmit kayo ng thesis about Respecting Teachers. Yung maganda! 15 pages, Arial, 10!"
"15 pages?! Arial 10?! Sir naman!" Bwisit naman 'tong si panot!
"Ayaw mo? Gusto mo bang mapatawag ang parents mo?!" Syet!
"Oo na Sir!" Sagot ko. Mahirap na baka ipatawag pa si Tita Freda. Baka yung 100 kong baon maging 50 na lang!
"Okay. Lumabas ka na. Umattend ka na sa class mo."
Umalis na ako sa faculty ni panot. Kainis!
"Ikaw ba ang partner ko sa thesis?"
Napalingon ako sa gilid. Omg! Si Hermes! Waaaah! Blessing in disguise si panot!
*
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Teen Fiction"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story