05

119 81 28
                                    

Uminit agad ang ulo ko nang makitang kasama si Calvin sa nakikipag bardagulan dito. Nakakuyom ang dalawang kamay ko, pinipigilan ang sarili na magalit.

Habang nakatingin sila sa akin ay kinuha ng estudyanteng lalake ang pagkakataon na iyon para pumiglas sa mga nakahawak sa kaniya at sinugod ng suntok si Cal sa mukha.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at dahil doon ay lalong nag init ang ulo ko.

Nakita kong napangiwi si Cal sa sakit, lalong nag dugo ang labi niya at mas naging halata ang pasa sa mukha.

"Aba loka ka," Sinugod ko agad iyong lalaking sumuntok sa anak ko, susuntukin ko sana siya pero bago ko pa magawa iyon ay may sumuntok na sa kaniyang iba na malakas kaya napasigaw 'yong lalake sa sakit at napa-upo ulit sa sahig.

Nilingon ko kung sino 'yon. Dumamba sa akin ang mukha ni Cal na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya, hindi siya mukhang galit kun'di ay chill lang.

"Pasalamat ka may um-epal kaya naka-isa kang siraulo ka," ani ni Calvin habang hinahabol ang hininga.

Ako ba ang tinutukoy nitong epal? Tatay mo 'ko hoy, tapos epal lang sa'yo? Kasalanan ko bang cr ito ng mga lalake at dito kayo nag su-suntukan?

Bumalik sa isip ko ang reyalidad na nakikipag away si Calvin.

"Hoy ikaw bata ka!" turo ko sa kaniya, "Puro ganito lang ba ginagawa mo sa school ha? Nakikipag suntukan ka lang?!" sigaw ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa in-asal ko sa kaniya.

"Pft, bago ka palang laki mo ng epal," aniya at nilagpasan ako, binangga na naman ang balikat ko. Sumunod sa kaniya iyong mga kaibigan niyang nakipag suntukan rin.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya ng cr dahil hindi ko matanggap ang sinabi at trato niya sa 'kin.

Nag bell na sa hall kaya ibig sabihin ay lunch break na. Nagsisilabasan na rin ang mga estudyante sa room.

"Jeyel!"

May biglang sumulpot na babae sa pinto ng cr at tinawag si Jeyel.

Aalis na sana ako nang bigla kong ma-realized ang sinabi na panagalan noong babae.

Teka, 'nak ng pucha! Siya si Jeyel? Anak 'to ni Xian?!

"Tara sa clinic," Hindi na nagdalawang isip iyong babae at pumasok na sa loob ng cr ng mga lalake. Disappointed siyang tumingin doon sa dalawang lalake na kasama ni Jeyel dahil wala man lang silang ginagawa. Kinuha niya ang isang braso ni Jeyel at nilagay sa likod ng batok niya para alalayan itong makatayo.

Lumabas na rin ako ng cr para puntahan si Dane at Snow sa room. Pagdating ko ay wala na sila kaya dumiretso na ako sa canteen para hanapin sila. Nahanap ko agad sila dahil kitang kita ang pwesto nila na malapit sa bintana. Nang medyo malapit na ako ay huminto ako sa pagtataka dahil kasama sa table si Airezelle at ang mga kaibigan niya.

"Luke!" Tinawag ako ni Dane habang kinakaway ang kamay sa 'kin.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Snow, 'yon na lang ang bakanteng pwesto. Lahat silay ay may kinakain na kaya tatayo na sana ako para bumili pero may biglang tumapat sa aking isang plato na may kanin at ulam na, sumunod ang isang basong juice.

Living in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon