6 Mahal ko na.

123 4 0
                                    

Ilang araw matapos noong nagkaLQ kami ni Hermes babyloves ko ay nagulat na lang ako dahil biglang famous ako sa Charleston.

And when I say famous, famous talaga!

Paano ba naman kasi, kinaibigan ako bigla ng mga ka-team ni Hermes sa basketball. Sila Zeus, James, Asher, Ethan, Max, at marami pa. Ang bait-bait nila. At paanong hindi pefamous ang lola nyo eh mga greek gods iyong mga iyon at nakapaligid sila sa dyosang nagngangalang Estella!

"What do you wanna eat?" Tanong ni Hermes. EHH! Kinikilig talaga ako kay Hermes! Lately ay sobrang sweet nya at caring. Hindi pa sya umaamin pero feel ko talaga, mahal nya na rin ako!

Well, mahal nya naman talaga ako. Ngayon nya lang pinapakita. Ang torpe nya kasi. Hihihish.

"Ahm, apple juice na lang atsaka lasagna," sabay beautiful eyes ko. Hmp. Todo tingin naman yung mga froglets na kontodo pintura sa face. Nasa table kasi ako ng mga fafa na itech tapos ang ganda ko pa.

"Sige. Wait here. I'll order for you." Sabay ngiti nito. Inasar naman kami ng mga iba pang greek gods. Wee! Bagay talaga kami ni Hermes! I knew it!

Pero ang gara lang. Si Zeus kasi, lagi syang tahimik. Nagseselos ba sya? Ang haba talaga ng hair ko!

Naalala ko, lagi syang umiiwas sa amin (ni Hermes) at laging tahimik. Tapos pinalalayo nya pa ako kay Hermes noon.

Hindi kaya gusto nya rin ako?

Well, masaya sigurong pag-agawan ng dalawang boys. Sana nga. Hahaha! Cheret lang.

**

After naming kumain ay bumalik na sa next class. Wala ako sa focus dahil iniisip ko si babylove. Pag naging kami talaga ipupush kong endearment ang babylove! #TEAMBABYLOVE. Pakitweet po salamat. Kemper eme lang.

After ng klase, sobrang saya ko. Ang boring kasi ng English eme sa college. Ang bobo ko talaga sa English. Bakit kasi hindi na lang puro numbers! Accountacy naman ang course ko eh!

Nasa bench ako kasi tinext ako ni Hermes. Hintayin ko raw sya at malapit nang matapos ang klase nya. Kakain raw kami sa TeangYna.

Magdadate na naman kami! Kailan naman kaya ang first kiss? CHAROT!

"Kanina ka pa dyan?" Napatalon ako sa gulat. Si Hermes. Magrereply pa lang ako nandito na. Yes naman, three points for Hermes, zero for Zeus! Eme!

"Ahm, hindi naman," sabay ngiti ko. Dapat pa-shy type rin kahit minsan. Para maganda yung image ko sa mga readers.

"Tara na?" Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng tenga ko, senyales na namumula ako. Iba talaga ang kilig na nararamdaman ko kay Hermes. Hindi ko naramdaman sa mga crush ko noong high school.

Kakaiba.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Dati, parang hinahabol ng aso, ngayon hinahabol na ng cheetah, ayun, hypertension pala.

Kemper lang. Sobrang bilis ngayon. Parang nagjejelly na ang tuhod ko.

Hindi ko akalaing, sa maikling panahon naiinlove na ako ng sobra kay Hermes. Parang tanga. Malantod ba? Ganon talaga eh. Minsan hindi naman talaga nasusukat sa tagal ng pagkakilala sa isang tao. Basta...nainlove ka na lang. One minute, five minutes, one hour. Nainlove ka na lang bigla.

Inabot ko ang mga kamay nya. Nagwawala ang puso ko.

**

"Malapit na yung acquaintance party, nayaya mo na ba yung babaeng gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ibang babae ba yun o ako. Pero sana ako. Lalo na't binibigyan nya ako ng dahilan para mag-assume.

"H-hindi pa nga eh," sabay iwas nya ng tingin sa akin. Sumisipsip lang ako sa milktea ko.

Sinisilip ko sya. Tapos titingin sya yuyuko ako, yuyuko ako nakatingin sya. Hanggang sa magkatinginan kami.

"Haha, wag ka na kasing magtago eh," natatawang sabi nya sabay agaw ng dalawang kamay ko. Inilapat nya sa mga pisngi nya ang mga palad ko.

Makinis, maputi, mainit.

Wag kang green minded oy. Pisngi nya pa rin ang dinedescribe ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Ganoon rin sya sa akin habang hawak ang mga kamay ko na nakapatong sa pisngi nya. Hindi ko alam, pero heto na naman yung puso kong hinahabol ng cheetah, may paro-paro sa tyan ko, butiki sa lalamunan at kung anu-ano pa. Parang nawala yung mga tao sa paligid at tumigil ang pag-inog ng mundo.

Iba na talaga ang nararamdaman ko. Pero hindi ako natatakot. Dahil alam ko, parehas kami ng gustong sabihin.

Pakiramdam ko, mahal ko na sya. At mahal nya na rin ako.

That Thing Called HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon