Chapter 33

1.4K 30 0
                                    

Chapter 33










I WOKE up early and Zy was still sleeping. Malapit na yung game namin at kailangan na ng players ng pahinga kaya rest day namin today.

Hindi kami pinapasok sa school at wala ring training. Naligo ako at nagbihis and then I took my car keys and left.

Pumunta ako sa address na binigay ni Marien and it was really a long drive so I nag drive thru na lang ako sa Mcdo para sa breakfast ko.

While driving, kumakain din ako ng breakfast, I used my phone's map kasi muntik na akong maligaw kanina.

"Ate, pwede magtanong?" when I reached the place, there were other houses pero hindi ko nakita yung shop, so I was wondering if I was lost kaya nagtanong ako sa taga dito.

"Ano po 'yon?" sagot ni Ate.

"Alam niyo po ba kung nasaan 'to?" tanong ko at pinakita ang litrato ng shop.

"Kina Aling Pasing yan, diretso ka lang miss tapos ang unang daan sa kaliwa na makikita mo, dun ka pumasok tapos diretso ka na sa dulo kasi yung pinakadulo kay Aling Pasing na 'yon" sagot nito.

"Wag mong iiwan yung sasakyan mo dito sa labas miss" dagdag pa niya.

"Sige po, maraming salamat po" sabi ko at tumango naman ito at umalis.

Like she said kumaliwa ako at diretso sa dulo at nakita ko nga ang shop ni Aling Pasing. Bumaba ako sa sasakyan ko tapos pumasok ako sa shop niya.

"Magandang araw po" bati ko sa batang babae na nakaupo.

"Sino po sila?" tanong ng bata.

"Hinahanap ko po si Aling Pasing, nandito ba siya?" tanong ko pa.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo ija?" biglang may nagtanong sa likod ko kaya napalingon ako. Nagulat ako dun ah.

"Kayo po ba si Aling Pasing? May itatanong lang po sana ako" sabi ko.

"Anna, doon ka muna sa kwarto mo" utos nito.

"Gusto mo ba ng inumin ija?" tanong nito.

"Salamat po pero hindi na mabilis lang naman po ako" sabi ko.

"Maupo ka ija" sabi nito. Umupo ako like she said and then I roamed my eyes around her shop and I saw a lot more bracelets and I think they are all handmade.

"Pwede ko po ba malaman kung ikaw po yung gumawa nito?" tanong ko at pinakita ko ang litrato ng bracelet ko.

"Oo ako nga, pero paano lalaki ang pumunta niyan dito para ipagawa yan tsaka matagal na 'yon" sagot ni Aling Pasing.

"Pwede ko po ba malaman kung sino?" tanong ko pa.

"Anna! Pakibaba nga dito yung records!" sigaw ni Aling Pasing. Apo niya pala si Anna.

Anna came towards her grandmother and handed her a pile of files. Aling Pasing scanned every document she has tapos yung isang document ay binunot niya at binigay sa akin.

Tinignan ko ang dokumento at pangalan ni Zyren ang agad na naka-agaw ng atensyon ko. His whole name was written on it.

Name: Zyren Rean Villagracia

Marrying Mr. CEO✔️Where stories live. Discover now