Chapter 1: The Eves
HINDI naman ako ang tagapagmana ng kumpanya namin pero atat na atat silang ipakasal ako sa lalaking hindi ko ganoon ka kilala. Lima kaming magkakapatid, ang pinakamatanda ay si Kuya Emanuel, pangalawa si Kuya Emerson, pangatlo si Ate Emerald, pang-apat ako at ang bunso namin si Emeriella. Kuya Eman, Emer and ate Eme are already married, medyo malaki-laki at malawak na din ang kumpanya namin dahil sa impluwensya ng mga asawa ng mga nakakatanda kong kapatid.
They said I got into an accident when I was little, some of my childhood memories was erased, sabi ng doktor ay nakadepende ang mga ala-ala ko sa akin. It's either I go back to my past and recall it or move forward and burry those memories forever. Pero sabi ni mommy marami akong playmates but I can't remember one of them.
I decided to go with the flow pero paalala pa rin sa akin na ingatan ko ang ulo ko. I am in my third year college at kasalukuyang miyembro ng volleyball team ng school namin. Actually nandito kami sa gym at nagpapractice. I really don't love volleyball but I also don't hate it, kumbaga ginagawa ko lang itong libangan dahil ayaw kong malaman nila sa bahay na wala akong ginagawa, for sure ipapatawag ako ng mga magulang ko.
Three of my teammates are my bandmates and classmates. Nung freshmen ako ay nilapitan nila ako kasi transferee ako at introvert ako ng mga panahong 'yon. I don't want to associate myself with other people because sometimes they're just a burden for me, pero ewan ko kung paano ko natatagalan ang tatlong panget na 'yon.
Marami ding nagsasabi na maldita ako at oo tama 'yon. I always wear my emotionless and calm face, hindi din ako gaanong ngumingiti, ewan napapagod ako sa mga bagay na 'yon. Nagkaganito lang naman ako dahil sa past kong hindi ko maalala at ang nangyari noong nagdaang mga taon.
"May practice game tayo bukas, Sandallo! Wala akong ma say sa'yo" sambit ni coach, ako din naman walang say. Tumango lang ako saka umalis na ng gym at nagtungong shower room, nauna akong naligo at nag-ayos dahil may klase pa ako sa Science.
"Papapasok ka na Emz?" tanong ni Isabella na kakatapos lang magsuot ng sapatos. Classmate ko siya at bandmate at the same time.
"Mmm, sabay na lang tayo" Sabi ko sa kaniya, tumango naman ito saka kinuha ang korean back pack niya sa locker niya, dinala ko na din ang gym bag ko at gumaya din siya.
"Sasabay na kami" singit ng dalawa pang kaibigan ko. Si Marien at Paula.
Sabay kaming apat na naglakad sa corridor paakyat sa hagdanan kung nasaan ang room namin. Tamang-tama lang naman ang dating namin, kasi papasok na din ang lecturer namin.
Naupo na kami at nagsimula ng magdiscuss ang lecturer namin, nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip sa mga bagay-bagay ng kinalabit ako ni Isabella. Nilingon ko ito at pasimply niya namang inginuso ang guro namin na umuusok ang tenga sa galit at mukhang alam ko na kung bakit.
"Miss Sandallo! Nasaan lumilipad ang utak mo? I've been calling you for three times already!" galit na asik nito sa akin. Aba malay kong tatawagin niya ako at ano ba kailangan niya sa akin? Tss.
"Stand up!" galit na utos nito at dahil mabait akong bata at masunurin sinunod ko siya.
"Kung nakikinig ka talaga, answer my question then. There are five dwarf planets in the Solar System, aside from pluto, give me another one?" galit pa rin ang tono ng pagtatanong nito at dahil nga sabi ko mabait at masunurin akong bata ay sinagot ko ito sa pabalang na sagot charot.
YOU ARE READING
Marrying Mr. CEO✔️
Romansa"That's what you get for making a calm person mad" Started: February 1, 2021-March 12, 2022 This story is written in Taglish.