09

57 27 12
                                    

This chapter is dedicated to Mish_april03 .

Nagpapanic akong binuhat si Airezelle. Tumakbo ako palabas ng fun house, walang pakiaalam sa mga taong mababangga at nakatingin. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang makita si Airezelle na walang malay.

"Anong nangyari?!" rinig kong sigaw niya mula sa likod. Bakas sa boses ang pagkataranta at pag-aalala.

Paglabas ng mall ay pumara agad ako ng taxi. Pinahiga ko si Airezelle sa likod, nagmamadali akong umupo sa shotgun seat, "Kuya sa pinaka malapit na hospital,"

Sinugod sa Emergency Room si Airezelle pagdating namin ng Ace Hospital. Nakasunod sa amin sila Snow, Cairo, Dane at ang mga kaibigan ni Airezelle.

Nakaupo kaming lahat sa waiting area, hinihintay na lumabas ang doctor. Nakayuko lang ako habang nagdadasal na sana ay walang mangyaring masama sa anak ko. Napalingon ako sa gilid nang marinig na mayroong humihikbi.

Puno ng luha ang mata ni Snow, "A-ano ba kasing nangyari Luke?" umiiyak niyang tanong, nagmamakaawa ang mga mata na magsalita ako.

"Gago ka!" biglang may humawak sa kuwelyo ko dahilan para mapatayo ako. Galit na galit akong sinuntok ni Calvin sa mukha. Napatakip si Snow sa bibig dahil sa gulat.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" isang suntok pa sana ang muntik nang dumapo sa mukha kung hindi lang siya pinigilan nila Cairo at Dane.

Hinawakan ni Cairo si Calvin sa braso at balikat niya, "Kuya tama na, walang kasalanan si Luke,"

Wala akong reaction kung hindi ang gulat at pagtataka. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Calvin at kailngan niya akong suntukin. Diretso lang ang tingin ko sa kaniya, walang balak na pumatol.

Bumukas ang pinto ng emergency room kaya sabay-sabay kaming napalingon sa lumbas na Doctor. Lumapit agad si Snow para tanungin kung ano ang nangyari.

"The patient is stable. Nahimatay siya dahil sa pagod, she's overworked. Hindi na kinaya ng katawan niya, kailangan niya munang mag pahinga kung hindi baka bumigay ang katawan niya at mag cause ng sakit." paliwanang ng doctor sa amin. "Excuse me,"

Throwback

"Papa nilalamig po ako,"

Tinigil ko ang pag-aayos sa tv at lumapit agad kay Airezelle na naglalaro sa sala. Hinawakan ko siya noo para tignan kung mainit ba siya. "Ang taas ng lagnat mo anak, teka lang kukuha ng gamot si papa," nagmadali akong pumunta sa ref para maghanap ng gamot.

"Papa si kuya ayaw magpahiram ng laruan!" reklamo ni Cairo. Nag-aaway na naman sila ng kambal niya.

"Calvin 'wag kang madamot pahiramin mo ang kapatid mo," suway ko.

"Ahhh!" umiyak si Calvin dahil akala niya ay pinapagalitan ko siya.

"Papa sumasakit po ang ulo ko, nasaan po si mama?" umiyak bigla si Airezelle. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

"Sandali na lang anak," pinatay ko na ang niluluto kong lugaw at kinuha na rin ang gamot na nakita ko sa ref. Umupo ako sa tabi ni Airezelle at nilapag sa harap niya ang lugaw. "Kumain ka muna bago uminom ng gamot, nag ta-trabaho pa si mama mamaya pa siya uuwi," sabi ko habang hinihimas ang buhok ni Airezelle.




Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon