Chapter 36

1.5K 34 0
                                    

Chapter 36










MAAGA kaming pumasok ni Marien sa school. Today is finally our game day laban sa isang school na mainit yung dugo sa akin.

Team Captain lang ata dapat kalaban ko pero nagulat na lang ako bigla na kalaban ko na pati buong team nila. Yung literal na enemy ko lang talaga is yung team captain nila, friends kami ng teammates niya outside the court.

Same goes for my ladies.

Actually lahat atang captain sa volleyball may galit sa akin or sadyang nayayabangan sila na ewan? May isang team kasi na nakalimutan ko at tinoksh*t yung mga kakampi ko edi gumanti ako. Dinodog-show ko sila habang dinudurog sa gitna ng game tapos hindi ko alam na may chismis palang kumalat tungkol doon.

"Serene pala agad makakalaban natin" sabi ni Trisha.

"Grabe, mainit pa naman dugo nun sa'yo" sabi ni Paula sabay turo sa akin.

"Aba malay ko sa gagang 'yon. Crush lang nun si Zyrix e, dami pang kuda" sagot ko.

Nagbihis na kami sa banyo tapos nauna na silang pumunta sa gym, naiwan naman kaming dalawa ni Marien.

"Kinakabahan ako" sabi niya.

"Edi umuwi ka na" sagot ko.

"Gaga to, seryoso ako. Extreme daw training ng Serene para lang makaganti sa atin, lalo na ata sa'yo"  sabi ni Marien. So she's been holding a grudge for half a year now?

"You know I can accept victory and defeat. Si Esha lang naman ang hambog sa aming dalawa. She's damn persistent to win and I can't blame her though" sagot ko.

"Be careful, baka may gawin siyang hindi maganda" Marien warned me about her a couple of times before but Esha is just an insecure little b*tch.

"Hindi na nga maganda ang pagluwal sa kanya pati gawain niya di pa din maganda? Buti na lang maganda ako" sabi ko.

"Sheesh. Ulol" sagot ni Marien na parang diring diri amp*ta.

Sabay kaming pumunta sa court pero na disappoint ako kasi hindi Serene yung kalaban namin.

"Dati ka bang gago, Trisha?" sarkastiko kong sabi nang malaman ko na hindi pala Serene agad kalaban namin.

"Sorry na, Reen. Peace hehe" tanging sagot niya.

Victorina Academy ang una naming ang ikalawa ay River High tapos yung pangatlo which is mamayang hapon ay yung Serene Academy.

Sayang, excited pa naman akong durugun si Esha. Nakakamiss din siyang makitang laging galit at naiinis.

Nag prepare na lang kami sa dalawang laro namin ngayong umaga. Victorina Academy is just easy to take down kaya nasa bench lang ako noong first game. Hindi ako naglaro kasi why not diba? Pinagpahinga lang ako ni coach kahit mas mukha siyang pagod kesa sa akin.

We won the first game. 3-0 yung panalo namin sa Victorina. 30 minutes break kaya binigyan ko na lang sila ng pagkain at inumin. I was busy helping them when coach called for me, lumapit naman ako sa pwesto niya.

"River High players got taller this year and they kinda improved their skills. Kaya mo bang maglaro?" seryosong tanong ba coach?

"Hindi naman ako imbalido coach" sagot ko.

Marrying Mr. CEO✔️Where stories live. Discover now