"So, thesis about asdfghjklzxcvb," Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Basta alam ko kinikilig ako ng bongga! Ang gwapo talaga ni Hermes!
Nasa isang coffee shop kami ngayon. Sabi ni Hermes, dito raw namin pag-usapan yung pinapagawa ni panot. Pero alam kong nagpapalusot lang sya. If I know, gusto nya lang akong makasama. You know, date.
Kinikilig ako!
"Wait. Estella? Are you listening?!" Iritableng tanong ni Hermes. Patay, nabisto yatang pinagpapantasyahan ko ang gwapo nyang mukha!
"Uhm, yes. Sorry, what is it again?" tanging sagot ko. Dapat English din sagot ko para pantay kami.
"If yes, why are you apologizing?" At tumitig sya sa akin. Naglakbay ang paningin ko mula sa mga mata nya na kulay grey, sa mahahaba nyang pilik mata, sa matangos nyang ilong, sa mapula nyang mga labi. Oh lala ang saraf!
"Don't drool over my handsome face," at napalunok ako. Hinawakan ko ang labi ko.
"Wala namang laway eh!" Protesta ko. Napabalikwas sya at tumawa with matching hawi ng buhok. Ang gwapo nya talaga! Para syang greek god. Bagay na bagay sa kanya ang masculine nyang pangalan na Hermes, na Mercury Drug Store-- cheret. Mercury sa Roman. Talino ko diba? Well.
"So ayun nga. Wait. Are you hungry?" Tanong nya. Tumingin ako sa menu ng coffee shop. Syet! Bakit ang mahal? Kape lang tapos 150 na? Eh 6 nga lang yung 3 in 1 eh! Nagpabalik-balik ang tingin ko sa menu at kay Hermes na kanina pa ako tinitingnan. Shems, i'm so kinikilig!
"It's my treat, don't worry," at kumindat si Hermes.
"Talaga?! Nako, sobra naman Hermes," sabay iwas ko ng tingin. Ganito sa mga love stories sa wattpad eh. Tsaka dapat pa-shy type effect!
"Wala pa nga akong binibigay sayo sobra na agad." Nakasimangot na sabi ni Hermes babylove. Wew! Sobra sobrang kilig na kaya! Hihihi!
"Ahm, sige na nga. Isa nung frappe tas capuccino cake, strawberry cake, blue berry cake, yema cake, tapos nung chocolate cake! Tigdadalawang slice ha! Thank you talaga baby," sabi ko. Nakatunganga lang sya na parang nagulat.
"Baby?!"
"Ay Hermes pala! Wala akong sinasabing baby oy! Dream on!" Pakipot effect din dapat.
"Ang takaw mo," bulong nya pero narinig ko. Hindi ko na lang pinansin. At least ililibre nya ako. Hays, first date, first libre. Kailangang maisulat ko 'to sa diary ko.
**
Nasa tapat na kami ng bahay. Well, nasa loob ako ng kotse ni Hermes. Ginabi kami sa pag-uusap sa thesis eme ni panot. Ang sarap ng cakes! Nagpahabol pa ako ng take out kay Hermes para mabigyan ko sila Tita Freda at mga pinsan ko.
"What are you waiting for?" Iritableng tanong ni mahal. Ang sungit naman! Hinihintay ko lang namang pagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya para makababa na ako!
"Di mo ba 'ko pagbubuksan?" Tanong ko. Umirap sya. Wow!
"Ano bang akala mo? We're not acting like some cheesy sweethearts na nababasa mo sa pocketbooks. So please, get off." Aray naman. W-wait! Paano nya nalamang nagbabasa ako ng pocketbooks? Gosh, stalker much Hermes?
"Sunget." At bumaba na ako. "Oy salamat sa libre ha." At ngumiti ako. Pinaharurot nya na ang sasakyan nya. Naiwan ako sa tapat ng gate namin.
"At sino naman yun, Estella Zambrano?"
Patay na.
**
"Tita hindi ko nga kasi yun syota! Magiging palang! Promise!" Sabay taas ko ng kamay na parang nanunumpa. Dyahe naman!
Akala ni Tita Freda ay lumalandi ako, well, basically oo, pero kahit na! May educational purpose pa rin naman eh!
"Pinapag-aral ka namin ng Tito Samuel mo tapos sinasayang mo lang?" May pag iyak na si Tita Freda. Shocks! Kahit kailan talaga ang drama ni tita. Pangarap daw kasi nyang mag-artista kaso puro extra roles nakukuha nya kaya tumatanggi sya. Kaloka.
"Tita naman oh," sabay yakap ko rito. Backhug.
"Wala nga po kasi akong boyfie. Atsaka diba po, magtatapos ako para makabawi ako sa inyo? Para nyo na po akong tunay na anak eh. At parang tunay na nanay ko na kayo. Kaya wag ka na pong umiyak, ha? I love you Tita!" Sabay kiss ko sa pisngi nito.
"Talaga?" Parang bata naman ito si Tita Freda. Pero oy sincere ako okay! Lahat ng sinabi ko true.
"Opo," nginitian ko si Tita. Niyakap nya ako.
Ang sarap ng may nanay. Buti na lang nandito si Tita Freda.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Dla nastolatków"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story