"What are you doing Zeus?"
Kinakabahan ako ngayon. Kakaiba ang tensyon. Wala mang nakakapansin, ako, damang-dama ko.
"What the fuck is wrong with you huh?!" Lumapit si Asher kay Zeus at dinuro-duro ito. Nakikita ko ang pamumuo ng galit sa mga mata ni Zeus.
"What the fuck is wrong with me? What the fuck is wrong with you?!" Galit na galit na sabi ni Zeus.
"Eh putangina ka pala eh!" Biglang sinapak ni Asher si Zeus. Doon na naagaw ang atensyon ng crowd. Lahat ay nakatuon ngayon sa amin. Habang ako, parang naglue ang mga paa ko sa lupa. Hindi lang basta glue, mighty bond at bulldog super glue.
Saktong nagdatingan ang ibang mga kabarkada ni Hermes. Sila James, Max at Ethan.
"Dude ano bang nangyayari dito?" Bungad ni Ethan. Galit na galit si Asher habang bumabangon naman si Zeus mula sa pagkakabagsak dahil sa impact ng suntok sa kanya. Nagpunas sya ng dugo sa labi sabay bawi ng suntok sa mukha ni Asher.
"Woah dudes! Stop it!" Awat ni Max noong akmang babawi pa si Asher kay Zeus.
"Tanginamo! Nagkakaganyan ka dahil sa pustahan natin?!" Galit na usal ni Asher. "Gago! Hindi ako kasali sa inyo! Mga putangina kayo! Lahat na lang akala nyo laro!"
Pilit na inaawat nila Ethan, Max at James ang dalawa. Ako? Tulala. Hindi ko alam kung ano...hindi mag sink in sa akin.
Pustahan? Laro?
"God." Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Hermes.
"Hermes! Awatin mo nga itong dalawa!" Parang batang nagsusumbong si James. Akmang lalapit si Hermes kay Zeus ng madapo ang paningin nya sa akin.
"E-Estella, kanina ka pa ba nandito?" Nauutal nitong sabi. Para syang nakakita ng multo.
"Hey, Hermes. She saw it all. Might as well tell her the truth," tila nang-uuyam na sabi ni Asher. Hermes look tensed. Kita ko ang taranta sa mga mata nya.
"Oh. Hindi mo kaya? Ako na lang," at tiningnan ako ni Asher. Nginisihan nya ako.
"Putangina ka Asher! Tigilan mo sya!" Sigaw ni Zeus. Pero parang walang narinig si Asher.
"Okay Ms. Zambrano. Do you wanna know the truth? Well, I'm gonna give you the truth," at tumawa sya ng bahagya. "Hermes," at itinuro nya si Hermes na ngayon ay nakatitig sa akin na puno ng pangamba ang mukha. "He tricked you. And you fell with the trick. Huh! He's so good right?"
Trick? Niloko nya ako?
"Yeah. Ginago ka lang namin, Estella! We fucking made you believe that everything is working like a fairy tale!"
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Tiningnan ko ang paligid. Everyone's looking intently at me. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig nila.
"Pinagpustahan ka namin! If you don't get it! For fifty thousand pesos, Hermes agreed to make you fall in love and leave you hanging after!"
Ito na. Naglandas na ang luha sa pisngi ko. Parang nanliit ako. Hindi ko alam kung bakit parang nasaksak ako sa puso.
Tumingin ako kay Hermes.
"Totoo ba?" Mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko napulot ang boses na iyon. Ang sakit-sakit. Parang nawalan ako ng puso. Umiwas ng tingin si Hermes.
Zeus looked at me with so much pain. Ito ba? Ito ba ang dahilan ng pagpapalayo nya sa akin kay Hermes?
Bakit hindi ako sumunod? Bakit hindi ako nakinig? Bakit ako naniwala agad? Bakit ko hinayaang mahulog ako kay Hermes sa maikling panahon?
Bakit ako.....naging tanga.
Hinawakan ni Zeus ang kanang kamay ko at hinila ako paalis sa lugar na iyon. Sumama ako. Wala akong pakialam kung makaladkad ako. Kung mabundol ako ng sasakyan ngayon, wala akong pakialam.
Ang sakit-sakit. Para akong dinurog sa milyong piraso.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Teen Fiction"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story