Todo ngiti ako sa harap ng salamin. Ito na. Thiz iz it.
Tiningnan ko nang maigi ang suot kong cocktail dress. Kulay pula na hanggang sa itaas ng tuhod ko. Nakakulot naman ang buhok ko, well, kulot naman talaga 'to. Imbyerna kayo.
IHHH! Jeshke kenekeleg telege eke!
Ilang oras na lang dadaan dito si Hermes para sunduin ako sa acquaintance party eme na yan. Ang lakas nga maka-Js, may padate-date pa. Kung hindi ko nga lang mahal si Hermes, hindi naman ako sasama.
Cheret. Syempre sasama pa rin ako. Maghahanap ng pogi. Ahihihi.
Tama na muna ang kalandian. Basta. Pag tinanong ako ni Hermes kung pwede nya na ba akong maging girlfriend, yes na agad ang sagot ko. Wala ng ligaw-ligaw pa. Ang relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw. Ayon yan kay Bob Ong. Or Marcelo Santos III? Ewan ko. Copycat na lang kasi yan sa internet.
"Amelia! Bilisan nyo nga ni Anastasia! Huli na kayo ang tagal nyo!" Sigaw ni Tita Freda. Ang lakas talaga ng bunganga! Sigurado akong nakalunok sya ng megaphone nung kabataan nya tapos bumara na sa lalamunan nya!
Sakto namang labas nila Amelia mula sa kwarto nila. Parehas silang naka tutu dress. Kulay black yung kay Amelia, at kulay pula rin kay Anastasia. Bagay na bagay sa mapuputi nilang balat. Hays. Ang ganda nila. Sobra.
Pero hindi naman mahalaga iyon. Ang importante, mahalaga. Cheret. Ang importante, ay may nararamdaman si Hermes para sa akin.
Naputol ang pag-iisip ko ng sasabihin kay Hermes once na tanungin nya na ako kung pwede nya akong maging gf.
♬ 'Cause if you want to keep me, you gotta gotta gotta got to love me harder ♬
Iyan ang ringtone ko. Lss na ako, yan rin kasi yung binabasa ko sa wattpad. Ang tagal nga ng update ni followingthemaps.
Oh. Si Hermes babyloves pala ang tumatawag sa akin. Agad ko itong sinagot.
"Hello," bungad ko.
"Estella." Syet. Bakit ang husky ng boses nya? Ang sexy watdapak. Kung ganito ang ibubungad nyang boses eh agad agad ko ng huhubarin itong red kong dress.
"Bakit?" Nilandian ko rin ang boses ko. Hah. Akala mo ikaw lang Hermes? Tutuksuin din kita! Bwahahaha!
"I can't fetch you. May nangyari lang, sorry." Aray. Biglang ganon? Asang-asa pa naman ako. "Okay lang." Sagot ko. Ano pa nga bang masasagot ko? Kahit hindi okay syempre dapat pagood shot effect tayo diba.
"Sorry talaga. I'm gonna miss the chance of being the first to see your beauty," tangina! Ano daw? Bakit naman kasi englishero masyado itong si Hermes! "T-thank you." Tanging sagot ko. Bahala na kung anong sinabi nya!
In-end call ko na ang tawag. Hays! Kainis! Trip ko pa namang magmaganda. Di bale, babawi naman siguro si Hermes sa party.
All he wanna be is somebody to me. Hindi ko makakalimutan yun.
"Estella, sasabay ka ba sa mga pinsan mo?" Tanong ni Tita Freda. Um-oo naman ako. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng kambal. Hmp. Mamaya na nga ako mag-eexplain. Hindi pa kasi alam ni Tita Freda, baka mamaya magalit yun sabihin lumalantod ako at magka-MMK episode dito bigla.
Sumakay na kami sa kotseng inarkila ni Tita Freda. Supportive as always naman yon, lalo na kapag mga ganitong event. Kuripot nga lang, depende sa mood nya.
Bati na nga pala sila ni Tito Samuel. Nagsorry si Tita dahil pinagmumura pala nya si Tito sa txt kaagad noong sagutin sya noong 'babae' raw ni Tito. Buti na lang at mahaba ang pasensya ni Tito at mahal na mahal sya nito.
"Estella, bakit hindi ka nya sinundo?" Tanong sa akin ni Anastasia. Kasalukuyang nasa back seat kami habang si Amelia ay katabi ng driver sa harapan at nakikinig ng music sa cellphone nya.
"Hindi ko alam eh. Pero mukhang emergency naman," ngiti ko rito. Nginitian din nya ako. Ano 'to, ngitian story?
"Alam mo, kinakabahan ako Estella." Seryosong sabi ni Anastasia. Napahawak pa sya sa kaliwang kamay ko. "Bakit naman?"
"Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari ngayon...I don't know what will happen." Sagot nya. Kitang-kita ko ang pangamba sa mga mata nya. At ewan ko ba, sa nakita kong emosyon sa dalawa nyang magagandang mata, parang kinabahan din ako.
Ang lakas nyang makahawa.
Pero ano bang pwedeng masamang mangyari ngayong gabi? Wala. Dahil ngayong gabi ay magsasayaw kami ni Hermes hanggang sa matapos ang party. Hihintayin kong marinig ko na sa kanya mismo ang three magic words; I Love You.
Tumawa ako. Hindi dapat ako nag-iisip o nahahawa ng negativity ng pinsan ko. Walang dapat ikabahala.
"Ano ka ba. Mag-enjoy na lang tayo. Sure ako maraming magsasayaw sa inyo ni Amelia," tukso ko pa. Namula ang cheeks ni Anastasia. Pacute! Ako lang ang cute sa story na 'to! Charot.
**
Finally nandito na rin kami sa Charleston. Hays. Ang ganda-ganda ng school ngayon. Mas maganda, mas class, mas bongga. Mula sa mga tables and chairs hanggang sa lightings, perfect.
Marami ng tao. Pero hinahanap talaga ng mga mata ko si Hermes. Nasaan na kaya iyon? Nandito na kaya sya o nauna na ako?
"Estella, makikijoin lang kami sa tourism students ha. Just call us if you need anything," paalam ni Amelia. Tumango lang ako at segundo lang ay nawala na sila sa paningin ko.
Phew. Ang boring ng party. Naupo ako sa isang bakanteng round table. Nasaan na kaya sila Hermes?
Isa. Dalawa. Tatlong oras. Tatlong oras mula kanina ay walang nagpakitang Hermes o mga greek gods nyang kaibigan. Masaya ang lahat. Nakailang tapos na ng kanta. Habang ako, hindi man lang nakasayaw kahit isa.
Chineck ko ang phone ko. Syet. Bakit wala kahit isang text? Nanginginig ang laman ko sa galit at lungkot. Pero ayoko at hindi ako dapat magalit kay Hermes. Baka may emergency lang.
Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin. Hutangena? Paglingon ko, si Zeus, in his tux. Ang gwapo nya pero wala akong panahon para hangaan sya. Masyado akong pre occupied sa no-show drama ni Hermes.
"Nasaan si Hermes?" Tanong ko. Pinipilit kong kumalma. Ang totoo kasi, ayoko kay Zeus. Palagi nyang pinapakita at pinaparamdam na hindi kami bagay ni Hermes at hindi ko alam kung bakit.
"Estella. Umalis ka na. Hangga't may oras pa. Please." May pagmamaka awa sa tono ng boses nya. Pero hayop sya! Anong karapatan nyang paalisin ako?!
"Ano na namang problema mo?!" Hindi ko napigilan na mapataas ang tono ng pananalita ko. "Sobra ka na! Bakit ba lagi mo akong nilalayo kay Hermes ha?"
Tiningnan nya lang ako. Hinawakan nya ako sa braso at kinaladkad. Walang nakakapansin sa amin dahil lahat sila nag-eenjoy.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya pero mas lalong bumilis ang lakad namin.
"Zeus! What the hell are you doing?" Isang baritonong boses ang nagpahinto kay Zeus. Si Asher.
"Shit." Narinig kong bulong ni Zeus.
Pakiramdam ko, tama si Anastasia. May dapat akong ika-kaba.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Teen Fiction"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story