3 Pake Mo?

134 4 0
                                    

Take me into your loving arms,
Kiss me under the light of a thousand stars ♬

Kasalukuyan kaming nakatayo ng tuwid ni Hermes habang nakalagay ang kanang kamay sa dibdib. Paggalang sa National Anthem.

Cheret lang.

Nasa isang Tea House kami. Tapos yan yung tugtog. Sosyal no? Pati tea may bahay! Cheret ulit.

Nasa Tea House kami ngayon, ang TeangYna Tea house. Ang sarap ng milktea dito. Well, kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami ni Hermes ay dahil sa....

Kami na.

Joke lang. Ulit nga.

Nandito kami kasi nga gumagawa kami ng thesis na ipapasa kay panot. Ayun, tig isang laptop kami, pinahiram nya ako. E di sya na mayaman.

"So far meron na tayong 10 pages. At 3 days na lang ipapasa na 'to. Gosh," pag iinarte ko. Inirapan nya lang ako.

Sa buong two weeks ay lagi kaming magkasama after class. Syempre kinikilig ako. Mas lalo ko nga syang nagustuhan kasi nakilala ko na yung sya, si Hermes dela Vega.

Mayaman sya. Matalino, gwapo. Masungit (minsan), moody, generous (1 week and 4 days nya na akong kargo sa pagkain) at pilyo sya. Sa mga oras na magkasama kami, madalas nya akong gawan ng prank. Tulad ng lalagyan nya ng langaw yung food ko tapos pag nakasubo na ko sasabihin nyang may langaw. Yun ang pinaka extreme so far. Yung iba asar at gulat effect lang.

"Sana matapos na tayo. I wanna prepare for the upcoming acquaintance party," sabi nya sabay dakma ng mojos na binili nya. Ang dami, isang bowl.

"Ano? Akk, ano?" Tanong ko. Di ko mabigkas yung akkweyns na sinabi nya. Tss.

"You're stupid. It's acquaintance." Proud nyang sabi. Inismiran ko lang sya sabay salpak ng mojos sa bunganga ko. Hays ang sarap naman ng bilog na patatas na ito!

"Oo na! Eh ano bang gagawin dun? Excited ka na dahil?" Tanong ko. Ngumisi sya, pero yung ngising pogi. Yung sexy na ngisi.

"I'm gonna ask my girl out," sabi nya. Bumyernes santo naman ang mukha ko. "M-may girlfriend ka na?!" Kandautal pero gulat kong sabi. Badtrip. Fall na fall ako tas may syota!

"No. Silly. Aayain ko yung babaeng gusto ko para maging date ko," prente lang sya habang tumitipa sa keyboard ng laptop.

Sino ba kasi yung gusto nya? Nakakainis naman. Parang nakakatamad na gumawa ng thesis bigla.

May mag-aaya rin kaya sa akin as a date? O wala? Malamang kila Amelia meron kasi maganda sila eh. Eh ako?

Well, maputi ako, chinita, tamang katawan lang, kulot. Pero ewan ko ba. Nalungkot ako bigla. Kung si Amelia at Anastasia ang mga type nito, wala na. Nganga na ako. Mouth open open.

"Sino ba yung babaeng gusto mo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sobrang nacucurious na talaga ako!

"Secret." Tanging sagot ni Hermes. Sana talaga isa lang 'to sa mga prank nya.

**

"Anastasia, aattend ka ba dun sa may akk---basta yung party!" Tanong ko. Nasa kwarto ako ngayon ni Anastasia. Kanina si Amelia ang tinanong ko tungkol dun sa party. At pupunta sya.

"Matagal pa yun ha? Egzoited much?" Eksaheradang sagot ni Anastasia. Ngumisi lang ako. Paltukan ko kaya 'to.

Pero 1 month pa? Ang tagal pa pala. Ang eme naman ni Hermes, napakalantod. Minamadali yung thesis namin para makalandi na.

Sad life. Napasimangot na lang ako. Olats talaga. Wala talaga kaming chance.

"Oh? Pero aattend ka nga?" Tanong ko ulit. Tumango sya. "Bakit mo nga pala natanong?" Follow up keme nya.

"Wala. Sige matutulog na ako. Good night 'Stacia." Pagpapaalam ko rito. Nakalabas na ako ng kwarto ng marinig ko ang sigaw nya.

"It's Stacy!" Ang arte. Stacia gusto ko! Anastasia ang pangalan nya eh, saan huhugutin yung Stacy? Isa pa 'tong si Anastasia, malantod din. Hehehe joke lang. Wag nyo kong isusumbong kay Tita Freda.

**

"Huhuhu! Ang sad naman ng story na 'to!" Saad ko. Nasa tea house na naman kami. 2 days na lang tapos na ang thesis.

2 days na lang magkakalayo na ulit kami ni Hermes.

Makakalimutan kaya nya ako agad? Yes. Kala mo magsyota eh. Ang gaga ko lang.

"If you're helping me, tapos na sana tayo." Masungit na sabi ni Hermes. Ngumuso lang ako. Dadaanin ko sya sa pagpout. Pacute muna.

"Geez, now you're duckfacing! Ugh!" At dumakot sya ng fries sa bowl. Nung isang araw mojos, ngayon fries naman. #TEAMPATATAS. Mwahahaha. Hi Sarah Crewe!

"Ang ganda kasi nitong binabasa ko sa wattpad!" Pagpapaliwanag ko. "Tss. Kaya pala puro ka pacute. B.I talaga yang wattpad, so gay." Wika nya sabay irap. Gumanti rin ako ng irap.

"Oy hindi kaya! Mas gay ka! 1 month pa pala yung acquaintance party aayain mo na yung babaeng....g-gusto mo!" Nauutal ko pang sabi. Pero oy! Nabanggit ko yung acquaintance! Prinactice ko kasi kagabi!

"Pake mo?" Aw. Barado ako run ha. Dumakot na lang ako ng fries. Mouth open open ka na naman Estella.

That Thing Called HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon