07

91 62 17
                                    

"Hindi ah! Napadaan lang ako," depensa ni Snow sa saril niya. "Ikaw, bakit nag tatago ka pa diyan sa poste? Stalker ka 'no?"

Sarkastiko akong tumawa dahil sa sinabi niya, "Ako stalker? Labo uy! May bibilhin lang ako," 'yon ang ginawa kong dahilan kasi wala na akong maisip na iba.

Pinanliitan niya ako ng mata bago naglakad para pumasok sa loob ng covenience store. Sumunod ako sa kaniya.

"Welcome to M&M!" bati sa amin ni Airezelle. Hindi niya kami napansin ni Snow dahil abala siya sa pagaayos ng mga items sa counter.

Dumiretso ako sa snack section para kumuha ng chips, si Snow naman ay kukuha ng inumin sa ref. Habang namimili ng bibilhin ay pasulya-sulyap kaming dalawa sa cashier kung saan nakatayo si Airezelle.

Tumingin kami ni Snow sa isa't isa at tumango bago sabay na pumunta sa counter. Nilapag namin sa harap ni Airezelle ang item na bibilhin namin.

"Oh Luke, Snow kayo pala," nakangiting sabi ni Airezelle sa amin. Kinuha niya ang chips at soda sa harap para i-punch ang presyo. "Ninety five pesos,"

Bago pa mai-abot ni Snow ang bayad niya ay binigay ko na agad ang one hundred pesos kay Airezelle. Nanginginig pa ang kamay ko sa pag abot ng pera.

Hindi ko masabi-sabi ang gusto kong i-tanong kay Airezelle dahil kasama ko si Snow. Hindi ako mapakali sa kamay ko, nag dadalawang isip kung magsasalita ba ako o hindi. Kanina ko pa gustong tanungin kung bakit siya nag pa-part time job at bakit hindi niya sinasabi sa akin.

"Bakit ka nag tatrabaho rito?" diretsong tanong ni Snow kay Airezelle. Wala nang patumpit tumpit pa, napaka straight forward niyang tao.

Napalunok si Airezelle dahil sa tanong ni Snow, naging seryoso ang awra ng mukha niya.

Binigay niya sa amin ang paper bag, "Kailangan ko e," pilit na ngiti niyang sagot.

"Para saan?"

"Bakit mo kailangan?"

Nagpabalik-balik ang tingin ni Airezelle sa amin ni Snow dahil sabay kaming nag tanong.

"Alam ba 'to ng magulang mo? Hindi mo dapat 'to tinatago sa kanila," dagdag ko.

Tumango tango si Snow, sangayon sa sinabi ko, "Tama, kaya pala gabi ka na lagi umuuwi dahil nag pa-part time job ka! Hindi mo ba alam na delikado 'yang ginagawa mo!"

Nasindak kaming dalawa ni Airezelle dahil sa sigaw ni Snow. Napaawang ang labi ni Airezelle dahil hindi makapaniwalang pinapagalitan siya ni Snow. Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko kung saan nakatayo si Snow, pati ako ay na-weirduhan sa inakto niya sa anak ko.

Sacastic na ngumiti si Airezelle sa aming dalawa, "Hindi ko alam na kaklase ko pala ang mga magulang ko," ngumisi siya. "Oh bakit parang namutla kayong dalawa? Joke lang oy! 'Wag kayo mag alala alam ng magulang ko," tinawanan niya kaming dalawa ni Snow dahil sa naging reaksyon namin sa unang sinabi niya.





PAGUWI ko sa bahay ay bumungad sa akin ang mukha ni Xian na nakatayo sa likod ng pinto.

"Putek! Anong ginagawa mo diyan?" babatukan ko sana siya kaso nakita kong lumabas si Jeyel galing sa kusina kaya binalik ko na lang ang kamay ko.

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon