04

110 81 20
                                    

Throwback

Dahan dahan akong huma-hakbang palapit kay Sophia para gulatin siya mula sa likod.

"Boo!"

"Wah!"

Muntik niya na akong mabatukan dahil sa tangkad niya, buti na lang ay tumingkayad ako kaya hidi niya na-abot ang ulo ko.

"Pasalamat ka matangkad ka ng ilang inches sa akin,"  aniya sabay irap ng pabiro.

Ngumiti lang ako, binigay ko sa kaniya ang dala-dala kong strawberry shake na paborito niya.

"Ang lakas mo talaga mag laro, lahat ata ng lalaki na nanonood kanina sa'yo naka tingin,"  puri ko sa kaniya.

Kinuha niya ang shake sa kamay ko. Umupo kaming dalawa sa bench.

"Malakas ba iyon?" natatawa niyang tanong.

"Wow ang humble mo naman miss ma'am," pang aasar ko.

"Mas malakas ka kaya, ikaw nga MVP sa basketball e," ginaya niya kung paano ako mag shoot ng bola, "Razon, Three points!"  sabay kaming tumawa.

Nakangiti akong nakatitig sa kaniya habang tumatawa siya. Bawat anggulo ng mukha niya ay maganda para sa 'kin. Sa tuwing tatawa o ngingiti siya ay lalo akong naguhulog. Himala talaga na naging kaibigan ko ang babaeng gusto ko.

Bumalik ako sa reyalidad nang pinitik niya ako sa noo.

"Aray!" napa-sapo ako sa noo ko dahil masakit ang pitik niya.

"Nakatitig ka na naman, alam mo konti na lang iisipin ko na talagang may gusto ka sa 'kin!"

"Sino?"

"Ika-"

"Nagtanong?" putol ko sa kaniya sabay tawa ng malakas.

"Bwiset!" tumayo siya kaya tumayo na rin ako para tumakbo dahil alam kong sasabunutan niya na naman ako.




PABALIK-balik  ako ng lakad sa sala habang iniisip ang mga nangyari kanina.

"Kamukha ba talaga? Baka iniisip mo lang 'yon kasi miss mo na,"  sabi ni Xian na ikinatigil ko.

Tumungin ako sa kaniya, "Oo miss ko na, pero hindi kamukha talaga e,"  humawak ako sa baba ko at inalala ulit ang mukha ni Snow.

Kinuha ni Xian ang cellphone niya, "May facebook ba iyon? Para makita ko kung kamukha talaga niya," 

Lumapit agad ako kay Xian para tumabi sa kaniya, inagaw ko ang cellphone sa kamay niya. Pumunta ako sa facebook app at bumungad sa akin ang isang picture ng babaeng naka bikini, "Ano ba 'yan pre," puna ko.

Sinearch ko na ang Snow Zanoria, in-isa-isa ko ang bawat profile na lumabas. Binalik ko agad kay Xian ang cellphone niya nang wala akong makita na mukha ni Snow.

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon