It was a rainy afternoon and the Greek gods, Asher, Max, James, Ethan, Zeus and Hermes were chilling in Asher's place.The place was great. Very great. Very masculine. They're supposed to go in a club pero bigla na lang tinamad si Hermes at nagpumilit sa mga kaibigan na huwag nang tumuloy. Pinagbigyan naman sya ng mga kaibigan at nauwi sila sa maBOTEng usapan dahil umiinom sila ngayon.
"Putangina talaga." Inis na saad ni Hermes. Ethan laughed at him. Tiningnan ni Hermes ang lalaki ng masama. Badtrip na nga sya tatawanan pa sya?
"Dude, sorry," natatawa-tawa pa ring sabi ni Ethan habang nakataas ang dalawang kamay na senyales ng pagsuko.
"Bakit ba sobrang badtrip ka?" Tanong ni Zeus sabay inom ng alak. Everyone's anticipating for Hermes' answer.
"Si panot. Nahuli ako na may kahalikan sa Tourism building. Ayun, binigyan ako ng parusa. Tangina." He was referring to Mr. Constantino.
"Sa tourism? Si Amelia ba 'yan pare?" Sabik na sabik na tanong ni Max. Amelia's his crush. Patay na patay si Max kay Amelia.
"It was Sebrina," Hermes answered. Parang nakahinga naman ng maluwag si Max.
"What was the punishment?" Tanong ni James.
"A thesis. A fucking thesis." Tugon ni Hermes na halatang sobrang irita na. Napatawa naman si Asher.
"Putangina, seryoso?" Tumango si Hermes. "Buti nga binigyan ako ng kapartner. Kaso nakakairita eh. Sunod ng sunod! Parang aso," umiiling na saad ni Hermes.
"Hmm, a girl. Maganda ba?" Tanong ni Asher. Tumango si Hermes. "Pinsan nila Amelia. Sexy din."
"Ohh. Anong pangalan?" Parang tangang tanong ni Ethan habang nakangisi. Halatang may iniisip ito. Kalahating playboy at maniac si Ethan.
"Estella Zambrano."
"Makaluma rin ang pangalan ha. Hanep naman 'yang magpipinsan na yan," puna ni James. Kasalukuyang nagtitipa sa phone si Ethan. They're all more than sure na hinahanap na nito ang babae sa facebook.
"Holy shit. Ang sexy puta," parang asong ulol si Ethan na kulang na lang ay maglaway. Lumapit si Asher kay Ethan at napangisi rin ito. Pinasa ni Ethan ang cellphone kay Max hanggang sa makarating kay Zeus.
Paanong hindi hahanga, or should we say, magnanasa ang mga lalaki, eh ang profile picture ni Estella ay ang kuha nya noong summer vacation sa Boracay. Wearing a red two piece revealing her prominent sexy body. Idagdag mo pa ang fact na maganda rin naman talaga ito.
"Jackpot ka Hermes ha," saad ni Asher with his ngiting aso plastered on his handsome bad boy face.
"Hmm. Why don't we make things exciting?" Parang tangang wika ni Asher. Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat, at nangunot ang noo ni Zeus. Kilalang-kilala nito si Asher, sa tono ng pananalita nito, halatang may hinahabing kagaguhan na naman ito sa isip.
Si Zeus ang pinakamatino sa kanila. Yes, he dates a lot of girls at aminado sya, pero mas malinis naman ang kaluluwa nito at mabait. Unlike ni Asher na gago, Ethan na babaero, Max na payaso sa mga kaibigan, James na basagulero at Hermes na thrill seeker, sya ang pinakamatino.
"Ano na namang naiisip mo Asher?" May pagkainis na tanong ni Zeus. Asher gave a smirk. "Make her fall in love with you, Hermes. For fifty thousand pesos."
"I'm in. Pustahan pa oh, pagnapa-fall nya, 15k dagdag sa akin," pahabol ni Ethan. Asher and Ethan had a fistbump.
"Ano Hermes? Deal?" Pagtatanong ni James na tumatawa tawa pa.
"Do you think this is a freaking joke?" Seryosong sabi ni Zeus. He didn't like their games again. They're bunch of losers na walang magawa kundi manggago ng ibang tao. Ngayon, sa isang inosente at wala namang ginagawa sa kanila?
"Wag ka ngang mag-inarte dyan Zeus. As if you're not in it." Asher said irritatedly. Napakuyom ng mga palad si Zeus. Eh putangina mo pala eh! Ayan ang nasa isip nya.
"I'm leaving." At umalis na si Zeus. Ayaw nyang mapatrouble. Hindi sya sasali sa kalokohan nila, hindi sa ganitong klase.
Days passed by at nalaman ni Zeus na pumayag pala si Hermes. Inis na inis sya. Akala nya pa naman nakonsensya man lang ang gago. Mayaman naman ito, aanhin pa nya ang 50k?
Isang araw nakita nyang may kasamang babae si Hermes. Hindi sya nagkakamali. Ito nga iyong Estella! Hermes was playing it cool habang halata namang very smitten ang dalaga sa douchebag. Napailing sya. Alam nyang mananalo si Hermes sa kagaguhan nila.
At kita nya ang kakaibang aura ng babae.
It will be so hurtful once na masaktan ang Estellang iyon. She looked so fragile and innocence is radiating all over its presence. Hindi man nya ito kilala, alam nyang may mabuti itong loob, at hindi nito deserve na lokohin lamang.
Kaya naman noong araw din na iyon ay kinuha nya ang schedule ni Estella. Estella Zambrano, isang accounting student.
Pinuntahan nya ito sa room nito. Napansin nyang kwela ang babae, sinabihan pa sya ng gwapo. Pero hindi naman nya nakalimutan ang pakay. Na palayuin ito kay Hermes.
Hanggang sa uwian ay inabangan nya ito, na nasa guidance pala. Binalaan na naman nya ito.
Pero lumipas ang mga araw, mga linggo at mukhang walang naitulong ang pagbabanta o paalala nya rito. Mas naging malapit ito kay Hermes at sa mga kaibigan nya. Gigil na gigil sya kay Hermes. Napakasweet nito kay Estella. Tarantado! Iyon ang gusto nyang isupalpal sa mukha ni Hermes. Talagang magaling itong um-acting dahil halatang hulog na hulog na ang damdamin ng dilag para sa lalaking iyon.
Kung alam mo lang, Estella.
Pero nanatili syang tahimik. Nag-iisip. Ano ba ang maaari nyang gawin para mailayo sa masaklap na kapalaran ng babae na ito? Paano? Ngayong mahal na yata nito ang kaibigan nyang manloloko?
Isang araw bago ang acquaintance party ay gumawa ng pakulo si Hermes. Ihinayag pa nito sa buong paaralan ang 'pagkagusto' kay Estella at niyaya pa bilang date sa nasabing party. Estella's reaction was priceless. Little did she know, pinagtatawanan na sya ng mga kaibigan ni Hermes. Habang si Hermes, hindi nya maintindihan kung seryoso na ba ito o para pa rin sa 50k ang ginagawa.
Kung mahal nya na rin si Estella, mali pa rin na humantong sya roon mula sa isang panloloko.
Sa gabing pinakahihintay marahil ng dalaga, ay grabe ang kaba ni Zeus. Hindi nya alam kung anong mangyayari.
Will Estella be happy or broken tonight?
Sinubukan nyang ilayo si Estella. Alam nya. Nararamdaman nya. Mali sya ng akala. Itutuloy pa rin ni Hermes ang plano.
He dragged her to leave. Ngunit nang aasar yata ang tadhana at panig ito kila Asher. Inabutan sila ni Asher, at doon naganap ang pinakamalagim at masakit na gabi para kay Estella.
Nalaman nya ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Heartbreak
Teen Fiction"Lahat na lang sila puro "That Thing Called Tadhana". Pero ako? That thing called heartbreak." Witness how heartbreak changed someone's life. a Short Story