Chapter 10
HE parked the car and then sabay na kaming bumaba. Pumasok kami ng mall at pinagtitinginan kami ng mga tao. Siyempre, sino ba namang hindi titignan, naka tuxedo pa siya, kinuha niya lang yung coat ako naman naka unfirom.
Para tuloy siyang Sugar Daddy, charot.
"Saan tayo?" tanong ko, hindi siya sumagot pero hinila niya ako sa isang botique. It's for boy's and girl's botique at pwede ring unisex.
"Choose any shirts, shorts, pants, skirts and jeans that you like" sabi niya sa akin.
"This way miss" sabi sa akin ng sales lady.
"Are you done?" tanong niya. Kakapasok pa lang namin. Tamo, hindi pa tapos yung pag endorse ni ateng sales lady sakin.
"Mainipin ka pala?" natatawang sabi ko.
"We'll take this and those, lahat yan" sabi niya. Hoy! Anon ginagawa mo!
"Teka nga! Akala ko ba ako yung pipili?" reklamo ko.
"Ang bagal mo" reklamo naman niya. Aba! Anong gusto niya, na pagkapasok namin dito ay may ituturo agad ako? Malay ko ba kung nagbebenta 'tong botique nato ng droga ng hindi ko alam.
"Baka kasi hindi ako sanay, hindi ako nagsha-shopping eh" sarkastiko kong sabi. The lady packed the clothes that he chose, meron rin pala siyang mga pinili.
"Akin na, ilalagay ko muna sa sasakyan. Hintayin mo'ko dito" sabi niya at kinuha yung mga pinamili niya. Niya dapat. Kaniya yan eh, wala akong pinili.
"Laureen?" napalingon naman ako sa lalaking tumawag sa akin.
"Matthew?" I muttered. "Ako nga!" masayang sabi nito at saka niyakap ako. I hugged him back of course.
"How's UST?" I asked.
"Maayos naman. Ikaw kamusta ka na? Kamusta na kayo? Namiss ko na kayo nina Marien, Paula at Isa" sabi naman nito. "Saan kayo tumutugtog at ng makadayo ako kasama yung mga kaibigan ko" sabi niya ulit.
Matthew is good friend of mine. Kaklase ko siya noong first year college sa Athena University. Lagi siyang sumasama kapag tumtugtog kami but his parents transferred him to UST.
"Maayos naman kami. We actually haven't sang in a week, busy kami ngayon kasi finals na at alam mo na road to fourth year" natatawang sabi ko.
"Laureen" napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Zyrie.
"Matt, this is Zyrie. Zy this is Matt a good friend of mine" sabi ko.
"Nice meeting you pare" sabi ni Matt at nag insist ng hand shake pero tinanguan lang siya ni Zyrie.
Pilit naman akong natawa dahil sa inasta niya. "Sorry about that Matt but I'm happy that I saw you here" sabi ko naman kay Matt.
YOU ARE READING
Marrying Mr. CEO✔️
Romance"That's what you get for making a calm person mad" Started: February 1, 2021-March 12, 2022 This story is written in Taglish.