Chapter 22
AFTER 3 WEEKS
"Good luck Ate Nelia" sabi ko. It's gonna be her first day at work sa company nina Mommy at Daddy.
Those past weeks was rough for all of us lalo na kay Ate Nelia. We bid our goodbyes to Nanay Nelly before namin siya hinatid sa huling hantungan niya.
I can say that i'm proud of myself and i'm proud of Ate Nelia for continuing living. Nasa bahay na din siya nakatira pero siyempre hindi kami magkasama kasi na'kay Zy ako nakatira.
"Thank you, Reen. Good luck din sa last year mo sa college" sabi niya.
Opening Ceremony namin mamaya. I just stopped by at our house to say goodluck. After ko dito ay agad na akong dumiretso sa school.
"OMG! Laureen! We're classmates!" sabi ni Paula. Tinignan ko yung list na nasa phone niya at magkasama pa rin kami ni Isa, Paula at Marien.
"Na miss ko kayo" bungad ni Isa.
We're waiting for the last person in our group at 'yon ay walang iba kundi si Marien. Nasa auditorium silang lahat para sa opening ceremony at dahil nakasanayan na naming apat na huwag um-attend.
"Hi" Marien finally came.
"Girl, akala namin di ka na dadating" sabi ni Paula.
"Excuse me? Sa ating apat ikaw lang naman ang may lahing indiano" sabi ni Marien.
Something is off.
"in-indian mo si Rie, Pau?" tanong ni Isa.
"Wag na nating pag-usapan 'yon, bwesit lang yang si Marien" sabi ni Paula.
"Ano biggest flex niyo ngayon?" pag-iba ni Paula sa topic.
"Biggest flex ko kasi mahal ako ng mahal ko" sabi ni Isa.
"Ay sana all" sabay naming sabi ni Marien at Paula.
"Biggest flex ko kasi wala akong jowa, malinis ang braso ko ngayong taon at hindi ako nang indian ng kaibigan" sabi ni Marien.
"Sinama mo pa talaga 'yon" naiinis niyang sabi.
"Nice" sabi ko. "Wala akong biggest flex kasi hindi ko pa narirnig si Isa na magmura, saka na" dagdag ko pa.
Nang mag ring yung bell hudyat na tapos na ang ceremony nila. Nauna si Paula dito kaya alam niya kung nasaan yung section at yung room namin kaya sumunod lang kami sa kanya hanggang makarating kami sa room namin.
"Wala tayong poging transferee" malungkot na sabi ni Paula.
"Mahiya ka naman, kapal ng mukha mong maghanap ng poging transferee samantalang hindi mo magawang siputin yung kaibigan mo" sarkastikong sabi ni Marien at natawa naman kami ni Isa.
"Easyhan mo lang mare" natatawa kong sabi habang tinap yung shoulder ni Marien at naupo na sa pwestong nahanap ko.
"Good Morning Seniors!" maligayang bati sa amin ni Miss Karyl.
"Good Morning miss" we all said in unison.
"Before we start—miss Salina and mister Bueno, you can come in now and occupy the seats at the back" sabi ni Miss.
YOU ARE READING
Marrying Mr. CEO✔️
Romance"That's what you get for making a calm person mad" Started: February 1, 2021-March 12, 2022 This story is written in Taglish.