02

131 83 24
                                    

Nakadapa lang ako sa likod ng sofa habang nakikinig sa usapan nila.

"Sinabi po ba sa inyo ni papa kung nasaan siya?" tanong ni Airezelle.

"W-wala, wala siyang sinabi sa'kin e," ani ni Xian, "Bakit hindi pa ba umuuwi sa inyo? Loko talaga 'yon ah!"

May paghampas pang nalalaman sa lamesa ang kupal.

"Kanina ko pa po kase tinatawagan cellphone niya, kaso palaging cannot be reach," malumanay na sabi ng anak ko, ramdam ko sa boses niya ang pag aalala.

Naawa ako bigla dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa dating edad ko. Kung makakabalik pa ba ako o hindi na.

"Oo nga pala, alam ba ng mama mo na hindi pa umuuwi si Yeshua?" nabuhayan ako bigla sa tanong ni Xian, gusto ko rin malaman ang sagot doon.

Matagal bago sumagot si Airezelle, "Pati po si mama hindi pa rin umuuwi sa bahay," sa pagkakasabi niyang iyon ay parang anong oras lang ay iiyak na siya.

Parang may pumatong sa puso ko na sobrang bigat nang marinig ang sinabi ng anak ko. Kung wala ako sa bahay at wala rin si Phia, ibig sabihin ay walang kasama ang mga bata.

Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang dalawang kamay, naiinis ako dahil wala akong magawa.

"Mauna na po ako Mr. Sevilla, sabihan niyo na lang po ako kapag may balita na kayo kay papa," nakahinga ako ng maluwag nang malamang aalis na ang anak ko.

"Teka gabi na, gusto mo ba hatid na kita? Delikado na sa labas," alok ni Xian sa kaniya.

Oo nga anong oras na, baka mamaya may kung anong mangyari sa anak ko lalo na't babae siya. Jusko mapapatay ako ng asawa ko pag nagkataon. Tama yan Xian ihatid mo ang anak ko pauwi kung ayaw mong malintikan sa akin.

"Okay lang po ako, kasama ko po yung kambal,"

"Kasama mo? Bakit hindi sila pumasok?" nagtatakang tanong ni Xian.

"Hindi ko alam kung dapat ko pa pong sabihin pero ayaw raw po nila kayo makita," nahihiyang sagot ng anak ko.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa narinig ko, "Pfftt," tinakpan ko agad ng dalawang kamay ang bibig ko nang marinig nila ang ingay. Parang nag r-racing ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

"May kasama po kayo Mr. Sevilla?"

Nanlaki ang mata ko sa kaba kaya lalo akong yumuko, halos humiga na ako sa sahig na para bang mag pu-push up.

"Wala! Ako lang iyon Pft,"  ginaya ni Xian ang ang tunog na galing sa'kin. "Ah 'wag mo pansinin iyan, mahilig kasi akong uminom ng beer gamit dalawang baso hehe," nakita siguro ni Airezelle na dalawang baso ang nakapatong sa coffee table.

Nang makalabas na ang anak ko ay pumunta agad ako sa bintana para sumilip at nakita ko na kasama nga niya ang kambal.

Pagpasok ni Xian ay masama agad ang tingin niya sa akin, "Nagawa mo pa talagang tumawa kanina. Muntik na tayo mahuli," kinuha niya ang beer sa lamesa tsaka umupo sa sofa.

Ngumisi lang ako at bumalik na rin sa sofa para inumin ang naudlot na beer ko kanina.

"Anong balak mo niyan?" ininom niya ang kalahating beer sa baso na hawak niya. "Pati pala asawa mo hindi pa umuuwi. Ang lakas ng trip niyong dalawa, hindi na kayo bata para mag tagu-taguan," nilapag niya ang pint glass sa lamesa at sinalinan ulit ng panibago.

"Hindi ko alam," totoong sagot ko sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang gagawin ko. "Pero naaawa ako sa mga bata," pag amin ko.

"Kung wala kayong dalawa sa bahay," lumingon siya sa'kin "Eh di wala kasama yung tatlo?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Napahawak ako sa noo ko dahil biglang sumakit ang ulo ko nang maisip na naman ang problemang iyon.

"Paano kung..." umayos siya ng upo habang ang tingin ay diretso sa harap niya.

Hinagis ko sa kaniya ang isang unan sa sofa, "Ayusin mo 'wag kang pabitin,"

Nasapo niya ang unan na hinagis ko, "Bumalik ka sa pagiging high school, mag aral ka ulit kung saan nag aaral ang mga anak mo," Ngumiti siya sa akin na para bang napaka talino niyang tao dahil naisip niya ang ideyang iyon.

"HAHAHAHAHA!" hindi ko rin alam kung bakit pero natawa ako sa sinabi niya. "AHAH-ARAY!" binato niya naman ngayon sa akin yung unan.

"Seryoso kasi, isipin mo bukod sa mababantayan mo yung mga bata. Magkakaroon ka pa ng chance na ayusin iyang buhay mo," paliwanag niya.

Sa sinabi niyang iyon ay napaisip ako. Tama si Xian, kapag nag aral ulit ako kung saan nag aaral ang mga anak ko ay mas masusubaybayan ko sila. Pwede ko na rin maayos ang buhay ko at makamit ang pangarap kaso... paano si Sophia?


NAKAUPO lang kami ni Xian sa loob ng sasakyan niya, nasa parking lot kami ng Saintyce School kung saan nag aaral ang tatlo kong anak.

"Basta pre hindi mo ako pwedeng tawagin na pare, tol, dude. Daddy tatawag mo sa 'kin, ayos ba? Dad-dy," paglilinaw niya sa akin na ine-emphasize pa ang salitang Daddy nakala mo naman hindi ko kayang sabihin.

Napagusapan namin na mag aaral ulit ako sa school namin dati kung saan nag aaral ang mga anak ko, ang mag pa-panggap na guardian o magulang ko ay syempre sino pa ba kung hindi si Xian. No choice. Sagot niya lahat ng babayaran sa school tutal siya iyong mayaman dahil may sariling kompanya.

"So your name is Luke Sevilla hmmm, and your parent is Mr. Xian Sevilla am I right?"  tanong sa amin ng head of transferees.

"Yes tama right," sagot ni Xian at may pataas baba pa ng kilay ang putek. Mukhang tinamaan na naman ang loko dahil magandang babae ang nasa harap niya.

"If you don't mind Sir, bakit naisipan niyong ilipat na si Luke sa School kung dati ay home schooling siya?" tanong ng head of transferees sabay sandal sa swivel chair niya at pinagkrus ang braso.

Patay, hndi namin napagusapan ang tungkol doon ni Xian basta ang napagkasunduan lang namin ay galing ako ng home school.

Sasagot na sana ako pero biglang sumingit si Xian, "You know babe- ay este ma'am. Naisip ko na mas maganda pala talaga kapag sa mismong school nag aaral. Mas mapapalawak niya yung mga bagay na matutunan niya at marami pa siyang pwedeng madiskubre. Yung mga kalokohan- I mean skills niya mas lalong mag g-grow, bukod doon marami pa siyang kaibigan na makikila," pagkatapos sabihin ni Xian ang mala essay niyang sagot ay sinuot niya ang shades na nakasabit sa polo niya para mag mukha siyang cool.

Proud na proud ang loko sa sinagot akala mo talaga life changing ang sinabi. Pero mukhang namangha naman ang head of transferees sa sinabi niya dahil natulala.

"Hmm very well said Mr. Sevilla, your son can start his first day of school tomorrow,"

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon