Ang aga kong pumasok ngayon. Nauna pa ako kila Amelia. Hindi na kasi ako mapakali.
Gusto ko na syang makita.
Simula noong eksena namin ni Hermes sa TeangYna, iba na ang pakiramdam ko. Iba na rin ang lahat. Sabi nga sa kanta ni Taylor Swift at Ed Sheeran, Everything has Changed.
Totoo! Nagbago na nga. Pero gusto ko yung mga pagbabago. Ang sayang isipin na dati, yung crush mo tinitingnan mo lang sa malayo. Pero ngayon, sya pa ang mismong lumalapit. Pinakilala pa ako sa mga kaibigan. Sobrang thankful talaga ako kay Sir Panot. Kung hindi nya ako binuwisit noong araw na yun, walang thesis. Wala ring EsMes. Yes, may sarili na akong love team. Kaloka. Tatalunin namin ang Kathniel.
Pagpasok ko sa Charleston, nagulat ako. Walang tao! Syet! Sobrang aga ko ba? Chineck ko ang date. May pasok naman? Bakit walang tao?
Biglang may tumunog. Paksyet, minumulto ba ako?!
♬ Because you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble ♬
Kakaibang multo ito. Groovy ang mga tugtugin!
"Kuya! Hindi yan! Tsk!" May narinig ako. Teka? Saan galing yun? Biglang nag-iba yung tunog.
♬
Yeah you!
Yeah you!I used to wanna be
Living like there's only me
But now I spend my time
Thinking 'bout a way to get you off my mind
(Yeah you!)Pagkatapos ay may bumukas na ilaw. Actually nakatapat lang sya sa akin. It's a spotlight! Kitang-kita mo kasi medyo madilim pa. Like, what I said, maaga nga kasi akong pumasok.
I used to be so tough
Never really gave enough
And then you caught my eye
Giving me the feeling of a lightning strike
(Yeah you!)Natutuwa naman ako sa beat ng kanta. Ang cutie. Then suddenly, bumukas naman yung parang billboard na TV ng Charleston. Ewan ko kung anong tawag dito. Basta ito yung makikita mo sa mga edsa etc, yung mga endorsements. Ang sosyal talaga ng Charleston!
Nagflash doon ang mga pictures namin ni Hermes. Kadalasan ay stolen. Meron noong pinahawak nya sa akin ang.....
Pisngi nya. Hays. Ang green nyo talaga!
Look at me now, I'm falling
I can't even talk, still stuttering
This ground of mine keeps shaking
Oh oh oh, now!Shoot. Parang lumabas yung puso ko sa rib cage ko. Paanong hindi?! Si Hermes! He suddenly appeared at may spotlight din sya. He was holding a boquet of red roses at nakatayo sya ng mga 2 metro mula sa akin. Naka-3/4 syang kulay blue at jeans. Ghad. Noong nagsabog siguro si Lord ng kasexyhan at kagwapuhan, si Hermes lang ang gising!
All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to youDahan-dahan syang lumalapit sa akin. Shems, hindi ko alam kung anong gagawin ko! Nakakarining na ako ng mga hiyawan. Syet, may tao? Nasaan sila? Si Hermes lang kasi ang nakikita ko dahil nga sa spotlight.
Pakiramdam ko sumisirko ang puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit may bulaklak, may kanta, may hiyawan, may pag-AYIIIEE, may kung anu-ano. Ang alam ko lang ay malapit na syang makalapit sa akin at nakangiti sya at parang sasabog na lahat ng pwedeng sumabog sa akin, ang matres ko, utak ko, ang pimples ko, ang puso ko.
"Everybody's tryna be a billionaire, but every time I look at you I just don't care. 'Cause all I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah, is somebody to you," malakas ang music ngunit boses nya lang ang narinig ko. Nakatayo sa harapan ko si Hermes, iniabot nya ang bulaklak at kinanta ang mga linyang iyon.
Humina ng konti ang tugtog at may nag-abot ng microphone kay Hermes. Ngayon, mas lumakas ang hiyawan. Habang ako, pakiramdam ko naestatwa na ako. Hindi ko alam kung anong itsura ko. Mukha kaya akong tanga rito? Sana hindi.
"Estella." Panimula ni Hermes na nagsasalita sa microphone. Mas malakas na ang boses nya ngayon, sapat na para marining ng invisible crowd na hindi ko talaga makita. Bakit ba kasi ang tagal lumiwanag. Ang lakas makaexposure ng buwan ngayon ha.
"We started not so good. Aaminin ko irita talaga ako sayo," at tumawa sya ng bahagya, ganoon din ang crowd. "Pero, alam mo, may kakaiba sayo. There's something about you that I truly crave for." Crave? Ano ako pagkain? Hmp. Sabi na noon nya pa ako pinagnanasahan.
"Estella. I wanna be somebody to you." At parang cue ang sinabi nya para lalong humiyaw ang mga tao. Wala na. Tuluyan ng nalaglag ang puso ko.
Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo at sinadyang magpause ng lahat ng bagay. Ang alam ko lang, gusto nya ako.
Hindi, mahal nya ako.
Mahal nya rin ako.
Wala na talaga akong pakialam kung mas maganda sila Amelia sa akin. Kung mas maputi sila, mas sexy, mas gustuhin.
Basta mahal ako ni Hermes. Tapos ang usapan.
"Will you be my date?" Syet. Ako nga. Ako nga ang babaeng aayain nya sa acquaintance party.
"Y-yes." Puta, nangangatog ako. Parang nakasaksi ako ng miracle. Biruin mo, yung crush mo dati, mahal ka na! At inaaya ka pa sa isang date. Ako na talaga!!!
Niyakap nya ako tapos nagliwanag lahat. Nakita ko yung mga taong hiyaw ng hiyaw at panay ayiiie kanina. Ang dami nila! Parang lahat yata ng estudyante ay nandoon. At nahagip ng mga mata ko sila Amelia at Anastasia na nakangiti sa akin.
Sa kabilang banda ay nakita ko ang mga kabarkada ni Hermes, sila Asher. Maya-maya pa ay lumapit sila sa akin. Panay fist bump silang magkakabarkada, para bang sinasabing, Success!
Pero si Zeus, nakatingin lang sya sa akin. Bigla akong kinabahan ng magkatinginan sila ni Hermes. Naging seryoso ang mukha ni Hermes. Habang si Zeus? Matalim ang tingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33722626-288-k849803.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Novela Juvenil"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story