10

21 1 0
                                    

"Kompleto na ba lahat?" sigaw ng adviser namin na si Ms. Lia. Isa-isa niya kaming binilang para siguraduhing walang kulang sa section namin. "Wala pa rin ba ang tatlong Razon?" aniya.


"Nakalimutan ba nila na retreat natin ngayon?" kinamot ni Dane ang ulo niya habang nakakunot ang noo.


Kanina pa namin hinihintay sila Calvin, Cairo at Airezelle, sila na lang ang kulang sa section namin. Mukhang late nagising ang tatlo dahil pagod kahapon.


"Hindi dapat maiwan ang tatlong 'yon, nasaan na ba kasi sila?" nagpabalik-balik ng lakad si Snow mula sa pwesto namin hanggang sa gate ng school. Inaabangan na makita ang mukha ng tatlo.


Lumiwanag ang mukha naming tatlo nila Dane at Snow nang makita na tumatakbo ang tatlo papasok sa gate ng school.


"Ang usapan ay seven ng umaga hindi gabi, muntik na kayong maiwan," reklamo agad ni Dane sa kanila.

Panay sa habol ng hininga si Airezelle habang hawak-hawak ang dibdib. "Ito kasing dalawa s-sbi ko five thirty kami aalis, aba mga f-five thirty nagsi-gising," hirap na siya sa pagsasalita dahil sa hingal.


Pero ang dalawa niyang kapatid ay mukhang chill lang at hindi napagod sa pagtakbo. Nag iwas lang silang dalawa ng tingin dahil mukhang guilty sa sinabi ni Airezelle.


"Ano Dane? Wala ka na bang balak umuwi sa inyo? Parang mag lalayas ka na sa dami mong dala ah," pang-aasar sa kaniya ni Airezelle sabay tawa.


"Listen everyone!" napunta ang atensyon naming lahat kay Ms. Lia. "You can now go to your perspective seats inside the bus,"


Kinuha na namin ang kaniya-kaniyang mga maleta at bag para ilagay sa storage area ng bus.


"Let me help you, ako na mag dadala nito," kinuha ni Jeyel ang maleta ni Airezelle sa kamay niya at siya ang nag lagay sa storage ng bus.


Napangisi na lang ako sa ginawa niya, mukhang gusto talaga niya ang anak ko.


"Huy!" sinangga ni Dane ang balikat ko, "Tara pasok na tayo sa loob,"


Pumasok na ako sa loob ng bus at hinanap agad kung saan nakaupo si Snow. Nakita ko ang pwesto niya sa bandang gitna ng bus kaya lumapit ako para tabihan siya.


Bago pa malapat ang p'wet ko sa upuan ay may naupuan akong mga binti.


"Nauna na ako, doon ka na" tinulak ako nito patayo. Sumama agad ang tingin ko kay Neil na hindi man lang nakatingin sa akin, kun'di sa bintana.


Umiling ako, "Wala akong pake, tumabi ka diyan,"


May biglang humila sa gilid ng damit ko kaya napatagilid ako, "Hayaan mo na 'yan, tayo na lang ang mag tabi," hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila papunta sa upuan niya.


"Yieee,"

"Uy si Kisha pumaparaan!"

"Sabi na crush mo si Luke e!"


Rinig kong sigawan ng mga kaklase namin na halos lahat ay sa amin nakatingin ng babeng pangalan ay Kisha. Naririnig ko lang ang pangalan niya sa room pero hindi kami magkakilala.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon