4 Ang Banta ni Zeus

121 3 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng maipasa namin kay panot yung thesis. Nagustuhan nya naman, kaso lang, humirit pa ng, "Baka naman si Mr. dela Vega lang ang gumawa nito?" Sarap kutusan eh. Teamwork nga tas sya lang gagawa?

Mas marami syang ginawa, pero ano, basta tumulong ako!

"Estella kanina ka pa nakatulala dyan, may naghahanap sayo oh," sabi ng katabi kong si Jecyl. Vacant kasi namin kaya free kaming magwala sa klase. Pero ako tulala. Hays. Namimiss ko na si Hermes.

Hindi na kasi sya nagparamdam sa akin eh. Hindi ko man lang nakuha number nya. Ang tanga naman Estella, yan nakukuha ng pakipot at shy type effect mo!

"Huh? Sino?" Tanong ko. "Ayun oh! Yung--" naputol ang sasabihin ni Jecyl ng tumili si Jepperson, sya yung pinakamatalino at pinakamaganda sa block namin (sobrang gandang binabae nya, maganda pa sa akin).

"May fafaaaaa!!!" Shoot. Nakaturo sya sa pinto. Sinundan ng mga mata ko ang tinuturo nya at nadako ang mga mata sa mga gwapong nilalang na iniluwa ng pinto.

Si Zeus.

Kaibigan ito ni Hermes. Isa ito sa mga varsity players ng school. Basketball player kasi si Hermes.

Tumayo ako at sumayaw ng Shake It Off.

Eme. Tumayo lang talaga ako at lumapit sa pinto.

"Beket ke nendete Zeush? Ahihihish!" Sebe ke. Ehehe kenekeleg eke.

"Bakit ganyan ka magsalita?" May pagtatakang sagot ni Zeus. Eng gwepe me keshe, ansharaf!

"Wala. Ang gwapo mo kasi," sabi ko. Yun! Okay na ang dila ko. Pumipilipit kasi kapag may gwapo eh.

"Oh. Hehehe. Ikaw si Estella diba?" Tanong nya. Tumango ako.

"Estella, hindi ko alam kung maniniwala ka, pero, basta. Layuan mo na si Hermes." Seryosong sabi nito. Kaloka! Layuan eh ako nga ang nilalayuan! Miss na miss ko na nga eh.

"Basta. Layuan mo na sya hangga't maaga pa." At umalis na agad si Zeus. Ay ang bestes nemen. Kenekeesep ke pe eh.

Ipinagwalang bahala ko na lang si Zeus. Baka may pinagdadaanan lang o nautusan na i-prank ako.

**

Tahimik akong nakasalampak sa library. Inaantok na talaga ako kaya dito ako pumunta. Heaven. Naka aircon tapos tahimik. Boom tulog!

Napapasarap na ang tulog ko ng may kumalabit sa akin. Hmp! Epal naman. Hindi ko na nga pinansin. Balik sa dreamland. La la la ~

May nangalabit na naman! Isa pa talaga tatampalin ko 'to sa mukha! Kalmahan!

At. Boom. Kinalabit ako. Tinampal ko nga. Agad akong napatutop ng nakita ko si Ms. Tighung (Tigang), ang librarian namin na halos umusok na ang ilong sa galit. Patay.

**

"Ms. Zambrano, bakit mo iyon ginawa kay Ms. Tighung?" Tanong ng guidance counselor namin. Pero hindi talaga sya guidance counselor. Estudyante rin sya pero naka assign sya sa mga ganitong kaso. Basta ganon dito sa Charleston. Wag na kayong magtanong, di naman kayo mag-aaral dito. DI.NYO.AFFORD. Hahaha echos lang.

"Crimson, akala ko ksi estudyante sya," walang gana kong sagot kay Crimson, ang mistisong hilaw na kilala na ako dahil suki na ako rito.

"Haaay. Kailan ka ba mawawala sa mga ganitong kaso? Pasaway ka talaga!" Pangaral nya sa akin. Sumalampak na lang ako sa desk nya at natulog. Hmff.

**

5:30 pm na ng magising ako at wala ng tao dito sa confrontation room. Pupungas-pungas akong tumayo at inihanda ang gamit ko. Hays, 3 klase ang hindi ko naattend-an. Ang sipag ko naman.

Paglabas ko sa kwartong iyon, bumalandra sa akin si Zeus, na prenteng nakasandal sa wall. Alangan namang sa lupa. Tch.

"Zeus? Bakit ka nandito?" Tanong ko. Quota na si Zeus sa akin ha!

"Estella, layuan mo si Hermes." Pokerface siya.

"Hindi nya nga ako nilalapitan tas lalayo pa ko? E di wow?!" Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Malayo na ang nalakad ko ng sumigaw si Zeus.

"Layuan mo sya, Estella. Please."

Parang kinabahan ako dun pero kinilig. Eme. Gusto ako ni Zeus! Ayaw nyang maagawan sya ni Fafa Hermes!

Charot lang.

That Thing Called HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon